CHAPTER 44

1.3K 77 1
                                    

Chapter 44

         GALIT NA Galit na boses Rex ang pumuno sa buong silid. Halos mag-usok na ang ilong nito sa galit at sa frustration.

"How did he scaped? Sinong nagpakawala sa kaniya?!" Galit na galit nitong tanong sa isang tauhang nag-sumbong sa matanda.

"Boss, may naglitas po sa kaniyang lalaki. Magaling po siya." tinungo ng lalaki ang ulo na animo'y natatakot sa galit na boss nito. "Hindi namin sila napigilan."

Nakatikim ng malakas na sampal ang lalaki. "Wala kang kwenta!" Inilabas ng matanda ang baril nito. Kinasa at walang pasabi-sabing kinalabit ang gatilyo ng baril.

Bagsak ang lalaki sa sahig, habang tumatagas ang dugo sa sahig.

"Wala kayong kwenta lahat." Takot na nagsilayuan ang mga tauhan ni Rex.

Bumaling ang matanda sa kaniya. "Sino ang lalaking nagpatakas kay Carlosz?" tanong nito sa kaniya.

"Malalaman ko ba 'yun?"

Inilabas nito ang baril at tinutok sa kaniyang ulo. "Alam kong alam mo kung sino ang nagpatakas sa kaniya. Alam ko rin ang dahilan kung bakit hindi ka sumama sa kanila. Now tell me, sino ang nagpatakas kay Carlosz?" humigpit ang pagkakahawak nito sa baril.

"Even if you kill me, i still don't know what you're talking about."

"Pa'no kung ang kapatid mo ang patayin ko? Hindi mo parin ba sasabihin?"

Nagtagis nag kaniyang bagang at matiim na pinaka-titigan ang matanda. "Si—"

Hindi niya natuloy ang iba pa niyang sasabihin ng may pumasok sa loob ng silid. Ito ay walang iba kundi si Hitler.

Lumapit ito kay Rex, walang pasabi-sabing hinampas ang matanda ng baril dahilan para matumba ito.

"You idiot! Sinabi ko na sa'yong patayin mona si Carlosz? Pero hindi ka nakinig? Pa'no na ngayon iyan? Nakatakas na ang binata?"

"I'm sorry, boss. Kasalanan ko po ito. Pangako, gagawin ko po ang lahat. Mapatay lang si Carlosz. Pangako." pagmamakaawa ni Rex na halos mabahag ang buntot.

"Dapat lang Rex. Dahil kung hindi, ililibing kita ng buhay." Pagbabanta nito.

Bumaling ng tingin sa kaniya. Masama ang titig na ibinunton sa kaniya pagkatapos ay umalis kasama ang iba nitong mga tauhan.

Masama ang timplang tumayo si Rex pinahid ang dugo sa gilid ng labi nitong bahagyang pumutok.

"Ihanda ang ating mga tauhan. Kung saan man nagtatago ang pulis na 'yan! Ibabalik na'ten siya sa impyernong kanilang kinalalagyan. Isasama pa na'ten si Caleb!" Matalas na ani Rex na sa kaniya pa ibinaling ang masamang pagkakatitig.

Umalis na ang mga iyon at malakas na sinara ang pinto. Naiwan siya sa loob nag-iisa. May kumidlit na pangamba dito sa loob ng dibdib niya, ganun pa man ay ipinanatag niya ang kaniyang sarili. Magaling si Carlosz at alam niyang magaling din ang kasama nitong si Caleb. Panatag siyang walang mangyayareng masama sa dalawa...

Nakahiga si Carlosz sa hospital bed matapos siyang gamutin ng kaniyang kaibigan si Axll.

"Mukhang uugod-ugod na talaga itong si Carlosz. Ngayon nasa hospital bed na naman." tudyo ni Jonaz.

Narito na naman ang kaniyang mga kaibigan upang tudyuin siya. Sino ba naman kasi ang nagpaalam sa mga itong nasa ospital siya? Mukhang si Axll ito.

"Tumatanda kana Carlosz. Kailangan mo ng mag retiro." pabirong segundo ni Luis.

"Fuck you!" he said while raising his middle finger. "Nagpunta lang talaga kayo para laitin ako."

Lumapit sa kaniyang tabi si Gord. "How did you get this wounds? Ano bang nangyayare sa'yo?" nag-aalalang tanong nito. "I suggest you should retire."

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWo Geschichten leben. Entdecke jetzt