CHAPTER 52

1.4K 77 5
                                    

Chapter 52

         NAGISING SI Terrenz sa isang pamilyar na silid. Amoy palang niya ay kilatis na niya kung na'san siya. Narito siya sa kwarto ni Carlosz. Napa-kunot ang kaniyang noo ng makita ang labas. Palubog na ang araw.

Napatingin siya sa orasang naka-patong sa bedside table. 5:00pm. Para kagabi lang nag-pakalasing siya tapos ngayon hapon na? Napaka-tagal naman pala ng kaniyang pagkaka-tulog. Kaya pala nananakit na ang tiyan niya.

Daing niya ang kaniyang ulo ng bahagyang manakit iyon. Sapo-sapo niya ito ng siya'y bumangon. Napakabigat ng kaniyang ulo sa kaniyang pakiramdam. Parang ayaw pa niyang bumangon at gusto na lang niyang muling matulog.

Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang kinaroroonan ni Carlosz. Natagpuan niya ito sa salas kasama si Caleb na nag-aayos.

Napakunot ang kaniyang noo. Kakaiba ang suot ng mga ito na animo'y makikipag-bakbakan.

"Carlosz..?" pukaw niya sa atensyon ng binata dahilan para mapabaling ang tingin nito sa kaniya.

"Anong ginagawa ninyo?" dugsong pa niya.

Lumapit sa kaniya ang binata at hinawakan siya nito sa mga kamay. "We will end this shit! It's time for Hitler to get killed by my own hands. Marami na siyang nagawang krimen at labag sa batas, maniningil lang ako—"

"Isama mo'ko."

"No, Terrenz. Hindi pa ayos ang pakiramdam mo, magpa-galing ka muna—"

"Sa tingin mo makakapag-pahinga ako habang hinihintay ka? Na walang kasiguraduhan kung makakabalik ka pa. Sawa na akong mawalan ng mahal sa buhay." hindi niya napigilang maging emosyonal ng muli niyang maalala ang kapatid niya at ang Lolo niya. "Ayokong pati ikaw ay mawala pa. Isa pa, hindi lang sa'yo may utang si Hitler. May utang din siya sa akin na dapat niyang bayaran."

"Pero.."

"Carlosz... I'll be fine, as long as i'm with you, i'll be fine. Promise."

Narinig niya ang malakas na buntong hininga ng binata, mga ilang minutong tumitig sa kaniya bago tumango. Senyales na pinahihintulutan na siya nitong sumama.

Niyakap siya nito, mahigpit na yakap naman ang ganti niya. "Please don't scare me. Be safe."

Napatango-tango naman siya. "i'll be safe."

Matapos nilang mag-yakap ay nag-simula na siyang mag-bihis. Pero bago iyon ay pinuno muna niya ang kaniyang tiyan. Gabi pa naman ang alis nila. Kung saan susugurin nila ang bahay ni Hitler upang mapatay ang matanda.

The three both wore black fitted shirt, black pants, war boots, mask, gloves, everything. May mga dala din silang bag... just incase mawalan sila ng bala. Iyon ang kanilang mapag-kukuhanan.

"Sasama ka ba talaga? You should stay here, mas lalong hindi ako nagiging kampante kung makikipaglaban ka." ani Carlosz.

"Hindi rin naman ako magiging kampante at panatag kung hahayaan kitang umalis na hindi ako kasama. I don't want to be separate with you."

Halatang nag-aalinlangan pa ang mukha ni Carlosz. At mukhang hindi pa talaga ito nakakampanteng kasama siya sa laban nito, pero dahil mapili siya, wala itong magawa kundi pagbigyan ang hiling niya.

Sumapit ang gabi. Nag-handa na sila sa kanilang pag-alis. Sakay silang tatlo ng sasakyan ni Caleb. Si Carlosz ang nagmamaneho, samantalang siya naman ang katabi nito. Si Caleb naman sa backseat abala sa pag-tipa sa computer nito. Tracing down Hitler, ang kinaroroonan ng matanda.

After so many minutes. Narating din nila ang isang malaking bahay. Sa malayo pinara ni Carlosz ang sasakyan. Tanaw sa malaking bahay ang mga bantay sa ikalawa at ikatlong palapag ng bahay.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon