CHAPTER 48

1.4K 81 11
                                    

MelanieBugtay thank you for reading, tsaka sa comment. Ramdam ko ang pananabik mo. I love you🖤

Chapter 48

          SUMAPIT ANG GABI, mahimbing ng natutulog ang kaniyang Lolo sa higaan nito. At dahil may terrace naman ang bahay. Gawa nga lang sa kahoy, ay doon na lang nila pinag-kasiya ang kanilang sarili.

Katabi niya Carlosz, habang ang katabi naman nito ay si Caleb. Pinag-gigitnaan nilang dalawa si Carlosz.

Gabi na at kailangan na nilang matulog ngunit hindi siya maka-tulog. Lalo't batid niyang nasa kabilang tabi ni Carlosz, si Caleb. Hindi parin kaya niya nakakalimutan ang mga nalamang may nangyare sa dalawa. Kaya hindi niya mapalagay ang kaniyang sarili. Kahit pa sabihing mahal siya ni Carlosz ay hindi parin niya magawang makampante.

Gusto niyang lumipat ng tayo si Carlosz. Gusto niyang magpalitan silang dalawa ni Carlosz ng tayo upang masolo lang niya ang binata. Ngunit ito ang nag-desisyon kanina. Ito daw ang dapat na nasa gitna ay siya daw ang nasa tabi nito.

Ayaw niyang mag-isip ng masama, ngunit hindi rin naman niya magawang makapag-isip ng mabuti.

Naramdaman siguro ni Carlosz ang kaniyang pagiging malikot sa pagtulog kasi narinig niya ang pagsasalita nito.

"Uncomfortable?" mahina nitong tanong.

Huminga siya ng malalim at humarap sa binata. "i just... Nothing." Tumayo siya at kinuha ang kaniyang baril. "Magmamasid na lang ako sa labas." aniya at tuluyan ng lumabas.

Palinga-linga siya sa madilim na paligid. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw upang may makita siya. Napayakap siya sa kaniyang sarili ng maramdaman ang ginaw sa labas.

Napa-singhap siya ng biglang may yumakap sa kaniyang likuran. Ang lamig na naramdaman niya kanina ay mabilis nawala. Napalitan iyon ng init.

Ramdam niya ang mainit na hininga ng binata sa batok niya patungo sa kaniyang leeg. Kakaibang sensasyon ang dulot niyon. Halos lahat na yata ng kaniyang balahibo ay nagsi-tindigan dulot ng mainit nitong hininga.

"Carlosz...? What are you doing? Why are you hugging me?"

"Dahil nilalamig ka." pabulong nitong turan sa kaniyang tainga. Halos ramdam niya ang init na dulot ng hininga nito.

"Bakit hindi ka maka-tulog." tanong nito na hindi parin inaalis ang pagkakayakap sa kaniya sa likuran.

Nagpa-ubaya na lang siya sa mga yakap nito. Lalo't kakaibang init din naman ang hatid niyon. Pang-laban sa ginaw na kaniyang nararamdaman.

"I want to be honest with you." paninimula niya. Mas pinanatili niya ang ganoong posisyon dahil nahihiya siya kapag kaharap niya ang binata. Nahihiya siya sa mga lalabas sa kaniyang bibig na maaring hindi niya mapigilan.

"Ano 'yun?" tanong nito.

"Ayaw kong nakikitang... Forget it!" kinalas niya ang pagkakayakap dito. "Umalis kana, tumulog kana. Ako na muna ang magbabantay dito."

Sa halip na umalis ay hindi iyon ginawa ng binata. Lumapit pa ito sa kaniya na naka-kunot ang noo. "Ano 'yung sasabihin mo? Sabihin mo sa'kin? Ituloy mo." seryosong wika nito.

Ang dahilan kung bakit hindi niya masabi-sabi ang gusto niyang sabihin, dahil una; walang namamagitan sa kanilang dalawa. Oo nga't inamin nitong mahal siya nito, pero hindi naman nito sinabing handa itong makipag-relasyon sa kaniya. Hindi malinaw para sa kaniya ang lahat.

Mahirap namang pagbawalan ang taong hindi naman sa kaniya hindi ba?

"Gusto kong klaruhin ang lahat sa'ten, Carlosz." paninimula niya. "Bago pa man ako mamatay. O di kaya naman ay ikaw. Gusto kong malaman, ano ba tayo?"

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now