CHAPTER 58

1.6K 90 9
                                    

Chapter 58

        MATAPOS makabalik ni Carlosz at ng kaniyang fiancee sa kanilang bahay galing sa baguio ay agad niyang inapura ang pagbabalat at paggagayat ng mga prutas dahil utos ng kaniyang mahal.

Tig-iisang piraso ng mga nakuha nilang mga prutas ang kaniyang binalatan at ginayat matapos mahugasan.

Lahat ng mga halo-halong ginayat at binalatang prutas ay nilagay niya sa malaking bowl.

Siyang-siya naman ang kaniyang fiancee matapos mapuno ng mga prutas ang bowl na inabot niya dito.

Nag-tungo silang dalawa sa salas ng bahay. Binuksan ni Carlosz ang tv at pareho silang nanuod, discovery channel about different guns and how to use it.

Tutok siya sa kaniyang panonood ng ilapag ng fiancee niya ang bowl ng mga prutas sa lamesa at nakita niyang tumayo ito.

"Where are you going?" he asked.

"May kukunin lang ako." anito.

Tumayo siya. "Anong kukunin mo? Ako na ang kukuha?"

Lumapit sa kaniya ang binata at ngumiti. Hinalikan siya nito sa mga labi ng mabilisan bago siya inalalayan pa-upo. "Ako na ang kukuha. Manood kana lang dyan." anito.

Wala siyang nagawa kundi ang umupo. Umalis ito na naka-sunod naman ang kaniyang mga mata. Nag-aalalang baka may mangyareng masama dito. Like! Fuck! Simula ng malaman niyang buntis ito, naging ganito na siya. Ang gusto lang niya ay wala itong gawin at siya na ang gagawa ng lahat. Nangangamba siyang baka mahirapan ito, baka makasama sa pagbubuntis nito.

Bumalik ang fiancee niya bitbit ang isang grapon na may lamang peanut butter. Naka-kunot ang noong pinagmasdan lang niya ito hanggang sa maka-upo.

"Anong gagawin mo dyan, T?" tanong niya.

"Ilalagay ko dito sa prutas. Baka masarap kapag may peanut butter."

"Hindi kaya magsakit ang tiyan mo niyan? Hindi kaya makasama sa pagbubuntis mo?"

"Ang OA mo palagi, darling."

Gusto niyang pigilan ang fiancee niya sa gusto nitong gawin. Pero hindi na lang niya ginawa. Kagustuhan nito e, he just hope that everything will be alright.

Matapos malagay ng fiancee niya ang peanut butter sa bowl ng mga prutas ay pinaghalo na nito.

Napangiwi siya ng makita ang itsura niyon. Hindi maintindihan. "Are you sure, you're going to eat that?" he asked.

"Of course, masarap 'to." excited ang boses na turan nito.

Napa-iling-iling na lang siya at iniwas na lang niya ang tingin dito. Tinuon niya ang kaniyang pansin sa pinapanood.

Minutes later, Terrenz started eating those uneatable food.

Hindi niya maiwasan ang mapukaw ang tingin dito. Napapangiwi siya sa tuwing isusubo nito at talagang napapa-pikit pa habang ninanamnam ang kinakain.

Napa-iling-iling na lang siya. Hindi kaya makasama dito ang kinakain? Shit!

"I'm just going to make a call. Maiwan muna kita dito." pagpapaalam niya sa fiancee. Tumango-tango naman agad ito.

Mabilis siyang lumayo sa kinaroroonan ng fiancee. Nilabas niya ang kaniyang telepono at di-nial ang numero ng telepono ng asawa ng kaniyang kaibigang Doctor.

"Hey, Carlosz? What's up?" sagot ni Kyle sa kabilang linya.

"I'm just going to ask something."

"What is it?" isang matalim na tinig ni Axll ang kaniyang narinig. Halata sa boses nito ang selos. "Why are you calling my husband?"

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganOù les histoires vivent. Découvrez maintenant