CHAPTER 34

1.3K 78 10
                                    

Chapter 34

         4 DAYS, iyan na lang ang itatagal niya sa bahay na ito, pero hanggang ngayon ay malamig parin ang pakikitungo sa kaniya ng binata. Malamig noon at lalong mas lumamig ngayon, sa puntong ayaw na siya nitong maka-usap or much worst makita.

Apat na araw na lang. Nakapag-desisyon na siya sa mga nakaraang araw. Habang may mga araw pa siyang natitira, gagawin niya ang lahat masulit lang ang natitirang araw kasama ang binata. Kung maaring kulitin at suyuin niya gagawin niya. Hindi siya makakapayag na hindi niya masusulit ang mga nalalabing oras.

Nakaligo na siya at tapos na ring makapag-bihis. Sinigurado niyang mabango at kaaya-aya ang kaniyang itsura.

This time he have to seduced a cold-hearted policeman in 3 days.

Lumabas na siya ng kwarto at mabilis na tinungo ang kusina. Alam niya ngayon umagang ito ay madalas sumisimsim ng kape ang binata, kumakain ng tinapay na pinalamanan ng peanut butter.

Malayo palang ay natanaw na niya ito. Nag-aagahan.

Lumapit siya doon. "Carlosz?"

Tumigil ito sa ginagawang pagkain bago siya binalingan ng tingin. "Is that how you called your sire?"

Ngumiti siya at umupo sa tabi ng binata. "I'm sorry, boss."

Napailing-iling na lang ang binata at sinimulang ituloy ang kinakain.

"Boss, masarap ba 'yang peanut butter?"

Siya rin ang nahihiya sa tono ng kaniyang pananalita. May laman kasi iyon at puno ng pang-aakit.

Nakita niya kung paanong napalunok iyon. Pasasaan pa at papansin din siya ng binata.

He dip his finger on the peanut butter and he put his finger covered with peanut butter inside his mouth. Feeling and licking his finger.

Nag-angat ng tingin ang binata at ng magtama ang kanilang tingin ay humulmang ngiti ang kaniyang mga labi.

"Masarap nga itong peanut butter. No wonder gustong-gusto mo."

Nag-iwas ng tingin ang binata bago sumimsim ng kape. Tumayo na ito dahilan para siya'y mapatayo din.

"Saan ka pupunta, boss?"

"You don't care—"

"I care because i'm your driver. I need to know kung saan ka pupunta, para maipagmaneho kita." Nakangiti aniya.

"I have my own hands and feet, i can drive."

"Then why keeping me, boss? Ano pa nga ba ang ginagawa ko dito."

"Ano pa nga ba?" Balik tanong nito. Umalis na ito at tinahak ang daan palabas.

Naiwan siyang tulala na animo'y kinurot ang kaniyang puso. So that's mean pinapaalis na siya? Pinapaalis na siya ng binata dahil wala naman talaga siyang role sa buhay nito? Ano pa nga ba ang ginagawa niya dito?

No! He wont leave. May natitira pa siyang araw bago niya ituloy ang plano. Sabi niya 'di ba? Susulitin niya ang natitira...

Malakas ang naging pagpapakawala ni, Carlosz, ng hangin. Is he seducing me? He thought. Hell no! I'm just assuming. Amo nga lang ang trato niya sa'kin. Aakitin? That will be my wishful thinking.

Sa kabilang banda, heto ang kaniyang pagkalalaki na mabilis nag-react sa mga nangyare. Sumakit tuloy ang puson niya.

Wala siyang nagawa kundi imaneho ang kaniyang sasakyan, patungo sa himpilan ng pulis sa kaniyang opisina.

Cases! Iyon ang maagang bumungad sa kaniya. He can't focus in his work. Okupado kasi ang kaniyang isip, walang iba kundi si, Terrenz. Fuck! How can i get you out of my mind! This is fucking bullshit!

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now