CHAPTER 47

1.3K 82 12
                                    

Warning: Kung OA 'yung gawa ko, 'wag mong basahin! Basic, right? Para lang po sa hater. HAHAHA, StellAjero189 this is for you. Salamat sa pagbabasa. I love you🖤

Chapter 47

          MATAPOS ISUBO ni Terrenz sa kaniyang bibig ang paksiw na isda ay biglang nagkuluan ang kaniyang sikmura. Biglang animo'y may nagwawala sa loob.

"I'm sorry." Tumayo siya at tumakbo sa medyo may kalayuan. Doon umakyat ang kaniyang mga kinain at doon siya nagsusuka. Halos maisuka niya lahat ng kaniyang kinain sa ng muli niyang malasahan sa kaniyang dila ang lansa ng pagkain.

Naka-kunot ang noo ni Carlosz ng makita niyang tumakbo papalayo si Terrenz. Mabilis siyang nag-alala ng marinig niya ang pagsusuka nito. Bago pa man niya madaluhan ang binata ay maging si Caleb ay tumayo at mabilis na tumakbo. Narinig din niya ang pagsuka nito.

Mabilis ang kabang naramdaman niya. Tumingin siya sa matanda na halos kunot ang noo sa pagtataka. Iisipin sana niyang may lason o may kung ano sa pagkain, ngunit ng masuri niya ang pagkain ay wala namang problema. Lalo't nakikita din naman niya sa mukha ng matanda ang pagka-inosente at batid siyang hindi ito gagawa ng masama.

Kumuha siya ng tubig at hindi alam kung sino ang kaniyang pagbibigyan. Si Caleb ba o si Terrenz. Naguguluhan siya kung sino sa dalawa.

"Ako na ang bahala kay Terrenz, intindihin mo si Caleb." Anang matanda na maging ito ay nag-aalala na rin.

Mabilis niyang dinaluhan si Caleb. Sinapo niya ang likod ng binata at bahagyang hinimas-himas. "Bud, are you okay?" May pag-aalalang tanong niya sa binata habang hinihimas parin nito ang likod niya. "Tubig gusto mo?"

Matapos humupaw ang pagsusuka ng binata ay umayos na ito ng tayo. Kinuha ang tubig at uminom. May nagbabadyang luha sa mga mata nito. At namumulta din ang mga labi at mukha.

"Are you okay now? What happen?" tanong niya.

Huminga ito ng malalim bago sumagot. "I'm okay. Nakakahiya lang kay Lolo Nestor, baka isipin niyang masama ang lasa ng niluto niya."

"Ano ba talagang nangyare?" tanong niya bago ito sumagot...

"Nakow, ay ayos lang ba ang iyong lagay hijo? Ano bang nangyare? Bakit ba ikaw ay nagduduwal diyan? Pati tuloy si Caleb ay nagsusuka na. Hayun at iniintindi ni Carlosz."

Ilang minuto pa bago humupaw ang kaniyang pagsusuka. Hinagilap niya ang baso na inabot sa kaniyang ng matanda bago uminom.

"Ako tuloy ay nahihiya sa sarili ko, mukhang hindi maganda ang pagkaka-luto ng pagkain kaya kayo naduwal. Pag-pasensyahan mo na iyon hijo. Di ko naman alam na hindi kayo sanay, kumain ng ganun."

Kinalma niya ang kaniyang sarili. Medyo tinakasan din siya ng lakas dulot ng pagsusukang iyon. "Hindi naman po sa ganoon, Lolo Nestor. Masarap naman po lahat ng mga niluto mo, hindi lang po siguro kinaya ng sikmura ko."

"Nakow, wala lang 'yon sa'kin. Naiintindihan ko ang mga sikmura ninyo." nakangiting ani ng matanda. "ikaw baga ay ayos na? Kaya mo bang maglakad?"

"Kaya ko ho." nagsimula na siyang maglakad habang naka-bantay naman ang matanda na naka-handang umalalay sa kaniya.

Ang hindi lang niya maintindihan, at ang nakaka-gulo sa kaniyang isipan, ay kung bakit siya naduwal sa pagkain ng isda. Siguro nga'y hindi lang kinaya ng kaniyang sikmura. Lalo't ito ang unang beses na kumain siya ng isda. Mukhang hindi lang siguro siya sanay.

Bumalik siya sa hapagkainan. Nakita niyang naroon narin ang dalawa.

Kitang-kita niya kung pa'no mag-alala si Carlosz sa kaibigan nito. Somehow he jealous. Selfish siya kung sabihin niyang ayaw niyang makikitang ganito ka-close si Carlosz sa kaibigan nito, pero iyon ang gusto niya.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now