CHAPTER 43

1.3K 81 1
                                    

Chapter 43

        "Boss Rex, pinapatawag ka ng boss na'ten." ani ng isang lalaki na kakapasok lang sa silid.

Napatigil ang dalawang lalaki sa paghalik sa katawan ni Terrenz ng marinig ang wika ng isa.

Nakita niyang binalingan ng tingin ni Rex si Carlosz at bahagya pang lumapit sa kaniya.

"You're lucky, Carlosz. May gagawin ako, bukas ko na lang itutuloy ang plano." anito at may kalakasang sinampal ang kaniyang mukha ng mga tatlong beses. "bihisan si Terrenz, muli siyang ikulong sa kaniyang rehas."

Halos dismayado naman ang dalawang lalaking handa ng molestiyahin ang binata. Pero ganun pa man, ay sinunod parin ng mga ito ang utos ng kanilang boss.

Naiwan siyang mag-isa dito sa loob. Naglabasan na ang lahat. Nahugot niya ang kaniyang hininga. Hindi man dumating si, Caleb upang pigilin ang dapat mangyayare, ngunit napunta naman sa kaniya ang swerte.

Binaling niya ang kaniyang tingin sa suot niyang singsing. Muli niyang pinindot ang button doon upang mabigyang senyales si Caleb kung sakaling hindi nito na tanggap ang senyales niya noong mga nakaraang araw.

Bahagya pa siyang nagulat ng maramdaman pabalik ang pag-vibrate ng singsing niyang suot. It means, Caleb was responsing.

Nabigyang buhay ang kaniyang pag-asa. Sana nga lang ay makarating dito si Caleb sa lalong mas madaling panahon. Pagod na siya sa pagkakatali dito, pagod na rin siyang makitang ginagawan ng masama ang kaniyang mahal. Panahon na para ipakita sa mga ito kung sino ang kinakalaban ng mga ito. He'll show no mercy, kill no mercy!

Ilang oras ang lumipas, narinig niya ang mga tunog ng barilan sa labas ng silid. Malalakas ang putok ng baril.

Sumilay ang sarkastikong ngiti sa kaniyang mga labi. His buddy is here. He's sure of that.

Naging mas malakas ang tunog ng mga baril patunay lang na malapit sa kaniyang kinatatayuan ang pinanggagalingan ng putukan. Kating-kati na siyang humawak ng baril, kating-kati na ang kaniyang kamay na pumatay at makawala sa pagkakatali dito.

Malakas na putok ng baril ang kaniyang napakinggan sa labas ng pinto ng silid. At narinig niya ang pagdaing ng dalawang tao, maging ang pagkaka-tumba ng mga iyon.

Tutok ang kaniyang mga mata sa pinto. Rinig niya ang malakas na pagtadyak doon. At bumungad sa kaniyang paningin ang walang iba kundi ang kaniyang kaibigan.

It was his friend, Caleb.

Bahagyang namulagat nito ang mga mata ng makita siya sa ganoong posisyon. "What the...?" Bulalas nito.

"Kalagan mo na ako." tutop niya sa iba pa nitong sasabihin.

Mabilis na lumapit sa kaniya si Caleb. Binaril nito ang kadenang naka-tali sa kaniyang mga kamay. Mabilis siyang nakawala. Pati ang mga paa niya ay napakawalan din nito.

Bahagyang naging lupaypay ang kaniyang katawan ng siya'y mapakawalan. Muntik na siyang mabagsak, buti na lang nandito si Caleb na mabilis siyang nasalo.

"What happen to you?"

"Long story, Caleb. Just give me gun. And we'll kill them all."

"Can you? Mukhang nanghihina kapa." may pag-aalala sa tinig ng binata.

"I can, Caleb. Don't worry, nangalay lang talaga ako." aniya.

May pag-aalinlangan man sa mata ni Caleb ay wala parin itong nagawa kundi ang bigyan siya ng baril.

Umayos siya ng tayo. Kahit medyo masakit pa ang mga pasa niya ay hindi niya iyon ininda. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang maligtas ang taong mahal.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now