PROLOGUE.

939 30 7
                                    

DISCLAIMER:

I DO NOT OWN any of the Slam Dunk characters except for Kumi. All credits should be reserved to Mr. Inoue Takehiko.

[FLASHBACK.]

"Haruko, gusto kita." pag-amin ni Hanamichi Sakuragi sa dalagang kaharap niya.

Huminga muna siya ng malalim, at pinaghandaan ang susunod na sasabihin.

"Kung maaari... papayagan mo ba akong ligawan ka?" Kabadong tanong ni Sakuragi kay Haruko.

Nakapikit siya dahil natatakot siyang marinig ang isasagot sa kaniya nito.

"Sakuragi..." Tawag sa kaniya ni Haruko.

Pero hindi siya nag-patinag sa tawag nito at nanatili pa rin na sarado ang kaniyang mga mata. "Sakuragi, oo. Pumapayag akong manligaw ka." Ngiting sabi nito sa kaniya.

"H-Haruko, hindi ka ba nang-gu-good time o ano?" Tila ba hindi pa siya makapaniwala sa narinig niya.

"Hahahahahahahahahahaha!" tawa ng apat niyang kaibigan. "Sa amin unang inamin ni Haruko na gusto ka niya, hehehe." Sabi ni Mito.

Napalingon si Hanamichi kung saan nang-gagaling ang ingay na 'yun, at nakita niyang nakasilip ang apat niyang kaibigan habang tumatawa.

"Ikaw na tabachoy ka!" Iritang sigaw ni Sakuragi tsaka hineadbutt si Takamiya.

"Dapat pala ay nagdala ako ng camera, para nakuhanan ko ang itsura mo, hehe. Masiyado kang kinabahan sa isasagot ni Haruko, 'no?" Nakahawak sa tiyan na sabi ni Noma dahil sa sobrang kakatawa nito.

Lumapit ang binata sa pwesto ni Noma, "Aray ko!" Daing nito nang binigyan siya ni Sakuragi ng isang headbutt, dahilan para mapahiga siya sa sahig.

"Hahahaha, ikaw naman pala ang gusto.  Puro ka Rukawa Rukawa diyan. Ikaw siguro ang may crush kay Rukawa? Hehe." Pang-aasar na sabi naman ni Ohkusu habang tumatawa.

"Amerikanong hilaw, mandiri ka nga diyan sa sinasabi mo!" Inis na sigaw naman ni Sakuragi.

"Araaaaaay!" Daing ni Ohkusu nang hinead-butt rin siya ng kaibigan.

"Naka jackpot ang mokong," Bulong ni Mito.

"Haruko, puwede bang pakiulit ng sinabi mo? Baka kasi mamaya, nananaginip lang ako o ano..." Sabi ni Sakuragi.

"Sakuragi, lahat ng 'to ay totoo. At oo, pumapayag akong manligaw ka." Ngiting sabi ni Haruko, tsaka ginulo ang buhok ni Sakuragi, dahilan para mamula ang mukha niya.

"Pinapangako kong hinding-hindi ka magsisisi sa desisyon mo, Haruko my loves." Seryosong sabi ni Sakuragi.

Nagpatingkayad naman si Haruko para maabot si Sakuragi, at dinampian niya ng halik ang binata sa pisngi.

Gulat na gulat si Sakuragi sa nangyari. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya, hindi siya makapagsalita. Halo-halo rin ang emosyon na nararamdaman niya ngayon, masaya, gulat at kinikilig. Hindi niya inaasahan ang halik na 'yun.

"H-Haruko?" Tawag ni Sakuragi sa pangalan ng dalaga.

"Salamat, Sakuragi. Pinapangko ko rin na hinding-hindi ka magsisisi na ako ang babaeng nagustuhan mo." Ngiting sabi sa kaniya ni Haruko.

"Wala na, finish na. Tara na't umexit." Aya ni Mito sa tatlong itlog, agad naman itong sumunod sa kaniya at sa isang saglit lang ay nawala na sila.

"Halika na sa gym, Sakuragi?" Aya sa kaniya ng dalaga, tsaka nito inilahad ang kamay sa harap ng binata.

Tinanggap naman niya ito at tumango sa dalaga. Magkahawak ang kamay na tinahak nila ang daan papunta sa Gym. Pagkabukas nila ng pintuan ay bumungad sa kanila ang sila Mitsui na nagwa-warm up na.

"H-Haruko? Bakit kahawak kamay mo ang gunggong na iyan?" Tanong sa kaniya ng Kuya niyang si Takenori Akagi, at napatingin naman sa kanila ang lahat ng tao na nandoon sa loob ng Gym. Pati si Coach Anzai ay naagaw din ang atensiyon.

"Kuya, pinapayagan kong manligaw si Sakuragi." Sabi ni Haruko.

"Congrats, Sakuragi! Binata ka na!" Bati ni Yasuda sa kaniya tsaka siya kinamayan.

"Ano bang gayuma ang ginamit mo kay Haruko at bigla kang nagustuhan?" Sabi ni Kogure.

"Mas pogi ako kay Rukawa, mas magaling... lamang ng tatlong milyong ligo. At siyempre henyo ako! Nyahahahahahahahaha!" Pagmamayabang  na sagot ni Sakuragi kay Kogure.

"Gunggong." Bulong ni Rukawa, tsaka ito bumalik sa pagwa-warm up.

"Sa itsura mong 'yan, may nagkagusto pa sa 'yo? At ganiyan talaga kaganda?" Puna naman sa kaniya ni Mitsui.

"GRR! Mitchi!" Sabi ni Sakuragi tsaka sinugod si Mitsui.

Agad naman siyang inawat nila Kakuta, Yasuda, Iishi, Sasaoka at Kawata.

"Naiingit ka ba porket wala dito ang KetKet mo? Napakasungit mo kasi lagi. Iniwan ka tuloy, hehehe." Pang-aasar naman ni Sakuragi kay Mitsui.

"Congrats." Bati naman sa kaniya nila Kakuta, Iishi, Sasaoka at Kawata.

"Salamat, nyahahahaha!" Sagot niya naman.

"Naks naman, Hanamichi. Pumapag-ibig tayo diyan ah." Sabi ni Miyagi, nagfist bump naman sila ni Sakuragi.

"Kaya ikaw, Ryo-chin, umamin ka na rin. Baka maunahan ka pa. Hehehe." Sabi ni Sakuragi.

"Natotorpe ako, e." Lumukot ang mukha ni Miyagi dahil sa sinabi ni Sakuragi.

"Kailangan mo ba ng tulong galing sa isang henyo?" Sabi ulit ni Sakuragi.

"Hindi 'no!" Inis na sabi ni Miyagi tsaka siya iniwan.

"Ho ho ho. Congratulations, Sakuragi. Aba'y bagay na bagay naman talaga kayo ni Haruko." Sabi ni Coach Anzai, tsaka tinapik ang balikat niya.

"Siyempre naman, Tatang! NYAHAHAHAHA!" Sabi ni Sakuragi, tsaka hinila-hila ang baba ni Coach Anzai.

"Itigil mo 'yan, gunggong!" Sabi ni Mitsui.

"Congratulations, Hanamichi Sakuragi! Masaya ako para sa 'yo!" Sabi ni Ayako sabay palo ng papel sa ulo ni Sakuragi.

"Aray ko! Ayako naman, bakit kailangan pang hampasin ako?" Tanong ni Sakuragi.

"Peace, hehehe." Sabi naman ni Ayako.

Tila ba nagpoproseso pa kay Akagi ang sinabi ng nakababatang kapatid.

"Haruko, ayaw ko ang gunggong na 'yan para sa'yo!" Sigaw ni Akagi.

"Kuya, gusto ko si Sakuragi!" Inis na sabi ni Haruko.

Napabuntong hininga na lang si Akagi, "Oo na. Pumapayag na rin ako." Sabi nito.

"Ikaw na gunggong ka, oras na saktan mo ang kapatid ko, yari ka sa 'kin!" Sabi ni Akagi, tsaka inakbayan si Sakuragi.

"Aba! Hindi ko kayang saktan ang kapatid mo Kuya Gori este Kuya Akagi." Sabi ni Sakuragi.

[END OF FLASHBACK.]

"Inaasar asar ko lang dati si Mitchi na iniwan ni Kate, tapos ako din pala, marararanansan ko. Hindi ko nga lang girlfriend si Haruko, hehehe." Malungkot ang tinig na sabi ni Sakuragi habang pinapanood ang ceiling fan.

"Pinangako ko sa'yo na hindi ako magsisising nagustuhan kita. Pero ngayon, pinagsisisihan kong nagustuhan kita, Haruko." Naiiyak na sabi ni Sakuragi, as he fell asleep.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now