EIGHTEEN.

231 18 7
                                    

Kumi's Point of View.

Hindi ko alam kung bakit uminit ang ulo ko sa naabutan kong eksena sa labas ng bahay nila Hanamichi.

Naiinis ako na hindi ko maintindihan. Psh! Ano ba 'tong nararamdaman ko na 'to?

Lumakad ako papalabas sa gate ng subdivision nila, tutal malapit lang naman 'yun. At tinext ko na rin si Kuya Eron na sunduin ako rito.

"Saan ka galing? Bakit dito ka nag-pasundo?" Tanong sa akin ni Kuya Eron matapos kong sumakay sa loob ng kotse.

"Nakitulog ako kila Hanamichi." Sagot ko.

"Ano?! Kumi, nag-iisip ka pa ba?! Bahay ng lalaki 'yun! Hindi mo 'yun kilala! Paano kung-" pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi ganung tao si Hanamichi, Kuya. Mapang asar siya pero marespeto siya sa mga babae." Pagtanggol ko kay Hanamichi.

"Fine, I trust you." Sukong sagot niya.

To be honest, na badtrip ako nung makita kong hinalikan nung babaeng 'yun si Hanamichi. At mas lalo akong nainis sa nalaman ko.

"Kumi, huy." Tawag sa akin ni Kuya Eron, pero hindi ko siya pinansin at hinayaan ko na lang na lumipad ang isip ko.

-

[FLASHBACK.]

Patapos na kaming kumain nila ate Hana, ng biglang, "Ate Kumi..." Tawag sa akin ni Hanae. "Hmm, yes, baby?" Tanong ko sa kaniya.

"Are you my kuya's girlfriend?" Tanong ni Hanae sa akin.

Gusto kong mabulunan sa sinabi niyang 'yun! I mean, I am Hanamichi's girlfriend-err, let me scratch that. I am Hanamichi's fake girlfriend.

"Baby, why'd you ask?" Pabalik na tanong ko kay Hanae.

"So, are you really my Kuya's girlfriend?" Tanong sa akin ni Hanae.

Argh! Paano ko ba ipapaliwanag kay Hanae na peke lang ang lahat ng 'to.

"Hanae, stop asking your Ate Kumi." Saway ni Ate Hana sa kaniya, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya, e.

"Finish your food na, then aalis tayo." Sabi ni Ate Hana sa kambal.

"Where are we going?" Tanong ni Haru habang kumakain ng cereal.

"I'm gonna enroll you to school. So finish up your food, alright?" Sabi pa ni Ate Hana.

"Yes." Sabay na sabi ng kambal. Hehe, they are so cute.

Nauna akong matapos kumain sa kanila, kaya naman inilagay ko na sa lababo 'yung pinagkainan ko. "Ate Hana, uuwi po muna ako sa bahay ng Tita ko. Hindi po kasi ako nakapag-paalam, e. Tsaka po, aayusin ko na rin po yung papers ko para makapag-enroll ako." Saad ko.

"Really? Let me finish my food first. Ihahatid na kita." Sagot ni Ate Hana sa akin.

"Ay, naku. Huwag na po, Ate. Kaya ko naman po. Mag-papasundo na lang po ako sa pinsan ko." Saad ko pang muli.

"Are you sure you're alright?" Nag-aalalang tanong ni Ate Hana.

"Opo, don't worry." Ngiting sagot ko sa kaniya. "Paano po, Ate...mauna na po muna ako. Salamat po sa lahat."

"Ay, don't be like that, Kumi. Hindi ba at sinabi ko naman sa 'yo na puwede ka namang dumito muna for as long as you want." Sabi ni Ate Hana sa 'kin.

Gusto ko naman talaga dito, Ate. Kaya lang, nandito ang Mama niyo at parang mainit ang dugo niya sa akin.

"Opo, maraming salamat po talaga." Saad ko. "Alis na po ako," paalam ko pa kay ate Hana.

"Sure, take care ha?" Sabi ni Ate sa akin, tsaka siya nakipag-beso sa akin.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Donde viven las historias. Descúbrelo ahora