TWENTY-TWO.

243 20 11
                                    

Dahil sa inis ni Kumi kay Sakuragi kahit na wala naman itong ginagawa sa kaniya, nag-desisyon si Kumi na umalis na sa canteen dahil pakiramdam niya ay ang bigat ng atmospera sa paligid niya dahil una, hindi naman niya ka-close ang buong tropa. At panglawa, hindi siya komportableng nakikitang magkasama si Mika at Sakuragi.

"Kuya..." Isang pigura ng babae ang lumitaw mula sa entrance ng canteen.

"Haruko, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Akagi kay Haruko na kararating lang.

"Papunta na kasi ako sa classroom ko, tapos nadaanan ko kayo dito." Sabi ni Haruko.

"Ganoon ba? O siya, maupo ka na dun sa tabi gitna ni Sakuragi at Sendoh. Wala ng mauupuan e." Sabi naman ni Akagi.

"Sige po, Kuya." Sabi ni Haruko tsaka ito dali-daling nag-tungo sa pwesto kung saan naroon sila Jin.

"Hello sa inyo, Sakuragi at Sendoh." Bati ni Haruko sa dalawa.

"Hello, Haruko hehe." Sabi ni Sendoh tsaka siya umusad pa lalo sa tabi ni Sakuragi para hindi dun makapwesto si Haruko dahil alam niyang hindi lang isa ang magseselos kundi dalawa. Nagdesisyon si Sendoh na sa kaniya na lang tumabi si Haruko para walang problema.

Nang marinig ni Kumi ang sinabing iyon ni Akagi, tila ba parang mas nag-pantig ang tainga niya dahilan para padabog niyang dinamba ang lamesa tsaka ito tumayo sa kinauupuan niya kaya naman nagulat ang lahat.

"Kumi, saan ka pupunta?" Tanong ni Kate kay Kumi.

"Aalis na." Tipid na ani ni Kumi.

Nagulat ang buong tropa nila, nang bigla ring tumayo si Sakuragi sa upuan niya. "BossBabe, uuwi ka na ba? Hatid na kita." Sabi ni Sakuragi.

Hindi pa komportable si Sakuragi lalo na't nandun si Akagi. Matapos kasi ng nangyaring sigawan nila sa Gym ay hindi na sila nagkitang muli kaya naman medyo akward para sa kaniya ang pagkikita nila ngayon.

Samantalang galit pa rin si Sakuragi kay Haruko dahil sa pang-iiwan nito sa kaniya.

"Wag na. Kaya ko ang sarili ko, mag-aral ka na lang ng mabuti diyan." Sabi ni Kumi, tsaka siya nagsimulang maglakad pero hinawakan siya ni Sakuragi sa kamay.

"Bitawan mo ako, Hanamichi." Ma-awtoridad na sabi ni Kumi sa binata.

"Ayoko nga BossBabe. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema, hindi kita bibitawan." Sabi naman ni Sakuragi.

"Ano? BossBabe? Kayo ba?" Sabay sabi ng buong tropa bukod kina Sendoh, Kate at Ayako na tila ba may alam sa nangyayari.

"Hari ka ng busted Hanamichi e. Sa gandang yan ni Kumi, papatol siya sa isang unggoy na tulad mo?" Sabi ni Nobunaga.

"Manahimik kang matsing ka! Bakit si Zeigh pinatulan ka kahit ang pangit mo? Mas gwapo pa rin ako sayo, mas lamang ng isang milyong paligo, mas magaling magbasketball kaysa sayo kaya tandaan mo yan, mahaba ang buhok na unggoy!" Sabi ni Sakuragi.

"Pulang unggoy! Kung gwapo ka e bakit limampu ang bumasted sa iyo? Puro ka yabang diyan e!" Sabi naman ni Nobunaga.

"Ano?! Hoy unggoy, napaka yabang mo! Kaya ka lang pinili ni Zeigh kasi no choice na siya!" Sabi ni Sakuragi, tsaka niya inilabas ang dila niya.

Asar talo naman si Nobunaga sa kaniya.

Bumuntong hininga si Rukawa tsaka sinabing... "Tsk, parehong gunggong."

"Kung itim lang din ang buhok ni Sakuragi, iisipin kong kambal sila ni Nobunaga e. Parehas magkasing kabugok at parehas magkasing yabang." Rinig naman nilang sabi ni Mitsui.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now