TWENTY-FOUR.

251 18 11
                                    

Soichiro's Point of View.

Parang may mali kay Kumi, and it just doesn't feel right. Pasimple ko siyang sinusulyapan kanina, at doon ko napansin ang magkahalong emosiyon na lungkot at sakit sa mata niya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, at tumayo na ako sa upuan ko. I need to accompany her. I don't want to see her being sad. It pains me. All I want is to see her bright smile, not that sadness and pain in her eyes.

"Pareng Jin, saan ka pupunta?" Tanong ni Kiyota sa akin.

"Ah, diyan lang. Sige, mauna na muna ako. Next time na lang." Paalam ko sa kanilang lahat, at hindi ko na hinintay pa ang sagot nila dahil nagmamadali akong lumabas sa canteen at hahanapin ko pa si Kumi at Sakuragi.

"Chiro..." Sabi ni Mika. Teka, bakit sumunod siya sa akin?

"Mika? Anong ginagawa mo rito?" I asked her out of curiosity.

"I feel out of place there. Tsaka masiyado akong nagiging feeling close kung kakausapin ko sila." Nahihiyang ani ni Mika.

"You should've told me." I said.

Namuntawi ang katahimikan sa amin. Walang nagsasalita. Nakatingin lang ako sa kaniya, habang siya ay nakayuko.

"Siya ba, Chiro?" Pambabasag ni Mika sa katahimikan.

"Huh?" I said, as I gave her a perplexed look.

"Siya ba? Si Kumi ba yung palagi mong ikinu―kwento sa akin?" She asked.

Of course, I have to be honest. Mika deserves to know the truth after all.

"Yes. It's her." I answered honestly.

"No wonder why you fell out of love from me." May bahid ng lungkot na sabi ni Mika sa akin.

"Miks, I'm so sorry." I apologetically said.

Miks and Chiro, that's our call sign. And I cannot deny the fact I miss being called "Chiro." The memories are all coming back.

"Chiro, don't be sorry. Wala na sa akin yun, tsaka nakaraan na yun hehe. I'm the one who should say sorry for bringing up the past." Sabi pa niya.

I'm cruel, so freaking cruel for breaking her heart. I'm such a coward for hurting her so much, knowing that I was her first love.

"No, Miks. I should be the one who say sorry 'cause I was the one who broke your heart." Sinserong sabi ko kay Mika.

"Wala kang kasalanan sa nangyari sa atin, Chiro. Siguro nga ay hindi tayo para sa isa't isa, kaya tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magka-hiwalay tayo." Nakangiting sabi niya sa akin.

"What's up with you and Hanamichi? Yun ang gusto kong itanong sa iyo e. Bakit kayo magkasama? Paano niyo nakilala ang isa't isa?" Sunod-sunod kong tanong.

"Us?" Tanong ni Mika sa akin.

"Yeah." Sagot ko.

"We're...friends." Sabi niya, pero hindi ko makuhang maniwala sa kaniya. Para kasing...may tinatago siya. Hindi ako kumbinsido.

"Okay," sagot ko na lang para hindi na humaba pa ang diskusiyon naming dalawa.

"Hahanapin mo ba siya?" Tanong niya pa sa akin.

"Yeah. Ikaw ba? Hahanapin mo si Sakuragi?" Pabalik kong tanong sa kaniya.

"Oo, e." Maikling sagot sa akin ni Mika.

"Hop in, Miks." Sabi ko sa kaniya, as I opened the passenger's seat door.

"Thank you, but you don't need to do this." Nahihiyang ani niya.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now