TWELVE.

284 19 9
                                    

At dahil sa sinabi ni Hana na kakain na sila ng dinner, pumanhik na si Sakuragi sa taas para tawagin sana si Kumi.

Dahan dahang binuksan ni Sakuragi ang pintuan, at nadatnan niya si Kumi na nakadapa sa kama niya at nakita niyang may ka video call ito at tumatawa pa ang dalagam

Sumandal si Sakuragi sa hamba ng pintuan, tsaka niya pinagsalikop ang braso niya sa kaniyang dibdib.

Pinagmasdan niya si Kumi na sobrang ganda ng ngiti, kaya napangiti na rin tuloy siya.

He can't help himself but to stare and admire at Kumi, pakiramdam niya ay sobrang suwerte niya dahil nakilala niya ang dalaga.

"Sino 'yan?" Tanong ni Hanamichi kay Kumi.

"Shh!" Kumi shushed him.

"Kumi, sino 'yun?" Tanong ni Jin sa kabilang linya.

"Ah hehe, wala! Sige na Ichiro, tatawagan na lang kita ulit bukas! Bye!" Paalam ni Kumi, tsaka niya ibinaba ang tawag.

"Boses ni Jin 'yun, ah? Paano nakilala ni Kumi si Jin?" 一sabi ni Sakuragi sa isip niya.

"Sinong kausap mo?" Tanong ni Sakuragi sa kaniya.

"Kaibigan ko, bakit?" Sagot naman ni Kumi.

"Wala!" Inis na sabi ni Sakuragi.

Psh. Bakit ba ako naiinis na kausap niya si Jin? Ano ko ba siya? 一Sabi ni Sakuragi sa isip niya.

"Bakit ba nandito ka?" Inis na sabi ni Kumi sa kaniya.

"Kasi kuwarto ko 'to?" Pamimilosopo naman ni Sakuragi sa dalaga.

"Argh! Pini-pilosopo mo ba ako?!" Inis na tanong ni Kumi kay Sakuragi.

"Pumunta ako dito para sabihin sa 'yong kakain na tayo ng dinner." Naiinis na saad ni Sakuragi.

"Ganun? Hehe, sorry naman. Akala ko kasi, nag-hahanap ka na naman ng gyera." Tumatawang sabi ni Kumi kay Sakuragi.

Napaismid si Sakuragi dahil sa kakulitan ni Kumi. "May bisita si Ate, and I need you to do me a favor." Seryosong sabi nito.

"Favor? What kind of favor? Baka halik na naman iyan! Naku Hanamichi! Sinasabi ko sa iyo!" Banta pa ni Kumi sa sinabi ni Sakuragi.

"Tsk, halik agad? Ganiyan mo na ba kina-aadikan ang labi ko?" Nang一aasar na sabi ni Sakuragi.

"What?! Ang kapal ng face mo!" Sigaw sa kaniya ni Kumi.

"Huwag ka ngang maingay! Isa pang sigaw mo at patatahimikin na kita gamit ang labi ko." Pagbabanta ni Sakuragi kaya natahimik si Kumi at nag iwas ng tingin sa binata.

Argh! Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Kahit kailan! 一Sabi ni Kumi sa isip niya.

"Ano ba kasing klase ng favor 'yan? Hehehe. Basta 'yung kaya ko lang gawin ah." Tatawa-tawa pang sabi ni Kumi.

"Ano... nandiyan si Mama." Nagkakamot ng ulo na saad pa ni Sakuragi.

Hindi pa rin talaga sanay si Sakuragi na tawaging Mama ang Ginang.

"Tapos?" Tanong naman ni Kumi sa binata.

"Argh! Bakit kasi umuwi-uwi pa 'yun!" Reklamo ni Sakuragi tsaka siya nagpa一padyak sa sahig dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya.

"Bakit? Ano bang problema? Hindi ka ba close sa Mama mo?" Tanong ni Kumi sa kaniya.

"Lumaki akong si Papa lang ang nakagisnan kong magulang. Akala ko nga noon ay wala akong nanay一teka nga, bakit ko ba ibinabahagi sa 'yo ang ganito ka personal na bagay e kaibigan lang naman kita? Ah basta! Hindi kami close." Mahabang sabi pa ni Sakuragi kaya naman napatango一tango si Kumi.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now