EIGHT.

278 18 6
                                    

Kumi's Point of View.

Ilang minuto lang ng pagda-drive ay nakarating na agad kami sa bahay nila Hanamichi.

"Akala ko ba ay naging palaboy siya? Bakit ganito kaganda ang bahay niya ngayon?" Gulat na sabi ko sa aking isip.

Hindi ko alam kung tama pa bang tawaging bahay ang tinitirahan ni Hanamichi dahil sa mala plasyong yari nito.

"Paano 'yung mga kaibigan mo? Iniwan natin sila dun sa bar." Nag-aalalang tanong ko kay Hanamichi.

"Hayaan mo sila, dito rin di-deresto ang mga 'yan mamaya." Sabi ni Hanamichi sa 'kin.

"Halika na, pasok tayo sa loob?" Ngiting aya niya.

"Sure," ngiting sagot ko naman sa kaniya.

Binuksan ni Hanamichi ang pinto at nauna siyang bumaba sa kotse. Medyo pahirapan pa dahil sa height niya.

Sumunod naman ako sa kaniya, pero hinawakan niya ang ulo ko para huwag akong mauntog sa bubong ng kotse.

"Tadaima." Bungad ni Hanamichi matapos niyang pumasok sa loob ng bahay.

Ang laki talaga ng bahay nilaーmansion pala dapat ang itawag ko.

"Okaerinasai, Sir Hanamichi." Bati sa kaniya ng mga maids at bodyguards. Nahihiya naman akong nag-tago sa likuran niya.

"Hanamichi na lang po ang itawag niyo sa 'kin. Hindi ako sanay ng tinatawag na Sir." Sabi ni Hanamichi.

"Hanamichi, sino iyang magandang dilag na kasama mo?" Tanong ng isang maid sa kaniya, dahilan para mapahawak ako sa damit niya.

"Ah, si Kumi po. Kaibigan ko po." Sabi ni Hanamichi sa isang bodyguard na nag tanong sa kaniya.

"Wow. Hindi niya naman kailangang ipagdiinan 'yung word na kaibigan." Sabi ko sa isip ko.

"Ate," tawag ni Sakuragi kay Hana na kasalukuyang nagluluto sa kusina.

"Hanamichi. Ang bilis mo naman. Nakauwi ka agad." Bati nito sa tinawag niyang Ate, tsaka ito bumeso.

Napatingin naman ito sa likod ni Hanamichi dahil nagtatago ako sa likuran nito.

"Oh, may kasama kang magandang babae. Sino siya?" Tanong nito kay Hanamichi.

"Future sister in law ko na ba?" Ngiting dagdag pa nito na para bang ina-asar pa si Hanamichi.

"Ate!" Saway ni Hanamichi dito. "Malabong mangyari ang iniisip mo." Dagdag pa ni Hanamichi.

Tahimik lang ako, dahil medyo naba-badtrip ako sa pinag-sasasabi ng gunggong na 'to sa hindi malamang dahilan.

"Siya si Kumi. Kaibigan ko, kakakilala lang namin kanina." Sabi ni Hanamichi. "Pinauwi siya dito sa Kanagawa ng mama niya bilang parusa, kaya pati tinitirahan wala siya." Paliwanag pa ni Hanamichi sa Ate niya.

"Ganun? Oh sige, dumito ka muna. By the way, I'm Hana Sakuragi." Ngiting sabi nito sa 'kin, tsaka niya ako niyakap.

Hana Sakuragi? Wow, she's so pretty. Bagay na bagay sa kaniya ang red hair niya, mas lalong pinalulutang ang kaniyang ganda.

And it's weird. Bakit siya nangyayakap kung gayong kakakilala pa lang namin? Is this how she greets a visitor?

I don't know why... pero magaan ang loob ko sa Ate ni Hanamichi. It's as if I've already met her before.

"Si Doctora Hana ay nasa harap ko ngayon. Isa siya sa pinaka-magaling at kilalang surgeon hindi lang dito sa Japan kundi sa buong mundo." Hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili.

"Hello po, Doctora Hana. It's so nice to meet you po. Grabe! Hindi po ako makapaniwala na nasa harap ko ang isa sa pinakamagaling na surgeon sa buong mundo." Namamanghang sabi ko kay Doctora Hana tsaka ako nag-bow sa kaniya.

"Ay, hehehe. Salamat. Tawagin mo na lang akong Ate dahil gusto kita para sa kapatid ko." Sabi ni Doctora sa 'kin.

And what does she mean na gusto niya ako para kay Hanamichi? And Ate na raw ang itawag ko sa kaniya? Hindi ba nakakahiya 'yun?

"Ate! Kung anu-ano ang sinasabi mo kay Kumi." Naka kunot ang noong saway ni Hanamichi kay Ate.

Ugh! Hindi ako sanay, lalo na at proffesional pa ang kaharap ko.

"Dun ka sa guestroom." Sabi ni Hanamichi sa akin, kaya naman napatango na lang ako.

"Ipapa-renovate ko lahat ng guestroom, kaya dun muna siya sa kwarto mo, share kayo hihihi!" Nang-aasar na sabi ni Ate Hana kay Hanamichi.

"Ate! Ang sagwa kayang tignan ng babae at lalaking magkasama sa iisang kwarto!" Inis na sabi ni Hanamichi.

"Ay, ang gentleman naman ng brother ko hehehe!" Pang-aasar pa lalo ng Ate niya, dahilan para mamula ang pisngi ni Hanamichi.

Ang cute cute niya, hehehe. Kainis. Tsaka bagay na bagay din sa kaniya yung red hair niya. Ang gwapo nyang tignan.

"Basta ayokong kasama 'yan sa kwarto, baka dambahin ako kapag nagalit 'yan. Nagiging tigre pa naman 'yan kapag galit." Nang-aasar na sabi ni Hanamichi sa 'kin, kaya pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.

"Anong sabi mo?!" Gigil na tanong ko dito, pero tumawa lang siya.

"Tignan mo nga ang ugali, Ate. Nasa bahay natin tapos ganito pinapakita. Nasaan manners niya?" Sabi ni Hanamichi kay Ate Hana.

"Hehehe kaya nga magsasama kayo sa iisang kwarto para mapa-amo mo." Ngiting sabi nanman ni Ate Hana.

"Magkasama na nga sa iisang bubong, magkasama pa sa iisang kwarto? Para naman kami nitong mag-asawa..." Sabi ko sa isip ko.

"Umakyat na kayo dun, magluluto lang ako ng dinner. Hanamichi ah, ikaw na ang bahala kay Kumi. Hihihi." Nang aasar na sabi ni Ate, dahilan para maramdaman ko ang pag-init ng aking mukha.

"Okay." Maikling sagot naman Hanamichi.

"Saan mo balak pumasok?" Tanong sa akin ni Hanamichi pagkatapos naming umakyat papunta sa kwarto niya.

"Sa Shohoku sana." Sagot ko. "Para kasama kita." Bulong ko pa.

"Ano?" Tanong ni Hanamichi sa 'kin.

"Wala!" Inis na sagot ko naman.

"Diyan ka muna, 'wag kang aalis diyan. Mamahalin pa kita." Nang-aasar na sabi ni Hanamichi sa akin.

Inirapan ko na lang siya dahil naiinis ako ng sobra sa kaniya.

"Napakadaming alam ng lalaking 'yun, nakaka asar. Kinikilig ako." Sabi ko sa isip ko.

"Ikuha mo pa ako ng damit, 'no? Ang dami mong alam!" Sigaw ko sa kaniya.

"Opo, Boss Madam. Ito na nga po." Sagot ni Hanamichi sa 'kin habang tatawa-tawa itong lumabas ng kaniyang kwarto.

Pagkatalikod niya ay kusa akong napangiti ng malaki. Hindi ko alam pero masaya ako. Dahil ba makakasama ko siya palagi? Ewan. Basta ang alam ko lang ay masayang-masaya ako hehehe.

Habang hinihintay ko siya ay may nakita akong litrato na nasa night stand niya. Litrato iyon ni Hanamichi at isang babae. Saglit lang... ito 'yung babae kanina sa Gym ah? Girlfriend niya ba 'to? Ang sweet kasi nilang tignan dito.

"Ano ba! 'Wag mo ngang tignan 'yan!" Sabi ni Hanamichi, tsaka itinalikod ang litrato sa akin. Ang bilis naman niya, nakabalik siya agad.

"Siya 'yung babae kanina sa Gym, diba?" Tanong ko, pero hindi siya sumagot. "Girlfriend mo?" Tanong ko pa ulit kay Hanamichi, perp wala akong nakuhang sagot sa kaniya.

"Wala ka na dun. Mag palit ka na diyan, maliligo lang ako." Masungit na saad nito, tsaka niya hinagis sa mukha ko ang isusuot ko. Kinuha niya ang towel sa pinagsasabitan nito tsaka niya pabalibag na isinara ang pintuan ng banyo.

Anong problema nun? At tama bang ihagis sa mukha ko ang damit na isusuot ko? Nag-tatanong lang naman e, ang sungit niya!

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now