FOURTEEN.

247 18 10
                                    

Hanamichi's Point of View.

Buong dinner namin ay nanahimik lang ako, pero hindi ko din namang napigilan ang sumagot. Pero si Kumi naman sinasabon ng tanong, kaya walang mapag-sidlan ang inis ko.

Nasa kwarto ako ngayon, at nakahiga sa kama, nakasarado ang mga mata ko. Iniisip kung mayroon pa bang ibang paraan para makaalis ako dito. Ayoko sa ganito kalaking lugar, at kasama pa ang babaeng naging dahilan kung bakit namatay si Papa.

Narinig kong bumukas ang pinto, pero hindi ako nag-abalang buksan ang mata ko dahil alam ko namang si Kumi 'yun.

"Hanamichi, bakit hindi mo inubos ang pagkain mo?" Bungad na tanong ni Kumi, nung makapasok siya sa kwarto ko.

"Nawalan ako ng gana, BossBabe." Sabi ko habang nakasarado pa rin ang mga mata ko.

"BossBabe? Ang corny mo ha?" Natatawang ani niya.

"At ano namang corny dun? Ikaw na nga ang Boss ko, tapos Babe pa kita." Ani ko.

"Hahaha, sige lang. Ipag-patuloy mo lang 'yan." Sabi ni Kumi habang kinukumpas ang kamay niya.

Ang weird talaga ng babaeng 'to.

"Seryoso ako, Kumi." Seryosong ani ko.

"Hahahaha." Tawa naman niya sa akin.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Nakakainis na siya, ah.

"Baka ma-fall ka niyan sa akin, ah? Wala pa naman akong balak na saluhin ka. Tsk tsk." Sabi ni Kumi.

"Ako? Mai-inlove sa 'yo? Tignan mo nga ang sarili mo, para kang nuno sa punso. Ang liit-liit mo, hahahaha." Nang-aasar na sabi ko naman sa kaniya.

"Anong nuno?! Gusto mong dumugo 'yang bibig mo ha?!" Sigaw niya sa akin, kaya naman hindi ko mapigilang mapatawa.

Kanina nang-aasar siya na corny ang tawag ko sa kaniya, tapos ngayong ako naman ang nang-aasar, maiinis siya. Hay naku, mga babae nga naman.

"Itigil mo nga 'yang pagiging amazona mong 'yan, ah?" Angil ko sa kaniya. "Ang ganda-ganda mo, tapos kung makapag-salita ka, akala mo e laking kalye ka." Sita ko pa rito.

"Magulang kita?! Bakit mo ba ako dinidiktahan, ha?!" Naiinis niyang sambit.

"Oh, galit ka na naman. Nanlalaki na naman ang mga mata mo! Hahahaha." Tumatawang sabi ko sa kaniya, habang nakadilat ang mga mata ko.

"Grr! Hanamichi!" Galit niyang sigaw sa akin.

Hehehe, kahit nagagalit na siya, ang ganda niya pa rin.

Buti na lang at soundproof itong kwarto ko, kaya hindi maririnig ng mga tao dito ang sigaw ni Kumi.

Tsk, kababae niyang tao, pero kung maka-sigaw, daig pa ang naka mega phone. Ang sakit sa tenga ng sigaw niya! Hanep.

Ipinikit kong muli ang mga mata ko, at tsaka ako bumuntong hininga. Hindi ko na lang siya papatulan, kasi kahit papaano ay naaawa naman ako sa kaniya. Alaskador pa naman ako.

"Umusad ka nga dun!" Reklamo niya sa akin, dahil sakop ko ang buong kama.

"Ayoko nga, kwarto ko 'to." Sabi ko sa kaniya.

"Kukutusan kita kapag hindi ka umusad." Banta niya pa sa akin.

Kababaeng tao, kung makapag-salita, daig pa ang tambay.

"Edi dun ka sa sofa kung ayaw mo akong katabi." Sabi ko kay Kumi, dahilan para lalong mapa-kunot ang noo niya.

"Fine! Kasya naman ako dun! Sa 'liit' ko ba namang 'to!" Inis na sabi ni Kumi, tsaka siya nag-dadabog na pumunta sa sofa at humiga dun.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now