NINE.

264 16 5
                                    

Hanamichi's Point of View.

Dapat siguro ay sirain ko na ang litratong 'yun dahil para sa akin ay isa na lamang basura 'yun, katulad ng pang-babasura sa akin ni Haruko nung iniwan niya ako.

Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, pero hindi na ito 'yung kagaya ng nararamdaman ko para sa kaniya dati.

Nakapikit ako habang sinusubukang alalahanin ang itsura ni Haruko. Alam kong naging harsh ako sa kaniya masiyado, pero deserved niya naman 'yun dahil sa ginawa niya sa akin.

Hindi madaling makalimot, at mas lalong hindi ganun kadali ang magpatawad.

Kung hindi ko kaya niligawan si Haruko, may pag-asa kaya sila ni Rukawa?

Grr! Bakit ko ba naisip ang maputlang antukin na sorong iyon?!

Inis kong isinarado ang pihitan ng shower dahil kakatapos ko lang maligo. Itinapis ko na ang tuwalya sa katawan ko.

Lumabas ako ng banyo, at nadatnan ko si Kumi na nakadapa sa kama habang nagse-cellphone, nakangiti pa ito.

"Ano namang pinagkaka-abalahan mo diyan?" Takang tanong ko.

"Wala ka na dun!" Sabi niya sabay lingon sa akin.

Nanlaki ang mga mata niya nung nakita niya na nakatapis lang ako ng tuwalya.

Gusto kong tumawa ng sobrang lakas dahil sa itsura niya. Para siyang nakakita ng multo. Hahahaha.

"Nakatulala ka na diyan. Nagustuhan mo ba?" Nang-aasar kong tanong kay Kumi.

"B-bakit ka ba naka ganiyan?! Magdamit ka nga!" Namumulang sigaw sa akin ni Kumi, kaya napa-takip ako ng tenga dahil sa sigaw niya.

Nakatapis ako ng tuwalya sa pang-ibabang parte ng katawan ko, at topless ako. May tumutulo pa ngang tubig mula sa katawan ko.

"Diyos ko po, baka magkasala ako ng dis oras." Rinig ko pang bulong niya.

"Hahahaha, like what you see?" Nang-aasar kong sabi.

"Anong like?! Baka HATE!" Sigaw niya sa 'kin.

"Kumi naman, para kang ibang tao. Aaminin mo na lang naman kung nagugustuhan mo ang nakikita mo e." Nang-aasar kong sabi.

"Umalis ka nga dito!" Inis na sabi ni Kumi sa akin tsaka siya nagtakip ng mga mata niya.

"At bakit naman ako aalis, e kwarto ko 'to?" Tanong ko sa kaniya.

"WOI!" Sigaw ni Kumi nang dahan dahan akong lumapit sa kaniya. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo..." Pahina nang pahinang sabi niya.

Nakangisi akong inilapit ang mukha ko sa kaniya kaya ipinikit niya ang mga mata niya. Teka lang... akala niya siguro ay hahalikan ko siya? Hahahahaha. Siya ang humalik sa akin kanina, dapat siya din ang humalik sa akin ngayon.

"Inaabot ko lang 'yung remote ng TV sa likod mo. 'Wag kang assuming na hahalikan kita. Hindi ka naman si Haruko, at ang taray mo pa." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Edi magsama kayo ng Haruko na 'yan!" Inis na sabi ni Kumi tsaka siya nagtalukbong ng kumot.

Ano naman kaya ang problema ng babaeng 'to at biglang naging ganito?

"Hoy, galit ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang sinusundot ang tagiliran niya.

"Ay hindi! Bakit naman ako magagalit?" Pilosopong sagot niya pa.

"Dahil ba sa sinabi ko?" Sagot ko.

"Ang dami ng sinabi mo sa akin! Tigre, maldita, mataray at kung anu-ano pa! Nakakasama ng loob!" Paghihimutok ni Kumi dahilan para mapatawa ako ng mas malakas.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now