TWENTY-THREE.

250 22 11
                                    

Kumi's Point of View.

Naglalakad kami ni Hanamichi ngayon palabas sa Shohoku. Ni walang nagsasalita sa amin, napakatahimik ng lugar. Malaki ang espasiyo sa pagitan namin, ni walang Public Display of Affection kahit na pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito.

Napahugot ako ng malalim na hininga dahil hindi ako handa sa sasabihin ko. "Why don't we stop this already?" I said, as I swallowed the sadness that's starting to swell up inside of me, and I tried to smile in front of him.

Napa-arko ang kilay ni Hanamichi sa sinabi kong iyon. "Anong ititigil?" Tanong niya.

"Ito. Itong pagpa-panggap natin. Ayoko na. Tigilan na natin to." Sabi ko.

"Ano bang problema, Kumi? Ayos naman tayo ah?" Sabi naman ni Hanamichi.

Ayos? Ayos nga bang matatawag yun? Kung ayos tayo, bakit nandiyan si Mika? Kung ayos tayo, bakit sa kaniya mo ibinabaling ang atensiyon mo at hindi na sa akin? Bakit, Hanamichi? Kung ayos tayo, hindi mo titignan si Haruko ng ganun.

"Hindi na to ayos, Hanamichi. Mas mabuti pa kung tapusin na lang natin to dahil ayokong makasakit ng tao."

"Ano bang problema mo, Kumi? Bakit ka ba biglang nagka-ganiyan?" Tanong sa akin ni Hanamichi.

"Ikaw, ikaw ang problema ko." Sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya sa akin.

"Itong kalokohan na ginagawa natin. Mali 'to, e." Ani ko pa.

"Anong mali sa ginagawa natin, Kumi? Walang mali dito." Sabi pa ni Hanamichi.

"Meron. Merong mali sa ginagawa nating to, Hanamichi. Dahil sa akin kaya nasasaktan si Haruko. Halata namang gusto ka nung tao e. Tsaka si Mika. Madami tayong nasasaktan at masasaktan kung ipagpapatuloy pa natin to." Malungkot ang tinig na sabi ko.

This is my fault. I'm the one who's at fault here, because I was the one who suggested this kind of set up. And now, I want to end this dahil bukod sa ayokong makasakit, gusto ko na ring umiwas kay Hanamichi. Ewan ko kung bakit. Hindi ako sigurado kung bakit gusto ko siyang iwasan, pero siguro mas makakabuti na rin yun dahil ikakasal na rin naman siya kay Mika e.

"Halata naman sayo na mahal mo pa si Haruko." Sabi ko.

Parang nagulat siya sa sinabi kong iyon, dahilan para hindi siya makasagot sa akin.

"Mahal mo pa." Pamimilit ko.

He shooked his head, saying no. But I don't believe him. It was so obvious that he couldn't hide it in front of her, lalo kanina nung magkausap sila.

"You still love her, don't you?" I asked. "Hindi ka makasagot. Because what I said were true, right? You're still in love with her." I added.

Kasalanan ko naman lahat ng to, kasi ginawa kong rebound yung sarili ko eh. Pero bakit ganito? Parang ang sakit sakit naman. Parang anytime, isang maling salita ko lang, tutulo ang luha ko. Ang bigat at ang sakit sa pakiramdam ng isang to. Dahil inaamin ko ng... nagsisimula na akong magka-gusto kay Hanamichi.

"How about Mika? How would you tell her about Haruko?" Tanong ko, habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Hindi ko alam. Hindi ko sigurado, baka hindi." Sagot niya naman.

"I was the one who suggested you to make me your fake girlfriend, right?" Sabi ko, at napatango naman siya. "And I will also be the one who should stop this, while it's still early." Ani ko.

"Dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko, kung tuluyan na akong mahuhulog sayo." -Sabi ko sa isip ko.

"Kumi, baka naman pwede nating pag-usapan to? Wag naman sana tayong umabot sa ganito, please?" Pakiusap niya sa akin.

Napahugot naman ako ng malalim na buntong hininga. "Nakapag-desisyon na ako na pagkatapos lang ng first year ko sa Shohoku ay babalik na ako sa Australia." Ani ko.

"Iiwan mo ko, Kumi?" Sabi ni Sakuragi. Wala akong mabasang emosiyon sa mukha niya. Blangko lang iyon.

"Oo. Ganun na nga." Mahinang sabi ko.

Anong gusto mo? Mag-stay ako sa iisang lugar kung saan nakatira yung taong nanakit sa akin? Malamang, ayoko at hindi.

"Tapusin na natin to. Ayoko na. I'm sorry." Sabi ko kay Hanamichi, tsaka ako unti-unting naglakad papalayo sa kaniya na may mabigat na nararamdaman, ni hindi ko na siya tinignan pa dahil baka mabawi ko pa ang sinabi ko.

"Kumi..." Tawag niya pa sa akin, pero hindi ko siya nilingon.

"It's up to you kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin mo. Please love her and treat her right. Wag mo siyang sasaktan, lolokohin, o papaiyakin. Please treat her like like a Queen. Please love her unconditionally." Pahabol na sabi ko pa, habang naglalakad pa rin. Iniyuko ko ang ulo ko dahil hindi ko na mapigilan pang hindi ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

"I will. Thanks for the experience of you, being my girlfriend. I'm glad I met you." Pahabol na sabi ni Hanamichi.

"I am, too." Sabi ko pa.

"That should be me, not Mika or Haruko. It should've been me." Naiiyak kong sabi sa isip ko.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now