TWENTY.

306 20 15
                                    

Hanamichi's Point of View.

Ano naman kaya ang problema ng malditang Kumi na 'yun at naging ganun siya bigla? Bakit kaya parang galit siya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama, e.

"Hubby, kanina ka pa nakatulala diyan. May problema ba?" Sabi ni Mika. Tch! Nakakainis siya, sobra! Napaka-ingay niya, at nakakainis ulit siya dahil ayaw niyang bitawan ang braso ko. Para siyang ahas na nakalingkis! Grr!

"Wala! Halika na nga sa loob!" Inis kong sabi sa kaniya, tsaka ko tinanggal ang pagkaka-kapit niya sa 'kin. "Are you mad at me?" Naka-pout na tanong niya sa 'kin.

Siyempre! Panira ka sa pagja-jogging ko, tsaka sasamahan ko pa dapat si Kumi sa kanila, kaso lang dumating ka at walang natuloy sa mga 'yun.

"Good morning po, Miss Mika." Bati ng mga maids at bodyguards na nakahilera dito sa may pinto.

"Kilala nila ang babaeng 'to? Paanong nangyari 'yun?" Bulong ko sa sarili ko.

Naupo kaming dalawa sa sofa na nasa living room, at kataka-taka lang na kilala siya ng mga maids na kasama namin dito, even the bodyguards.

"Sino ka ba? Bakit kilalang-kilala ka nila?" Tanong ko sa kaniya.

"Eh ikaw? Kilala mo ba ako?" Pabalik na tanong niya sa akin.

"Itatanong ko ba kung kilala kita? Psh." Inis kong sabi sa kaniya. "Wow ha! I'm super famous kaya pero hindi mo ako kilala? I'm very hurt, hubby." Nagda-drama sabi niya sa akin sabay punas sa pekeng luha niya.

"I'm Mika Akiyama. I'm not just your wife, but I'm also an artist." Ngiting pakilala niya sa akin, tsaka inabot ang kamay niya. Offering for a shakehands siguro. Inabot ko naman 'yun dahil ayoko naman siyang mapahiya.

Artista? Sa edad niyang 'yan ay artista na siya? Psh, sabagay. Maganda rin naman siya, simple pero malakas ang dating. Kaso, ang ingay niya! Parang nakalunok ng isang daang megaphone e! Nakakarindi!

"Oh, Mika! Hindi ka nagsabi sa akin na bibisita ka pala." Sabi ni Ate, na kakababa lang sa hagdan habang hawak hawak pa ang kamay ng kambal.

"Ate Hana!" Sabi ni Mika, tsaka siya tumakbo sa gawi ni Ate ay niyakap niya ito.

'Psh, isip bata.' Naiiling kong sabi sa isip ko.

"Haru, Hanae. Come to Ate Mika, and give me a hug!" Sobrang laki ng ngiting sabi niya.

Pati ang mga kapatid kong kambal, kilala niya? Paanong nangyari 'yun?

Sobrang abala si Ate Hana at Mika sa pag-uusap, at minsan pang sumisingit ang kambal sa usapan. Samantalang ako? Ito. Nandito lang, nakaupo habang pinapanood si Mika na yakapin ang kambal.

Psh! Badtrip naman!

"Nasaan si Mommy, Ate?" Tanong niya.

Mommy? Wow! Napaka napaka feeling! Grabe! Dinaig pa ako e!

"Umalis e, may inaasikaso siya sa ospital ngayon." Sabi ni Ate.

"Ah, ganun po ba?" Naisagot na lang ni Mika.

"Bakit sumadya ka dito, Sis?" Tanong ni Ate.

"Gusto kong makita ang hubby ko e, hihi! And I wanted to see Mommy, you, and of course, the twins." Sagot niya kay Ate.

Anak ng tokwa. Hubby pa rin ang tawag niya sa akin!

"You'll get to meet him naman next week. I bet you ditched the taping again?" Tanong ni Ate kay Mika.

"Of course, Ate. I'll do everything for my hubby." Ngiting sabi naman ni Mika.

Tch. Ewan ko sa 'yo. Napakadami mong alam!

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now