FIFTEEN.

233 16 4
                                    

Haruko's Point of View.

Nanlulumo akong sumakay sa tren habang nakatulala sa bintana ng salamin nito.

Sakuragi...talaga bang wala na tayong pag-asa? Hindi niya ba ako hahayaang mag-paliwanag man lang kung ano ang totoong dahilan kung bakit ako nawala?

Pagkarating ng tren sa istasyon nito ay bumaba na ako dahil malapit na lang naman ang bahay namin dito.

Gustong-gusto kong sabihin kay Yohei kanina ang pinagdadaanan ko, pero galit siya akin, kaya naman hindi ko na-ipaliwanag sa kaniya ang kalagayan ko.

Tsaka, mabuti na rin siguro 'yung hindi niya 'yun malaman, dahil alam kong hindi siya makakatiis na hindi sabihin kay Sakuragi 'yun. Ayoko namang mag-alala siya sa akin. Dahil kahit mahal ko si Sakuragi ay ayoko ng nakikita pa siyang nasasaktan ng dahil sa akin.

"Nandito na po, Mama, Papa." Masayang bungad ko, pagkabukas ko sa pintuan.

"H-Haruko, anak ko." Gulat na sabi ni Mama, na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ako ngayon.

"Mama, nakabalik na po ako. Namiss po kita." Naiiyak na saad ko.

"Saan ka ba nagpuntang bata ka, ha?! Alam mo ba kung paano mo kami pinag alala ng sobra?!" Umiiyak na sita niya sa akin.

Niyakap ko si Mama dahil namiss ko siya ng sobra.

"Mama, sorry po." Umiiyak na pag-papaumanhin ko.

"Haruko, anak ko." Ani ni Mama, tsaka niya ako niyakap pabalik habang humahagulgol siya ng iyak.

"Mama, shh. Tahan na po, nandito na po ako. Huwag na po kayong umiyak." Pang-aalo ko kay Mama.

"Papa." Tawag ko kay Papa na nakatulala lang sa isang sulok.

"Anak, totoo ba talagang nandito ka na? Hindi ba ito isang panaginip lang?" Hindi makapaniwalang usal ni Papa.

"Hindi po, Pa. Totoo po ang lahat ng ito." Sabi ko kay Papa, kaya lumapit siya sa aming dalawa ni Mama at nag-group hug kaming tatlo.

"Nasaan po si Kuya, Mama?" Tanong ko, ng tumigil na si Mama sa pag-iyak nya.

"Nandoon sa kaniyang kwarto, tawagin ko ba siya?" Sabi ni Mama sa akin.

"Ako na po, Ma." Prisinta ko dahil ayaw ko namang mapagod siya dahil medyo nagkakaedad na rin si Mama.

"O siya, sige. Magpalit ka na rin ng damit mo at kakain na tayo ng hapunan." Sabi ni Mama tsaka siya nagpunta ng kusina para ihanda ang mga gagamitin namin.

"Opo. Ma, Pa, akyat muna po ako." Magalang na paalam ko sa kanila, at tango lang ang isinagot nila sa akin.

Pagka akyat ko sa taas ay kwarto ni kuya ang unang bumungad sa akin. Marahan akong kumatok, at agad naman niyang binuksan ang pinto.

"Bakit late ka?" Ma-awtoridad na sabi ni Kuya.

"Nagpatila pa kasi ako ng ulan, Kuya." Sagot ko kay Kuya Takenori.

"Hmm." Tanging sagot niya sa akin.

"Kumusta ang team, Kuya?" Tanong ko kay Kuya na kasalukuyang naghahalungkat ng bag niya.

"Mabuti naman, lalo kaming subsob sa practice dahil sa pag-alis ng gunggong na si Sakuragi at Miyagi. Sa susunod na linggo na ang laban namin sa Ryonan."

"Sorry." Nakayukong ani ko.

"Bakit ka nagsosorry? Wala namang may kasalanan." Seryosong sabi ni kuya habang nagbabasa siya sa libro niya sa physics.

"E kasi, ako ang may kasalanan kung bakit umalis si Sakuragi at Miyagi sa team." Nalulungkot na saad ko.

Wala akong magawa kung hindi ang mag-self blame dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi lang sana ako bumalik...edi sana buo pa ang team.

"Kumusta ka naman?" Tanong niya sa akin, habang ang atensiyon niya ay nasa libro pa rin.

"Medyo maayos na, Kuya." Sagot ko sa kaniya.

"Iniinom mo ba ang mga gamot na inireseta sa 'yo?" Tanong niya sa akin.

"Oo, Kuya." Sagot ko naman.

"Mabuti kung ganun. Haruko, hanggang kailan mo ba planong itago kila Mama ang sakit mo?" Tanong pa ulit ni Kuya sa akin.

"Kuya, ayoko namang mag-alala sa akin sila Mama. Kaya hangga't kaya kong itago ay itatago ko sa kanila." Sagot ko.

"Pero Haruko, ang ganiyang sakit ay hindi mo dapat itinatagong sikreto sa mga magulang natin. They should be the first one to know, at hindi dapat na ako lang." Seryosong ani ni Kuya, kaya tumango na lang ako.

I am diagnosed with Leukemia. Ayokong ipaalam kila Mama ang kondisyon ko dahil ayokong mag-alala sila sa akin.

Kaya ko iniwan ang Team at si Sakuragi, ay sa kadahilanang gusto kong gumaling. Dahil ayokong magkaroon si Sakuragi ng pabigat na girlfriend. Chemotheraphy ang pangunahing suhestiyon ng mga doktor na tumingin sa akin nung nasa Australia pa ako, hanggang sa lumipat ako sa America.

Sasagutin ko na dapat si Sakuragi, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng leukemia.

"Haruko, ayos ka lang?" Tanong ni Kuya sa akin.

Medyo kinakapos na naman ako ng pag-hinga, pero ayokong sabihin 'yun kay Kuya dahil alam kong mag-aalala siya.

"Ah, oo, Kuya. May naisip lang." Pag-dadahilan ko.

Kanailangan kong mag undergo sa chemotheraphy para tumigil ang pagkalat ng cancer sa katawan ko.
Pumayag naman ako dahil gusto kong gumaling para kay Sakuragi.

Bukas na bukas, susubukan kong kausapin ko si Sakuragi kahit alam kong itataboy niya lang ako. Bahala na. Aaminin ko sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit ako umalis, at iniwan siya ng biglaan.

"Kuya, punta muna ako sa kwarto ko." Paalam ko kay Kuya tsaka ako tumayo sa higaan niya at lumakad patungo sa pinto.

"O, sige. Mag-aaral muna ako." Sabi ni Kuya.

"Opo." Sagot ko sa kaniya tsaka ko isinarado ang pinto.

-

Sorry for the short and late update, bawi na lang po ako sa next chapter.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now