TEN.

306 18 7
                                    

Jin's Point of View.

Kumi is my best friend. And
being her best friend was not that easy. Masiyado siyang slow, ilang beses na akong pasimpleng umaamin sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya 'yun, binabalewala niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nevermind that though, I'm glad she's back here at Kanagawa.

I bet that she's still so pretty, at mas lalo siyang naging maganda sa pag-lipas ng panahon.

"Ichi, tama ba 'yung narinig kong nandito na daw si Kumi?" Bungad na tanong sa akin ni Emi na kakagaling lang sa kusina.

"Oo," sagot ko sa kakambal kong si Emira.

"Finally! Crush mo pa rin?" Tanong niya sa akin habang hinahanda niya ang dinner naming dalawa.

"Hindi." Maikling sagot ko.

"Eh ano lang?" Natatawang sagot niya sa akin.

"Mahal ko na." Sagot ko kay Emira.

Mahal ko si Kumi, at totoo 'yun.
Sa mga taon na lumipas na kahit hindi ko siya kasama ay minahal ko siya, at mas lalo ko pa siyang minamahal.

Ilang beses na akong sumubok umamin sa kaniya, pero ang tanging sagot niya sa akin ay "ha?" at "ano?"

Hays, siguro hanggang kaibigan na lang talaga ako para kay Kumi.

"Kaya sa 'yo ako, Brother eh!" Ngiting sabi niya sa akin.

"Hay naku, hindi ko alam kung saan ka ba pinaglihi ni Mom e. Ang daldal mo!" Inis kong sabi sa kaniya.

"Hehehe paano si Belle niyan?" Nang-aasar na sabi ni Emira.

"Anong paano si Belle?" Inis kong tanong kay Emira.

"Hindi ba't nagustuhan mo rin 'yun?" Pabalik niyang tanog sa akin.

"Tapos?" Tanong ko naman.

"Hehehe, hawig kaya sila ni Kumi. Tapos 'wag ka, supermodel na ngayon 'yun." Sabi ni Emi.

"Stop comparing Kumi to her. Kumi is very different from Belle. Si Kumi napakaingay kagaya mo. Si Belle masiyadong seryoso at tahimik. Isa sa ugali ni Kumi na pinaka nagustuhan ko ay ang pagiging amazona niya." Paliwanag ko kay Emi habang nakangiti.

"Nays, inlove na inlove. May pangiti-ngiti ka pa diyan." Nang-aasar na sabi ni Emi dahilan para mapangiti pa akong lalo.

"Kapag ikaw ang na-inlove, maiintindihan mo rin kung bakit ako nagkaka-ganito." Sabi ko kay Emi.

"Hehehe inlove na inlove nga ako kay Maki e." Sagot niya sa akin, na animo'y kinikilig pa siya.

Psh, wala kang pag-asa dun. May fiancée na 'yun. Ikakasal na sila pagkatapos niyang gumraduate ng 3rd year.

"Wag si Maki, Emira. Bilang kapatid mo, ayaw kong masaktan ka. Iba na lang. Wag siya." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong niya naman sa akin.

How the hell am I supposed to tell her that her ultimate crush is about to get married?

"Basta." Maikling sagot ko.

"Ka teammate mo 'yun, tapos ayaw mo." Sabi ni Emira sa akin.

"Eh, basta!" Naiinis na sagot ko sa kaniya.

"Ay naku, bahala ka nga diyan. Magluluto pa ako." Paalam niya sa 'kin tsaka siya dumeretso sa kusina.

Awtomatiko akong napangiti ng buksan ko ang aking cellphone, at tumambad sa akin ang wallpaper ko na litrato namin ni Kumi nung nasa Australia pa kami.

Napangiti ako habang tinitignan ko 'yun. Hays, baliw na baliw na talaga ako sa kaniya. Ang ganda ganda niya. And this time, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras. Sasabihin ko na ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya at liligawan ko siya.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now