SEVEN.

288 20 8
                                    

Hanamichi's Point of View.

[FLASHBACK.]

Kakauwi ko lang sa bahay namin, at nadatnan ko si Ate na nakaupo sa harap ng laptop niya.

"Ate," tawag ko sa kaniya.

"Hanamichi, ang aga mo yata? Wala kayong practice?" Tanong niya sa akin habang siya ay abalang-abala sa pagtipa.

"Nag-quit na ako sa Basketball, Ate." Sagot ko, tsaka ko pabagsak na inupo ang sarili ko sa sofa.

"Bakit?" Tanong niya naman sa akin.

"Eh... basta." Sagot ko naman.

Ayaw ko nang malaman pa ni Ate na dahil lang sa babae kaya ako nag-quit sa Basketball Team.

Sandaling katahimikan ang namuntawi sa pagitan namin, bago ako nagsalita. "Kunot na kunot ka diyan. May problema ba?" Tanong ko.

"Yep, may problema sa ospital. Kailangan kong bumalik sa ibang bansa." Sagot niya sa akin.

Ano? Maiiwan akong mag-isa dito? Although may mga maids naman and guards, still, iba pa rin kapag nandito si Ate.

"Hindi ba't Doktor rin naman ang Mama mo? Bakit hindi siya ang patinginin mo?" Naiinis kong sabi.

"Mama nating parehas. And she's already busy dahil sa pag-handle ng business natin." Sagot ni Ate.

Napatango na lang ako, tsaka ko isinandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa at pumikit.

Ang haba ng araw na ito para sa akin, at ang daming nangyari.

"Shit! Mom just messaged me, uuwi raw siya dito bukas!" Sigaw ni Ate, kaya bigla akong napabalikwas ng bangon.

Ano?! Hindi pa ako ready na makaharap ang babaeng naging dahilan kung bakit ako naging palaboy, and I hate her for leaving me and Papa!

"I still haven't told her na natagpuan kita, Hanamichi. What should we do?" Nag-aalalang sabi ni Ate habang tumitipa pa rin sa keyboard ng laptop niya.

"Bakit? Hindi niya pa ba alam na nakita mo na ang anak na iniwan niya?" Sarkastikong tanong ko.

"Komplikado kasi 'yung sitwasyon, Hanamichi. Kung alam mo lang ang rason ni Mom kung bakit ka niya iniwan kay Dad, panigurado akong maiintindihan mo siya." Sabi ni Ate. "If ayaw mo pa siyang makita o makausap ng personal, just tell me. Ipapa-ayos ko agad-agad 'yung penthouse ko sa Tokyo." Dagdag niya pa.

Hindi ako kumibo sa sinasabi niya. Kuhanin ko na lang kaya ulit 'yung apartment na tinutuluyan namin dati ni Papa? Nung minsang napadaan ako ron ay wala pang umuupa dun. Tutal, hindi ko naman magagastos 'tong malaking halaga ng pera na bigay niya sa akin.

"Hindi mo alam kung ano ang mga kaya niyang gawin." Pagbubukas niya ng usapan.

"Kaya pati ang panloloko niya sa Papa ko ay nagawa niya?" Ngising tanong ko.

"P-paano mo nalaman?" Nauutal namang sagot ni Ate.

Alam ko, Ate. Sadyang napakadaldal ni Hikoichi at pati ang tungkol sa babaeng 'yon ay naidaldal niya pa sa akin.

"Kaya pati ang pagkakaroon natin ng kapatid na kambal sa ibang lalaki ay nagawa niya?" Dagdag na sabi ko pa.

"Hanamichi, how did you know it?" Tanong ni Ate sa akin, halata sa boses niya ang pagka-irita.

"Huwag mong balewalain ang nalalaman ng henyong ito, Ate. Malulungkot ako niyan." Walang ganang sagot ko sa kaniya, tsaka ako umakyat sa kwarto ko para magpahinga.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay basta ko na lang binalibag ang bag ko sa kung saan ito lumipad, at padapa kong ibinagsak ang sarili sa kama.

"Sir Hanamichi, nandito na po ang mga kaibigan niyo." Narinig kong sabi ng isang Maid mula sa labas ng kwarto ko.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now