THIRTY.

239 19 9
                                    

Dahil sa inis ni Sakuragi at Kumi sa mga magulang nila ay napilitan silang lumabas sa may garden ng Restaurant para magpahangin.

"BossBabe," tawag ni Sakuragi kay Kumi nang makita niyang nakaupo ito sa isang bench at nakatulala.

"Boss?" Tawag pa ulit ni Sakuragi kay Kumi tsaka niya pinisil ang pisngi ng dalaga.

"Love.." Tawag naman ni Mika kay Sakuragi.

"Parang malungkot ka yata?" Tanong ni Sakuragi kay Kumi.

"Tumakas tayo." Sabi ni Kumi. Gulat na gulat naman si Sakuragi sa sinabing iyon ni Kumi.

"Boss, iyan ang hinding-hindi natin gagawin. Magkasama nating haharapin ang galit nila." Sabi naman ni Sakuragi.

"Hinding-hindi naman tayo magiging masaya kung ikakasal lang naman din tayo sa taong hindi natin mahal." Naiiyak na sabi ni Kumi.

Lumuhod si Sakuragi sa harap ni Kumi, at pinunasan niya ang luha nito. Hindi naman maka-hindi si Sakuragi, dahil alam niya na deep inside, gusto rin niya ang ideya na naisip ni Kumi.

"Pagkatapos ng laro namin sa Ryonan... at kapag nanalo kami ay gagawin natin ang gusto mo." Pag-payag ni Sakuragi sa ideya ni Kumi.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kumi sa binata. "Gagawin mo 'yun?" Dagdag pa niya. Napatango naman agad si Sakuragi.

"Yehey!" Parang batang sigaw ni Kumi, at natawa naman si Sakuragi sa iniasta ng dalaga.

"Love, may tanong ako." Sumeryoso ang mukha ni Kumi. "Ano 'yun, Boss?" Tanong naman ni Sakuragi.

"Kung nagsisimula ka ng magustuhan ako... wag kang magdalawang isip na sabihin sa akin 'yun para maging tayo na agad." Sabi ni Kumi, dahilan para ikagulat iyon ni Sakuragi.

"Boss..." Ani ni Sakuragi. "Liligawan kita." Dagdag pa niya. "Why would you court me kung pwede namang tayo na agad?" Sabi ni Kumi.

"Eh..." walang masabi si Sakuragi.

"Look... ikaw magiging first boyfriend ko if ever..." sabi ni Kumi.

"Ako rin naman. Ikaw magiging first girlfriend ko pag nagkataon." Nahihiyang sabi naman ni Sakuragi.

Well-it was his 51st heartbreak after all.

"May sasabihin ako, Boss." Sabi ni Sakuragi.

"Hmm?"

"Alam mo bang... pang 51st heartbreak ko na si Haruko?" Napapakamot ng ulo na sabi ni Sakuragi.

"Huh?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kumi. "Di nga? Seryoso ka?"

"Oo Boss." Sabi ni Sakuragi. "Tsaka past naman na 'yun. Naka move-on na ako."

"Talagang makaka-move on ka, nandito ako eh." Sabi ni Kumi kaya naman napangiti si Sakuragi.

"Salamat Boss." Sabi ni Sakuragi sabay yakap sa dalaga.

"For what?" Kumi said as she hugged him back.

"Wala naman. Gusto ko lang talaga magpasalamat." Ani ni Sakuragi.

"Love." Tawag ni Kumi sa binata. "Hmm, Boss?" Sagot ni Sakuragi.

"I'll find a condo for us, and we will start living together." Sabi ni Kumi. Namilog naman ang mata ni Sakuragi.

"Boss. May Isla si Sendoh. Pwede tayong mabuhay ng payapa doon, iyong... walang ganito. Yung walang komplikadong sitwasyon. Iyong walang problema. Iyong walang kasal na magaganap sa pagitan namin ni Mika, at sa pagitan niyo ni Jin. Iyong... masaya lang tayo palagi." Sabi ni Sakuragi.

"Walang kasal na magaganap, Hanamichi. Hindi kami ikakasal ni Jin." Sabi ni Kumi.

Lalo namang humigpit ang yakap ni Sakuragi kay Kumi. "Ako rin. Hindi ako ikakasal kay Mika, pangako." Sabi ni Sakuragi.

"Uwi na tayo?" Aya ni Kumi sa kaniya.

"Ayokong umuwi, Boss. Ayoko ng bahay na uuwian na puro galit, ayoko ng bahay na uuwian na puro na lang ako ikukumpara sa iba. Ayoko ng bahay na uuwian na hindi naman matawag na tahanan." Napapabuntong hininga na sabi ni Sakuragi.

Kumi turned to Sakuragi and she patted his head.

"You've keeping all of it to yourself? You didn't try to voice out your feelings?" Tanong ni Kumi.

"Sinusubukan ko naman, kaso lagi na lang nai-invalidate 'yung feelings ko." Sabi ni Sakuragi.

"Don't worry, Love. Pag tapos ng laro nyo against Ryonan ay pwede na tayong magtago sa kanila. Iyong hindi na nila tayo pipilitin dahil lang gusto nila. Iyong hindi na nila tayo mahahanap. Konting tiis na lang, hm?" Sabi ni Kumi sabay yakap sa leeg ni Sakuragi.

"Salamat, Boss." Sabi naman ni Sakuragi tsaka nito hinalikan sa pisngi si Kumi.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now