THIRTY-ONE.

200 14 12
                                    

Dahil sa pamimilit ni Kumi kay Sakuragi ay napauwi tuloy siya sa bahay nila. They even exchanged their numbers so that they can contact each other if something ever happens.

"Hanamichi Sakuragi," may galit sa boses na tawag sa kaniya ni Hana nang makapasok siya sa loob ng bahay nila.

"Ano?" Pabalang na sagot niya sa Ate niya.

"I like her for you, pero parang nagiging sobra na yata ang ugali mo? Hindi ka naman ganiyan, ah?" May gigil sa boses na sabi ni Hana.

"Nagka-ganito lang naman ako nang dumating 'yang dragona na 'yan." Bulong ni Sakuragi.

"Tss." -> Sakuragi.

"'Wag mo kong ma tss-tss dyan at may kalalagyan ka sa akin." Banta sa kaniya ni Hana.

"Ano naman?" Tanong ni Sakuragi na para bang hinahamon pa ang kapatid.

"Ayokong magaya ka sa akin na nasira ang buhay nung nagpunta ako sa Germany, pero kung ganiyan naman ka-tigas ang ulo mo ay ako na mismo ang magdadala sa 'yo sa Germany." May awtoridad na sabi ni Hana. "At kaya kong totohanin 'yun, Hanamichi kaya 'wag mo ng subukan pa."

"Tsk, oo na lang." Inis na sagot ni Sakuragi sa nakatatandang kapatid, bago siya tuluyang pumanik sa kwarto niya.

Pagkapasok niya ay padapa niyang ibinagsak ang sarili sa kama.

"Ano ba naman 'tong buhay na 'to. Mas mainam pa nung mag-isa lang ako, walang nakikielam. Simple lang at tahimik, hindi ganito ka-komplikado." Sabi ni Sakuragi sa sarili niya. Ipinikit niya rin ang mata niya, tsaka niya inilagay ang braso niya sa noo.

Matutulog sana siya nang tumunog ang cellphone niya... senyales na may tumatawag sa kaniya. He swiped up his phone's lock, and then there, he saw Kumi calling.

BossBabe calling

Accept Decline

He pressed the accept button.

"Hi, SweetLove. I'm sorry, naabala ba kita?" Tanong ni Kumi kay Sakuragi sa kabilang linya.

"BossBabe, hindi. Huwag kang humingi ng sorry." Sabi ni Sakuragi.

"I miss you." Sabi ni Kumi.

"I miss you, too." -> Sakuragi.

Ang hindi alam ni Sakuragi ay nakapasok na si Hana sa loob ng kwarto niya, at nakasandal ito sa hamba ng pintuan. Nakikinig sa usapan nilang dalawa.

"Ayoko na dito sa 'min," -> Kumi.

"Anong nangyari, Boss?" Tanong ni Sakuragi sa dalaga.

"Wala naman. I just want to be with you always." -< Kumi

"Boss..." -< walang masabi si Sakuragi sa tinurang iyon ni Kumi.

Natahimik silang dalawa.
"Nagdinner ka na, Love?" Kumi asked, para naman mawala ang katahimikan.

"Hindi pa-" naputol bigla ang tawag ni Kumi kaya napahinto sa pagsasalita si Sakuragi.

Nakita niya ang dahilan ng putol na tawag sa cellphone niya-may nag-text sa kaniya. An unknown number.

From unknown number:

"Hello, Sakuragi-kun. Si Haruko 'to. Alam ko namang hindi mo papansinin 'tong message ko na 'to pero... kung mararapatin mo sana ay pwede bang makipagkita sa 'yo? Gusto ko lang sabihin ang dahilan kung bakit ako nawala ng bigla. Alam ko namang maiintindihan mo ang rason ko. It's totally fine kung idi-disregard mo 'tong message na 'to but I do hope na makapag-usap tayo. Kung maaari sana ay tayong dalawa lang. Thank you!"

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now