SEVENTEEN.

264 20 11
                                    

Hanamichi's Point of View.

Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Kumi sa akin.

"Sasabihin ko nga sa 'yo, mamaya." Ani ko.

Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang sabihin kay Kumi ang biglaang pag-alis ko pagkatapos ng school year na 'to.

"Okay, pero samahan mo muna ako sa bahay ng Tita ko. I'll fix my papers para makapag-enroll na ako." Sabi ni Kumi.

"Sure, hindi ko naman kailangang agahan ang pasok dahil hindi naman na ako member ng Basketball Team." Sabi ko naman kay Kumi.

"Talaga bang gusto mong iwan ang Team?" Tanong ni Kumi sa 'kin, dahilan para hindi ako makasagot.

Ayoko naman talagang iwanan ang Team ng basta-basta dahil napamahal na sa akin ang Basketball. Pero nandun kasi si Haruko, at hindi pa ako handa na makita siya ulit dahil nanunumbalik pa sa akin ang sakit.

"Una ka na maligo, magja-jogging lang ako sa labas saglit." Paalam ko kay Kumi.

"Alright, ingat ka." Sabi ni Kumi.

"Thank you, Wifey." Ibinulong ko na lang ang huling sinabi ko.

"Anong sinabi mo? Hindi ko naintindihan e." Tanong niya naman sa akin.

"Wala. Sige na, take a bath na." Saad ko pa.

Habang nasa banyo si Kumi ay naghanda ako ng susuotin ko sa pagja-jogging ko, nang umilaw ang cellphone na nasa side table ng kama ko.

Nung binuksan ko iyon ay nakita kong tadtad ako ng text mula sa isang unknown number. Nagtataka man ay binuksan ko pa rin ang mensahe nito sa akin.

Hi, Sakuragi. When are you free? I just wanted to tell you the real reason why I left suddenly, without even telling you. Meet me at the Marriot hotel. I'll be waiting for you.

-with love,❤️
Haruko Akagi.

Napa-kunot ang noo ko, ng mabasa ko ang mensahe ni Haruko sa akin. Saan, kanino, at paano niya nakuha ang number ko?Iyon ang laman ng mensahe niya sa 'kin. Anong totoong rason? So all this time, nagalit ako sa kaniya dahil sa pang-iiwan niya sa akin ng biglaan, ng hindi ko man lang inalam ang totoong dahilan.

Narinig kong bumukas ang pinto ng C.R, at lumabas si Kumi na nakasuot na ng bathrobe at basang-basa ang buhok niya.

"Akala ko ba, magja-jogging ka? Bakit nandito ka pa? At kunot na kunot ka diyan, ah." Saad ni Kumi. Ang bilis naman maligo ng babaeng 'to? Nag-wisik lang yata siya, e.

"Sabi ko nga, aalis na." Naaasar kong sabi, tsaka ako lumabas ng kwarto ko at padabog kong isinara ang pinto.

"Problema nun?" Rinig ko pang sabi ni Kumi pero hindi ko na 'yun pinansin.

Nag-aalala kasi ako sa sinabi ni Haruko. Medyo nakakatakot lang, dahil kanino at saan niya nakuha ang number ko kung number lang naman ni Ate ang nandun?

Pagbaba ko sa sala ay nadatnan ko si Ate at ang kambal na kumakain na ng breakfast.

"Nagpunta sa ospital si Mom, habang nandito siya sa Kanagawa ay ang ospital muna ang aasikasuhin niya." Bungad na saad ni Ate sa akin.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》حيث تعيش القصص. اكتشف الآن