TWENTY-FIVE.

290 25 10
                                    

"B―bakit mo ako hinalikan?" Tanong ni Sakuragi sa dalaga. Mag-kahalong gulat, puno ng pag-tataka at pag-tatanong ang nabubuo sa isipan ng binata.

Bakit nga ba siya hinalikan na lang bigla ni Kumi?

"Hinalikan kita kasi gusto kita. Hindi mo ba halata ang bagay na iyon?" Sabi ni Kumi sa isip niya.

"I did it... because I like you." Pabulong na sabi ni Kumi sa huli.

"Huh? Ano? Hindi ko maintindihan ang binubulong mo." Takang sabi naman ng binata kay Kumi.

"W―wala. Huwag mo na lang isipin yung sinabi ko." Sabi ni Kumi, tsaka ito tumalikod sa binata dahil sa hiya na nararamdaman niya.

"Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Pamimilit pang tanong ni Sakuragi kay Kumi.

"Wala! Wag ng maraming tanong." Seryosong sagot naman ni Kumi kay Sakuragi.

"Hanamichi―" Sabi ni Mika na matapos nitong makalapit sa pwesto nila Sakuragi at Kumi.

Mugto ang mga mata nito at medyo namumula pa, dahilan para mapansin iyon ni Sakuragi.

"Mika―anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niyo sa dalaga. "Namumugto ang mga mata mo. Okay ka lang ba―" Magsasalita pa sana si Sakuragi nang putulin ni Mika ang sasabihin nito.

"I'm happy for you, hubby. I'm sorry dahil ipinipilit ko ang sarili ko sayo... pero hayaan mo. Aalis ako ng Japan para maging masaya kayo ni Kumi." Pigil ang luhang ani ni Mika, tsaka ito tumakbo palabas ng parke.

"Mika! Sandali lang!" Sigaw ni Sakuragi, sabay habol kay Mika.

"Mika! Ano bang nangyayari sayo?" Humihingal na tanong ni Sakuragi sa dalaga matapos niyang abutan itong nakasalampak sa sahig at umiiyak.

"Wala to, hehehe." Pilit ang tawang sabi nito kahit na pumipiyok ang boses niya sa paghikbi.

Lumapit si Sakuragi kay Mika, tsaka ito naupo sa harap niya at niyakap ang dalaga.

"May nakita ka?" Tanong nito habang yakap yakap si Mika sa bisig niya.

"May dapat ba akong makita? Hehehe." Sabi ni Mika.

"Mika..." Tawag pa ni Sakuragi sa pangalan ng dalaga.

"Ayos lang." Sabi ni Mika. "Pipilitin kong intindihin, Hanamichi."

"I didn't kissed her back, I swear. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ko agad siya naitulak. Tapos kinailangang makita mo pa yun. I'm really sorry." Pag-hingi ni Sakuragi ng tawag kay Mika.

"Wala na yun, hehe. Marupok ako sayo, hubby e." Sabi ni Mika.

"So, okay na tayo? Hindi ka na aalis ng Japan?" Tanong sa kaniya ni Sakuragi.

"Hindi na. Pero makakita pa ulit ako ng ganun, talagang aalis na ako." Pananakot ni Mika kay Sakuragi.

"Tsk, ang pangit ng joke mo! Halika na nga!" Inis na sabi ni Sakuragi, tsaka nito inilahad ang kamay niya sa harap ni Mika. Nagtataka namang tumingin ang dalaga sa kaniya.

"Abutin mo." Sabi ni Sakuragi.

Napangiti naman si Mika tsaka niya inabot ang kamay ni Sakuragi. "Your hand fits in mine like it's made for me." Wala sa sariling nasabi ni Mika iyon.

"Hm." Sagot ni Sakuragi, tsaka niya hinalikan ang kamay ng dalaga. "Starting from today, I'm gonna be calling you wifey." Ani nito.

"Simula sa araw na ito, itatrato kita ng tama at susubukan kong buksan muli ang puso ko, hindi para sa ibang tao kundi para na kay Mika. Siya lang. Si Mika lang ang babaeng magugustuhan ko, at wala ng iba pa." Sabi ni Sakuragi sa isip niya.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now