THIRTEEN.

242 22 8
                                    

Yohei's Point of View.

Kakauwi lang namin nila Ohkusu galing sa bar, at medyo nakainom kami.

"Yohei may bisita ka. Haruko daw ang pangalan." Rinig kong sigaw ni Mama sa kusina.

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto ko at nakita kong kausap ni Ate si Haruko sa labas.

Nakakapagtaka lang na bakit nandito si Haruko? Bakit pa? Akala niya siguro ay dito pa nakikitulog si Hanamichi.

Maayos na ang buhay nun ngayon, may stable na future, mayaman, at may girlfriend pa. Kaya hindi ako papayag na guluhin ni Haruko ang lahat ng 'yun. Tsaka, tama na 'yung ginawa niyang pananakit kay Hanamichi. Ayokong nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko dahil lang sa babae.

Oo, inaamin kong pinagtatawanan namin siya nila Noma tuwing naba-busted siya, pero sa kaloob-looban ko ay ayoko siyang nakikitang nasasaktan dahil kasama ko na siya at kaibigan ko na siya simula pa pagkabata. Bawat ikot ng sikmura nun ay kabisado ko na. Hanamichi deserves what he has on his life right now. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya ay nanatili siyang matatag, at hindi siya sumuko kahit sobrang hirap na hirap siyang mabuhay ng mag-isa noon.

Kaya nalaman ni Haruko ang adress ng bahay ko, ay dahil minsan na siyang inimbitahan ni Hanamichi dito sa bahay namin nung dito pa nakikitulog sa amin.

"Haruko," tawag ko sa pangalan niya.

"Yohei, puwede ba kitang maka-usap?" Sabi ni Haruko sa akin, pagkabukas ko ng pintuan sa living room.

"Pasok ka." Sabi ko sa kaniya tsaka ko siya pinagbuksan ng pinto kaya naman napatango siya.

"Pardon the intrusion." Sabi ni Haruko tsaka niya hinubad ang sapatos niya at nagpalit ng tsinelas na nasa lagayan ng mga sapatos.

"Anak, may bisita ka pala. Girlfriend mo?" Nang-iinis na tanong sa akin ni Mama.

"Po? Naku! Hindi po ako girlfriend ni Yohei, kaibigan niya lang po ako. Si Hanamichi po ang gusto ko." Pag-lilinaw ni Haruko.

"Sayang naman, buong akala ko pa naman ay nagbibinata na ang anak ko. Ang ganda ganda mo naman, Iha." Sabi ni Mama kay Haruko, kaya naman pasimple akong napa-irap.

"Hehe, salamat po." Nahihiyang ani ni Haruko.

Sandaling katahimikan ang namuntawi sa pagitan namin, at nabasag lang iyon ng iabot sa akin ng ate ko ang lalagyan ng tsaa.

"Bakit nagpunta ka dito, Haruko?" Tanong ko sa kaniya pagka-lagay ko ng tsaa sa harap niya.

"Gusto ko sanang kausapin si Sakuragi." Sabi niya, kaya naman marahang tango lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Nandito ba si Sakuragi?" Dagdag na tanong niya sa akin.

Mukha ba siyang nandito? -Naiinis kong sabi sa isip ko.

Totoong naiinis ako kay Haruko, dahil unang-una sa lahat ay sinaktan niya ang kaibigan ko, pangalawa ay ang lakas ng loob niyang mag-pakita pa kay Hanamichi nung medyo maayos na siya.

"Wala siya dito. Bakit?" Pigil ang inis kong sabi.

"Ganun ba? Sige ikaw na lang. Gusto ko sanang makausap ka tungkol kay Sakuragi." Sabi ni Haruko sa akin. "May sasabihin na rin sana ako," dagdag niya pang ani.

At dahil ako, bilang isang butihing kaibigan ni Hanamichi mula pagkabata, pumayag ako dahil gusto ko rin namang masagot ang mga katanungang nabubuo sa isip ko, kung bakit bigla niyang iniwan si Hanamichi.

"Ano 'yun?" Tanong ko, tsaka ako lumagok ng tsaa.

"Mahal pa ba ako ni Sakuragi?" Tanong naman ni Haruko, dahilan para muntikan ko ng maibuga sa kaniya ang tsaang nasa bibig ko dahil sa tanong niyang 'yun. Nabigla ako ng husto sa sinabi niyang 'yun.

"Bakit mo pa tinatanong 'yan, eh, diba nga may girlfriend na 'yung tao?" Hindi ko ipinahalata sa kaniya ang pagka-inis ko.

"Gusto ko lang malaman, Yohei." Nalulungkot na sabi ni Haruko.

Tiningnan ko lang siya, dahil kahit alam kong mahal pa siya ni Hanamich ay wala akong karapatang sabihin ang bagay na yun sa kaniya. Tsaka isa pa, ayokong sirain ang relasyon ni Hanamichi at Kumi, kung meron nga silang relasyon.

"Hindi ko alam, Haruko. Walang sinasabi sa akin si Hanamichi." Pag-sisinungaling ko kay Haruko.

"Ah, ganun ba? Pero alam mo ba kung totoong may relasyon talaga sila nung babaeng kasama niya kanina sa gym? Nakakapagtaka lang kasi na ilang buwan lang akong nawala, tapos biglang may girlfriend agad si Hanamichi." Mahabang sabi ni Haruko sa akin.

I wasn't sure about that, too. Nagtataka nga rin ako kung saan niya nakilala si Kumi, at kung paano naging sila.

"Totoong may relasyon nga sila." Pag-sisinungaling ko pang muli.

Alam kong masama mag-sinungaling pero ayoko namang masaktan ang kaibigan ko, at ayoko ring umasa si Haruko. Dahil kahit mahal siya ni Hanamichi, hindi siya yung tipong nag-hahabol kahit mahal niya pa 'yung tao.

Natahimik kami ulit, walang sumubok na magsalita sa aming dalawa. Pero hindi nag-tagal ay ako na ang nagbukas ng mapag-uusapan. "Ano nga pala 'yung sasabihin mo sa akin?" Tanong ko.

"Ah, 'yun ba?" Tanong naman sa akin ni Haruko kaya tumango ako.

"Ano kasi...nagkaroon kami ng sikretong relasyon ni Rukawa." Naiiyak na sabi ni Haruko, kaya naman sobra-sobra ang pagkabigla ko.

"Haruko? Ang ibig mo bang sabihin ay pinaasa mo lang ang kaibigan ko?!" Pagalit na sabi ko sa kaniya.

Halo-halo ang emosiyong nararamdaman ko. Pagkabigla at pagkagalit.

"Yohei, hindi ko siya pinaasa. Naging kami ni Rukawa, oo. Pero nakipaghiwalay sa akin si Rukawa kasi nalaman niyang nanliligaw na sa akin si Hanamichi. Hindi ko niloko si Hanamichi, maniwala ka sa akin, Yohei." Paliwanag sa akin ni Haruko.

Hindi ko alam kung kaya pa kitang paniwalaan matapos ang ginawa mong pananakit sa matalik kong kaibigan.

"Ha?! Nahihibang ka ba, Haruko? Sa tingin mo ba ay kaya kong paniwalaan ang sinasabi mo? So pumayag kang magpaligaw sa kaibigan ko dahil naaawa ka?!" Maatas ang boses na sabi ko dahil nagagalit na talaga ako.

"Hindi ganun. Si Rukawa...siya ang nagpa-realize sa akin na si Hanamichi pala talaga ang mahal ko at hindi siya." Umiiyak na sabi ni Haruko.

"Ewan ko, Haruko. Nahihirapan akong paniwalaan ka." Naka-yukong saad ko.

"Yohei, galit ka ba sa akin?" Tanong ni Haruko, habang wala siyang patid sa pag-pahid ng mga luha niya.

"Oo, Haruko. Sobrang galit na galit ako sa 'yo dahil hindi tama ang ginawa mong pananakit sa kaibigan ko, na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka lang." Walang pag-aalinlangan kong sabi.

"Umuwi ka na, at huwag ka ng pupunta pa ulit dito." Malamig na sabi ko, tsaka ko siya iniwan sa living room.

Siguro ay isi-sekreto ko na lang muna kay Hanamichi ang usapan naming ito ni Haruko, dahil ayokong masaktan na naman ang kaibigan ko sa malalaman niya.

---

Thank you so much for 1k reads, this means so much to me. I'm forever grateful sa inyong mga readers. Maraming salamat talaga mga lods sa pagsubaybay ng istorya ni Sakuragi at Kumi. More stories to come, hopefully.❤️

❤️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now