FIVE.

320 22 9
                                    

Sakuragi's Point of View.

Fake girlfriend ko na ngayon si Kumi. Siya ang nag-suggest ng ganung set up namin. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip niya at naisipan niyang gawin 'yung ganung bagay. Pero hindi ko na kasalanan kung mahulog siya at hindi ko siya saluhin, tutal, siya naman ang may gusto ng ganun.

Pumayag naman ako sa gusto niya, dahil nangako naman ako sa sarili kong hinding-hindi na ako magmamahal. Sapat na 'yung mga heartbreaks na naranasan ko. Hindi ko rin naman alam ang purpose ko kung bakit nabuhay ako.

Kumi Edogawa. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yun? Napaka pamilyar nito.

[FLASHBACK.]

Pabalik na si Sakuragi sa Gym, kasama niya ang buong Team. Buti na lang ay hindi nila siya inabutan na kasama si Kyleen dahil alam niya aasarin nila siya, lalo na si Ryota at Mitsui.

Hawak-hawak niya ang plastic na naglalaman ng sushi na ibibigay niya kay Kumi. Nakikita niya kasi ang similarities nila ng childhood friend niya na si Mimi, kaya naisipan niyang kuhanan ito ng dalawang tupperware na sushi, at orange juice.

"At para naman kanino iyang dala-dala mo?" Tanong ni Mitsui sa kaniya.

Imbes na sumagot ay tinapunan niya lang ng tingin si Mitsui tsaka nangunang maglakad sa kanila.

"Napaka-chismoso talaga nito. Kalalaking tao e," bulong ni Sakuragi.

Pagkarating nila sa Gym ay nakita nila sila Mito na naghahabol ng hininga, tila ba mga pagod na pagod ito. Kaya naman kahit nagtataka ay nilapitan ni Sakuragi ang mga ito.

"Hanamichi!" sabay-sabay na sabi ng apat.

"Mga boys, anong nangyari sa inyo? Bakit ganiyan ang itsura niyo? Hinabol ba kayo ng sampung aso?" natatawang tanong ni Sakuragi.

"Halika muna dito," sabi ni Mito sabay hila kay Sakuragi sa isang sulok.

"Bakit dito pa talaga? Puwede naman tayong mag-usap ng naririnig nila e." Sabi ni Sakuragi.

"Nabalik na siya." Seryosong sabi ni Mito sa binata.

Napataas ang kilay ni Sakuragi, may namumuo ng sagot sa isip niya. Eero gusto niya pa ring malaman kung sino 'yun, baka maya-maya ay nagkamali lang pala siya.

"Sino?" Maang-maangang tanong ni Sakuragi kay Mito.

"Si Haruko. Papalabas sana kami kanina. Magka-cutting, pero nakasalubong namin siya." Sabi ni Ohkusu.

Nagsalubong ang kilay ni Sakuragi dahil sa sinabing iyon ng mga kaibigan niya. After what she did to him, ang lakas ng loob niyang bumalik sa Shohoku ng basta-basta, na para bang wala siyang sinaktan?

"Ang kapal mo rin naman, Haruko. Matapos nung ginawa mo sa akin, akala mo ba ay tatanggapin pa kita at ang mga paliwanag mo? Pwes, hindi. Hindi-hindi na ako mag-papakatanga pang muli ng dahil lang sa 'yo." bulong ni Sakuragi.

Napag isip-isip niyang maganda rin ang offer ng Ate niya. Ang pumunta siya ng Germany or kahit saang bansa niya pa gustong pumunta para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya, at there's a chance rin na baka lalo siyang mag-improve sa paglalaro niya ng basketball.

"May sasabihin ako sa inyo. Pumunta kayo 'ron sa bahay mamaya." Seryosong sabi ni Sakuragi.

"Parang seryoso ang isang 'yan. Pero sige, sabi mo e." Sagot ni Noma at Takamiya.

"Gori, alam mo?" Lapit ni Sakuragi kay Akagi na kasalukuyang kausap si Ayako.

"Ano ba ang dapat kong malaman, gunggong?" Inis na tanong naman nito sa kaniya.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now