ONE.

571 28 8
                                    

Sakuragi's Point of View.

"Hanamichi!" Rinig kong sigaw ni Ate Hana sa labas ng pintuan ng kwarto ko, pero hindi ako nag-abalang buksan iyon dahil inaantok pa ako. Imbes na bumangon ay nagtalukbong pa ako ng kumot dahil nasisilaw ako sa pag-tama ng sinag ng araw sa aking mukha.

"Hanamichi! Gising na!" Sigaw niya pa tsaka kinalampag ang pintuan.

Gising na, Ate. Sobrang tinatamad pa lang akong bumangon.

"Hanamichi, nandito na sila Mito! Mahiya ka naman, ikaw na nga pinupuntahan tatamad-tamad ka pa diyan!" Sigaw ulit ni Ate mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Eto na," sagot ko na lang.

Nito ko lang nalaman na may Ate ako, at mula pala ako sa pamilya na may marangyang buhay. Akala ko ay habang buhay na akong mag-isa, tapos hindi ko rin alam kung bakit biglang naglaho na parang bula si Haruko.

Inamin rin sa akin ni Ate Hana na may Nanay pa kami, sa ibang bansa raw ito naniniharan dahil nandun daw ang business namin. Pero wala naman akong pakiealam kung may nanay ba ako o wala, hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Kung anak niya talaga ako, hindi niya makakaya ang ginawa niyang pag abandona sa amin at hindi niya ako iiwan kay Papa.

Si Papa ang bumuhay sa akin mag-isa, ang nagpa-aral sa akin, ang taong nagturo sa akin na hindi mo kailangang maging mayaman o hindi mo kailangan ng kumpletong pamilya para maging masaya. Pero kasalanan ko kung bakit nawala ang Papa ko. Sa sobrang pagiging basag ulero ko ay hinarang ako nung mga naka away ko noon sa Middle school na pinanggalingan ko. Hihingi sana ako ng tulong para kay Papa, pero sa kasamaang palad ay hindi ko na inabutan pa si Papa. At magpahanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala ni Papa.

Inayos ko muna ang bedsheet ng kama ko, tsaka tiniklop ang kumot at inayos ang mga unan. Pumasok na rin ako sa banyo upang maligo.

After somewhat 30 minutes, tapos na akong maligo. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko gamit ang hair dryer na sa hindi ko malamang dahilan ay nandito sa kwarto ko.

Pagkatapos kong patuyuin ang aking buhok ay bumaba na ako, at nadatnan ko ang apat ng itlog na kumakain habang nanonood ng TV.

"Feel at home na feel at home, ah?" Bati ko sa kanila, tsaka ako humila ng isang upuan at naupo. Kumuha na rin ako ng kutsara't tinidor, tsaka nag lagay ng sinangag sa plato ko. Itlog, hotdog, at bacon ang ulam.

"Hehehe, ikaw ba naman ang biglang yumaman sa loob ng isang araw. Sinong hindi mag eenjoy sa luxury life na 'to?" Sagot ni Noma habang ngumunguya ng hotdog.

Hays. Hindi pa din ako sanay sa ganitong pamumuhay. Sobrang elegante at laki ng mansyon na tinitirahan ko, nalulula ako sa laki nito. Hindi ako sanay na tumira sa ganitong bahay, mas sanay ako sa maliit. Nasanay na rin akong walang laman ang tiyan ko sa tuwing papasok ako sa school. Sa lunch time naman ay nasa gym ako, kasama si Haruko habang pineperpekto ang mga tira ko. Sa bawat pagshoot ko ng bola ay tuwang-tuwa sa akin si Haruko.

Ito na naman ang lungkot na pinipilit kong iwasan. Masiyadong masakit sa dibdib ang biglaang paglaho niya. Hindi ko kaya ito, dahil nilulukob ako ng kalungkutan sa tuwing naiisip ko siya.

Naging palaboy ako, totoo yun. Hindi ko kasi kayang bayaran ang renta sa bahay na tinitirahan namin kaya umalis na lang ako. Minsan ay sa kalye ako dinadatnan ng antok, at hindi rin ako makakakain nung mga panahon na 'yun kung hindi ako abutan nila Mito ng pera.

Sobrang lungkot at hirap ang naranasan at pinagdaanan ko, pero sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat. Sobrang napakabilis ng mga pangyayari, hindi pa rin ako makapaniwala.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now