THIRTY THREE.

180 18 18
                                    

Sakuragi's Point of View.

Nalinawan ako sa mga bagay-bagay. Hindi ko alam na ganun pala ang rason ni Haruko. Naaawa ako sa kaniya kasi kailangan niyang pag-daanan lahat ng 'yun, mag-isa.

Nang makauwi ako ay himalang hhindi sumalubong ang Ate kong dragona.

"Manang, nasaan po si Ate? 'Yung kambal po ba?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Naku Iho, kaka-alis alis lang. May pinuntahan yata. Ang sabi sa akin ay may aayusin daw sila kaya 'di muna makaka-uwi." Sabi ni Manang.

Yeeeeeees! Pwede kong gawin ang gusto ko ngayon, lalo na't walang pipigil sa 'kin.

Papuntahin ko kaya dito sila Mito? Oo! Tama! Magmu-movie marathon kami.

Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa at hinanap ang pangalan ni Yohei. Nang makita ko 'yun ay agad ko siyang tinawagan.

"Yohei, punta kayo dito sa bahay. Movie marathon tayo, wala sila Ate, 'di raw muna uuwi."

"Sige. Tatawagan ko sila Noma." Sabi niya. "Ibaba ko na ah?" Dagdag pa nito.

"Oo pre, sige lang." Sagot ko.

Nag-ring muli ang cellphone ko, at nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay napangiti na agad ako. Hays, in love na talaga ako sa babaeng 'to.

"Love... bakit naputol ang tawag kanina?" Salubong na tanong niya sa 'kin. Para siyang galit? Na asawa ko... hehehehe.

Ah. Ito ang hindi ko napag-handaan. Sabihin ko ba sa kaniya na nakipag-kita sa akin si Haruko? Pero baka magalit siya? Sheez, bahala na nga. Ta-timing na lang siguro ako sa mga susunod na araw.

"Ah, sorry Boss. Tinawag kasi ako ni Ate, nag-merienda kami. Sorry na-end call ko pala." Sabi ko... o tawagin na nating... pag-sisinungaling ko.

Hindi ko naman gustong magsinungaling... pero ayaw ko rin namang masaktan siya 'pag nalaman niyang nakipag-ayos na nga sa akin si Haruko.

"That's alright..." Sagot niya.

Matagal na katahimikan ang namuntawi sa pagitan namin.

"I want to see you so bad," aniya.

"Boss, ako rin."

"Let's meet? Kahit pasikreto na lang." Tanong niya sa akin.

Gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero paano kung bantay-sarado siya ng mga Bodyguards? Paano kung hindi nila ako palapitin sa kaniya?

"Love... hindi ka na kumibo." Sabi niya.

"Ah, sorry. May naisip lang." Sagot ko.

"Anyways, let's meet na lang bukas. 'Yung surprise ko sa 'yo, bukas na 'yun." Halata sa boses niya ang pagiging masaya kaya naman masaya na rin ako.

"Sige. Kumain ka na ng hapunan, BossBabe ko. Mahal kita at mamahalin pa kita sa bawat araw na lumilipas at lilipas." Sabi ko sa kaniya.

"Wushu! Baka naman hindi?" Sabi niya. "Sige na Love, ibababa ko na 'to. Kain ka na rin ng dinner, I love you."

Walang kami... wala pa pero may aylabyuhan agad? Hehehe, sige na nga. "I love you too," sagot ko sa kaniya.

"Hanamichi, nandiyan na ang mga kaibigan mo." Sabi ni Manang sa akin.

"Iinom ba tayo?" Bungad ni Noma pagkapasok niya ng bahay.

Tangina nitong si Noma, inom ang nasa isip.

"Hindi! Magmu-movie marathon nga eh!" Sagot sa kaniya ni Ohkusu.

"Halika na nga, dun tayo sa kwarto ko." Aya ko sa kanila, at sumunod naman sila sa akin.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now