ELEVEN.

297 17 8
                                    

Haruko's Point of View.

Hindi ako masamang tao pero...ayaw kong may umaangkin sa pag-aari ko namang talaga. Ang sa akin ay para sa akin lang. Ayaw ko ng may kaagaw o kahati, lalo na kapag ang taong mahal ko na ang pinag-uusapan dito. Hindi ako masamang tao, dahil nagmamahal lang ako. Si Sakuragi ang usapan dito, bawal siyang agawin at angkinin ng iba. Dahil sa akin lang siya.

At gagawin ko ang lahat para mapabalik ko sa akin si Sakuragi. Kahit pa makasakit ako ng tao, basta ba bumalik lang siya sa akin ay ayos na 'yun.

"Sakuragi. Hindi na kita iiwan ulit lalo na ngayon na nakabalik na ako. At mas lalong hindi ka na masasaktan ulit dahil ibibigay ko sa 'yo lahat ng pagmamahal ko." Nakangiting kausap ko sa sarili ko habang nakatitig sa kawalan.

You can think of me as crazy and obsessed woman, but I don't care. Siguro nga minsan ay dadating talaga sa punto na kailangang maging ganito dahil sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao.

Rukawa... you were the one who broke us up. But thank you for doing it because I realized what I really feel for Sakuragi.

"Haruko, your bath is ready." Bungad ni Michael habang may dalang bathrobe.

Inabot niya iyon sa akin, at tinanggap ko naman ito. "Thanks, Michael. You're really nice." Sabi ko sa kaniya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

His reaction were so priceless. Pfft! Why would he be that shocked by that gesture? E ganun naman talaga sa America ah?

Nanggaling ako sa Australia to do something there, but I eventually got bored, so from Australia, I moved to America.

And that girl, Sakuragi's girlfriend. She's so familiar, that I think I've already seen her.

"Of course, no problem Haruko." Namumulang sabi niya sa akin, sabay talikod.

"So, would you help me?" Habol ko sa kaniya nang makalabas na siya sa guestroom na tinutuluyan ko.

"What kind of help though?" Sabi niya sa akin.

Napangisi naman ako.

"You know, that guy that I'm talking to earlier." Dagdag ko pa.

"Huh? What do you mean?" Kunwaring takang tanong niya.

Psh, stop pretending!

"Don't act like you're kind of stupid. I saw you, you were there, watching me." Seryosong ani ko, dahilan para mapakunot ang noo niya.

"Yeah, I was there. But what kind of help do you need?" Tanong niya sa akin.

"You see, I have to get him back. And I want you to flirt with his girlfriend." Ngising sabi ko, na para bang napakadali nung pinapagawa ko sa kaniya.

"H–Haruko, are you serious?" Sabi niya, na halata ang pangamba sa boses.

"I am, and I know where your sister lives." Ngiting sabi ko, dahilan para mabilis siyang mag–palit ng emosyon.

I know that Michelle is his weakness. I knew Michael cause he was scouted by NBA. And I watched him play once.

"I thought you were nice!" Pagalit na sabi niya sa akin.

Mabait ako, Michael. You'll know this feeling once you fall in love.

"I am nice. Pero ayaw ko ng inaagawan ako." Sabi ko. "So? Papayag ka or hindi?" Dagdag ko pa.

He heaved a deep sigh. "Fine. You win. But let's make sure na walang masasaktan sa gagawin nating ito." Sabi ni Michael sa 'kin.

"That is what I want nga, Michael." Nakangiting sabi ko, tsaka ko siya tinignan sa kaniyang mga mata. "Ang masaktan ang babaeng 'yun, dahil hindi niya deserve maging masaya sa piling ng taong mahal ko, habang ako ay miserable." Gigil na sabi ko.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now