THREE.

362 21 8
                                    

Sakuragi's Point of View.

Kasalukuyan kaming nagpa-practice. Napapansin ko ang pagbalya-balya ko kay Rukawa na kakampi ko pero hindi naman siya kumikibo sa ginagawa ko.

Wala ako sa mood sa hindi ko malamang dahilan, at ramdam ko ang pagiging agresibo ko sa paglalaro. Para bang ayaw kong tumigil ang practice hangga't hindi nauubos ang stamina ko.

"Break muna!" Sigaw ni Akagi, kaya naman para silang nakahinga ng maluwag.

Puspusan na rin ang ginagawa naming practice, dahil sa susunod na linggo na ang laban namin sa Ryonan. Kahit kaibigan ko sila ay hindi papayag ang henyong ito na matalo ulit kami, lalo na ni Sendoh.

Natanawan ko si maldita na kausap si Kate at Ayako. Halatang masaya siya sa pinag-uusapan nila.

Nakikita ko sa kaniya ni Mimi, ang kababata ko. Bigla na lang kasi siyang umalis, at hindi ko na alam kung saang lupalop siya nandon. Pero sana kung saan man siya naroroon, ay masaya ang mundong ginagalawan niya.

"Hanamichi, hindi mo ba narinig ang sabi ni Captain? Break daw muna." Sabi ni Ryota sa akin.

Hindi naman ako kumibo sa sinabi niya, idini-dribble ko lang ng paulit-ulit ang bola. Tsaka ako pumorma na magsu-shoot pero hindi pumasok. Tsk! Ano ba ang kailangan kong gawin para naman kahit papaano ay mapagbuti ko ang shooting skills ko?

Hindi naman puwedeng habang buhay na lang akong talunan kay Rukawa, kailangang may gawin din ako para manalo laban sa kaniya. Hindi ako makapapayag na puro siya lagi ang napapansin, at hindi ang henyong ito.

Ako ang magiging Ace Player ng Shohoku, papalitan ko ang pwesto ng mayabang na uhuging soro na 'yan.

"Ayan na naman siya. Tuwing mainit ang ulo niya ay ganiyan siya." Rinig kong sabi ni Mitsui doon sa babaeng maldita na kaibigan ni Kate.

Lumapit naman iyong maldita na 'yun kay Rukawa, at nagpapa-cute na inabutan niya ito ng tubig na hula ko ay galing kay Ayako. Namula naman ang pisngi nito ng tanggapin ng antuking soro ang tubig. Tila kinikilig naman ang maldita dahil hindi siya mapirmi sa kinatatayuan niya.

Psh, ganiyan din siya sa akin dati. Nung nandito pa siya.

"Diyan na nga kayo. Palaging 'yang sorong 'yan ang nakikita niyo." Inis na bulong ko sabay labas ng Gym tsaka ko ibinalibag ang pagsara sa pinto. Nasanay na si Tatang at ang Team sa ganitong klase ng ugali ko, lalo na kapag si Rukawa at siya ang palaging pinag-uusapan o napapansin.

Darating din ang araw na makakaya ko ng limutin ka, kasabay ng pagpapalaya ko sa narararamdaman ko para sa 'yo, Haruko.

"Problema nun?" Rinig ko pang sabi ni Mitsui.

"Sakuragi..." May nagsalita sa likod ko na sobrang pamilyar ang boses.

"Kyleen?" Tawag ko pa, tsaka tinignan kung siya ba talaga 'yun.

Si Kyleen nga ba 'to? Ibang iba na kasi ang dating niya nung nasa Wakou pa kami. Boyish na boyish kasi siya dati, naka sumbrero na pabaligtad ang suot kahit na naka skirt siya.

"Kyleen! Uy! Hala, ikaw nga!" Sabi ko matapos kong masiguro na siya nga 'yun. Hindi ko siya nakilala, to be honest. Ang dating mas lalaki pang kumilos kaysa sa amin nila Mito ay isa ng napakahinhin at malumanay na babae.

"Kumusta ka na? Tagal nating hindi nagkita ah?" Ngiting tanong ko sa kaniya.

"Ito, ayos naman ako. Ikaw ba? Mas lalo ka yatang tumangkad ah? Teka lang, bakit ganiyan ang suot mo?" Tanong niya naman.

"Ayos lang din naman ako, at tsaka ganito ang suot ko dahil may practice kami ng Basketball doon sa Gym." Nagkakamot ng ulong sabi ko.

"Ang dating sports na kinamumuhian mo, gusto mo na ngayon?" Natatawang sabi niya.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now