SIX.

301 19 9
                                    

Kumi's Point of View.

30 minutes of driving felt like an hour. Napaka tagal niyon para sa 'kin.

"Hi, Iha. Ang ganda ganda mo pa din, manang-mana ka sa akin." Salubong sa 'kin ni Tita, tsaka siya nakipag-beso.

It's been three years since I last saw them. Simula nang umuwi sila ng Kanagawa ay hindi ko na sila muling nakita o nakausap pa.

"Siyempre naman, Tita. Maganda kaya ang lahi natin hehehe." Proud ko pang sabi.

"Totoo! O siya, pumunta ka na dun sa guestroom ng makapag pahinga ka na." Ngiting sabi ni Tita tsaka ginulo ang buhok ko.

Tumikhim ako tsaka ako sumeryoso.

"Tita, I'll find a place as fast as I can." Sabi ko sa kaniya.

"No, Iha. Wag mong madaliin, puwede ka namang dumito muna." Ngiting sabi naman ni Tita.

Tita Keane is my mother's Older Sister. So basically, Eron is my older cousin.

And she understands my situationーvery well. She's the first one to know about my Mom's punishment to me. And sermon ang inabot ni Mom sa kaniya which I think she deserves naman.

Kahit naman Tita ko siya ay nahihiya pa din naman ako sa kaniya. At hindi rin naman ganun kakapal ang mukha ko para magstay dito sa kanila ng sobrang tagal.

"Bukas Tita, hahanap na po ako ng condo na puwede kong tuluyan." Sabi ko tsaka nag bow sa kaniya.

How's Hanamichi kaya? Is he already home? I'm so stupid dahil hindi ko nahingi ang number niya sa sobrang pagーmamadali ko.

Speaking of the monkey, kinilig ako ng very very light dun sa ginawa ni Hanamichi sa akin, sa tuwing maaalala ko kung gaano siya ka sweet sa akin kahit na medyo may pagka masungit siya. Sa loob lang ng isang araw lang 'yun pero grabe, kakaiba 'yung ipinaramdam niya sa akin, partida ngayong araw lang kami nagkakilala. Mabait naman pala siya. Balasubas lang magーsalita at mapang― asar, pero overall, pasok na pasok siya sa standards ko as my boyfriend hihihi.

What if, sa Shohoku ako magーenroll? That would be great dahil magーkakasama kami palagi.

He got the looks, and pamatay na muscles. May pamatay na abs kaya siya? Hihihi. OMG! Kumi, what are you thinking?!

At para sa akin ay napaka guwapo niya kahit aaminin kong naaーattract ako kay Rukawa. Ito yung attraction na alam kong hinahangaan ko si Rukawa. Ito yung pagーhanga na crush. Pero hanggang crush lang naman. May boyfriend na ako e.

Fake boyfriend, Kumi.

"Yie OMG! May boyfriend na ako!" Tili ko pagーkapasok ko sa guestroom.

Hindi na ako magiging curious kung ano ang pakiramdam ng may boyfriend. Kahit pa sabihing nanggaling ako ng Australia ay hindi ko sinubukan at hindi ako kailanman nagkaroon pa ng boyfriend doon sa tagal kong nandun.

"Ang pogi-pogi ni Hanamichi, hihihi!" Kinikilig na sabi ko pa tsaka pabagsak akong nahiga sa kama.

"That hurts,"?" daing ni... CYRIE?

"Cyrie, what are you doing here?" Gulat kong tanong sa isa pa naming pinsan ni Kuya Eron, she's half ーAustralian, unlike me and Kuya Eron na pure Japanese ang mga parents.

Ang alam ko ay nasa Australia siya, anong ginagawa niya dito Kanagawa? Tumakas yata ang lokaret na 'to.

"Bakit ka ba kasi nandiyan? Diba may unit ka naman?" Tanong ko sa kaniya tsaka nahiga sa tabi niya.

"Eron invited me here, and I missed Uncle and Auntie that's why I'm here. And I got sleepy." Sagot niya.

"And who's your boyfriend? Kailan pa?" Dagdag niya pa.

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now