TWENTY-NINE.

193 18 11
                                    

Nang dumating na sa harap ng simbahan ang family driver nila Kumi, pinagbuksan sila nito ng pinto. Sumakay naman silang dalawa sa loob ng kotse, at pagkatapos nun ay nag-usap silang dalawa.

"Kung buhay siguro ang Papa mo, proud na proud yun sa 'yo. Hindi ko alam ang buong istorya ng buhay mo, pero masasabi kong sa kabila ng pinagdaan mo na mahirap at masakit, nandiyan ka pa rin." Sabi ni Kumi sa binata.

"Hahahaha, talagang magiging proud sa'kin 'yun, sa galing ko ba namang mag-Basketball eh! Tsaka henyo 'to! Nyahahahahahaha!" Pagyayabang ni Hanamichi kaya napangiti si Kumi sa kaniya.

"Nag-yabang na naman po siya. Pero wala eh, isa 'to sa mga trait niya kung bakit minahal ko siya." -sabi ni Kumi sa isip niya.

"Kung Henyo ka talaga at magaling mag-Basketball, bakit hindi ka pa bumalik sa Team?" Tanong sa kaniya ni Kumi dahilan para biglang sumeryoso si Sakuragi.

"Kasi nandun si Haruko, tama ba ako?" Sabi ni Kumi. "Hindi ka makakalaya sa sakit kung patuloy mo siyang iiwasan, mas mabuti na 'yung nagsasanay kang makita siya. And try to talk to her-" naputol ang sasabihin ni Kumi nang sumingit si Sakuragi.

"Ayoko ng bumalik sa Basketball Team, BossBabe." Sabi ni Sakuragi.

'Tinatawag niya pa rin akong BossBabe...' -sabi ni Kumi sa isip niya.

"Kahit para sa akin na lang? Hm? Tsaka, diba sa Saturday laban niyo na against Ryonan?" Tanong ni Kumi.

"Hmm, oo. Sa ngayon, wala munang kaibi-kaibigan." Sagot naman ni Sakuragi.

"Sige, ganito, let's make a deal. Kapag bumalik ka sa Basketball Team, may surprise ako sa 'yo." Pangungumbinsi sa kaniya ni Kumi.

"Baka yung surprise na yun eh ipapakausap mo sa akin si Haruko. Ayoko!" Sabi ni Sakuragi.

"Tangek, hindi. Basta nga surprise basta ba galingan mo eh." Sabi ni Kumi.

"Diba sabi mo, si Haruko ang naging inspirasyon mo dahilan para sumali ka sa Basketball Team?" Sabi ni Kumi, at tumango naman si Sakuragi.

"Ngayon, ako naman ang gawin mong inspirasyon para sumali ulit sa Basketball Team. Kukumbinsihin rin natin si Miyagi. Ayos ba 'yun?" Dagdag pa ni Kumi.

"Hm, sige." Nakangiting pagpayag naman ni Sakuragi.

"Hindi pa kita nakikitang maglaro, so I think it'd be great kung makikita ko hehe. Bukas na bukas, balik ka na sa Team ah?" Sabi ni Kumi.

"Nyahahahahahaha!" Tawa ni Sakuragi. It's that obnoxious laugh again. "BossBabe, baka humanga ka sa ng sobra sa akin pag nakita mo na kung paano ako maglaro?" Pagyayabang na naman ni Sakuragi.

"Kaya nga bumalik ka na sa Team para maipakita mo sa akin kung gaano ka kagaling." Sabi ni Kumi.

"Tatalunin ko 'yung Mayabang na Soro na 'yun, tsaka si Sendoh." Sabi naman ni Hanamichi.

"Mhm, ganiyan nga Love." Sabi naman ni Kumi.

---

Nang makarating na sila ay bumaba na sila ng kotse, nilakad nila ang puntod ng Papa ni Sakuragi.

"Papa, pasensiya na at matagal akong hindi nakapunta sa iyo." Sabi ni Sakuragi. "May kasama ako Papa. Ang babaeng magiging soon to be girlfriend ko kung papalarin, nyahahahahahaha!" Dagdag pa nito.

"Papa, meet Kumi. Kumi, si Papa." Pakilala ni Sakuragi kay Kumi sa Papa niya na para bang buhay ito at kausap niya.

"Hello po." Bati ni Kumi sa puntod ng Papa ni Sakuragi. "Ako po pala si Kumi Edogawa." Sabi ni Kumi. Nagkatinginan naman sila ni Sakuragi, "ang soon to be girlfriend po ng anak ninyo."

THE GENIUS BASKET MAN IS IN LOVE《H.SK》Where stories live. Discover now