Chapter 1

3.4K 99 18
                                    

"Ellai... Nephele Rai, please."



"Elle, nandyan naman 'yong Dean Lister nating baliw na baliw sa 'yo," natatawang pahayag ni Doremi. Ang kaibigan kong may saltik sa utak.



"Ellai... Sawa ka na kaagad? Kahapon lang 'yon, ah?" Hindi pinansin ni Romick si Doremi at sa halip ay tinanong niya iyon sa akin.



Umirap lang ako habang pinagmamasdan ang aking repleksyon sa isang maliit na salamin na hawak-hawak ko.



I just put some stands of my hair behind my ear and applied a blush-on on my cheeks, ignoring the stares I feel from everyone. Inayos kong mabuti 'yong cheek tint ko bago naman dinagdagan ang lipstick ko para hindi pumutla ang mga labi ko.



"Nephele Rai... Please, you moaned my name---"



"Shut the fuck up!" I stood on my seat because of irritation. "Tang ina! Make out lang 'yong nangyari, hindi ka na kaagad maka-get over?! It was just a make out, okay?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong singhalan ang lalaki. "I am not capable of being romantic or whatsoever, okay? Kung naghahanap ka ng babaeng magseseyoso sa 'yo, eh 'di hindi ako 'yon! Kilala mo naman ako, 'di ba?"



"Ellai---"



"Gago 'to, ah? Ano? Don't tell me... dahil sa make out na 'yon ay nilabasan ka na kaagad?" Humalakhak pa ako, nanunuya. "Mag-cold shower ka na lang, para kahit papaano ay humupa 'yang init na nararamdaman mo." Inismaran ko siya.



"Ellai... Gano'n na lang ba kadali sa 'yo 'yon? Pagkatapos ng---"



"Anak ng alimango naman, eh! Bobo ka ba? Sinabing hindi nga ako 'yong tipong seseryosuhin ka! 'Kay kitid-kitid naman ng utak mo pagdating sa ganito! Matalino ka, 'di ba? Gamitin mo nga 'yang utak mo!" I harshly hissed at him.



Pinasok ko na lang sa sling bag ko ang mga kolereteng hawak ko at bumuga ng marahas na hininga. Luminga-linga ako at iginala ang aking paningin sa paligid, halos karamihan sa mga estudyante ay pinapanood kami.



Nasa isang round table kami ngayon at tanging ang kaibigan kong si Doremi ang kasama ko dahil ang iba ay nasa field at heto... biglang lumapit sa amin ang Dean Lister na si Romick. Hindi naman ito ang unang beses na lumapit siya.



Pinagbigyan ko na nga siya tapos mukhang kinulang pa? Ano akala niya sa sarili niya? Gold? Tsk!



May narinig pa akong bulungan kaya napairap na lang ako sa kawalan dahil hindi na ito nakakapanibago. Lagi naman ako ang laman ng balita sa campus, buti na lang hindi ako umaabot sa Dean.



My parents are wealthy and no one dared to kick me out. Kung naghahanap sila ng kalaban, huwag ako.



"Lahat talaga ng ayaw ko sa babae ay nasa kaniya na. Mayabang, bastos, malandi, toxic, childish. Basta, lahat na lang." I heard someone murmured again.



"Narinig ko 'yon!" Ngumisi ako at hinarap ang babae. Umiwas siya ng tingin at halos mapaatras. "Oh ano? Ano? Lalaban ka? Kung ayaw mo sa 'kin, eh 'di huwag!" Inirapan ko siya at muling hinarap si Romick na puno ng pagsusumamo ang ekspresyon. "Umalis ka na nga, nakakahiya ka," pantataboy ko sa lalaki.



Umiling siya, hindi nagpapatinag. "P-Please... Gusto kita, Elle. Sobrang gusto kita," he confessed. "Kaya kong tanggapin ang buong pagkatao mo, I don't care if---"



"Shut the drama, Wilson," I uttered his surname. "Nakakapandiri 'yang pagdra-drama mo."



"Naku, Elle! Seryoso 'tong si Romick sa 'yo, ah?" si Doremi at inakbayan si Romick. "Huwag mo nang tanggihan ang disgrasya---ay grasya pala!" nanunuyang utas niya at humalakhak pa.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now