Chapter 18

1.5K 54 0
                                    

As I stepped inside the classroom, I caught everyone's attention. Tumiim-bagang ako nang dumapo ang aking mga mata sa gawi ni Marco.



Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili at para makakuha ng lakas ng loob. Maybe, I should distance myself from him more, not because Clarence don't trust him but because I felt something weird about him. Kaibigan ko pa rin naman si Marco at kahit kailan ay hindi niya ako binastos pero sa pagkakataong ito, ramdam kong parang may nag-iba na.



"Ellai! Mabuti't nandito ka na!" kantiyaw ni Doremi 'tsaka lumapit sa akin at niyakap ako.



Hindi ako nakapalag at walang ibang nagawa kung hindi niyakap na lang siya pabalik. Tinapik-tapik ko muna ang kaniyang likod bago kumalas sa yakap at hinarap naman iyong iba pa. Wala pa ang Prof namin kaya malaya pa kaming makapag-ingay rito. Maaga pa kasi pero kumpleto na ang mga kaibigan ko.



"Imposibleng napaaga kayong lahat, ah?" puna ko sa kanila at isa-isa silang pinasadahan ng tingin na may ngisi sa aking mga labi.



"Napaaga ka rin, mas nauna ka pa nga sa kina Prince, eh."



Napawi ang ngisi sa aking labi nang biglang sumulpot si Marco at sinabi iyon. Kabado ako ngayon pero nagawa ko pa rin siyang titigan sa kaniyang mga mata at binigyan siya ng matamis na ngiti. Nakatitig naman siya sa akin nang mariin, tila binabasa ang laman ng isipan ko ngayon.



"Kanina ka pa rito, Elle?" si Prince, nagtataka na.



Tumawa lang ako nang bumaling ako sa kaniya. "Oo, kaso dumaan pa muna ako sa opisina ni Sir Evans para sa records ko noong first sem at ngayon," dahilan ko pa sa seryosong boses. "Gusto ko lang kasing alamin kung may nagbago ba sa records ko. You can ask Professor Evans about your records, too," suhestiyon ko pa sa kaibigan 'tsaka sinulyapan si Marco na ngayon ay tumahimik na.



"Talaga, Elle? Sige, mamaya siguro pagkatapos ng whole class o 'di kaya after lunch," desididong wika naman ni Clark. "Gusto ko rin makita iyong sa akin!"



"Ako rin!" segunda naman ni Jeydee.



"I wanted to see my records, too," ani rin ni Van.



Pilit na ngumiti ako para mapagtakpan ang kabang nararamdaman ngayon. Nalintikan na! Kabanas naman! Ano? Should I call or text Rence about this so he could prepare everything? Naiinis ako kasi dinagdagan ko na naman si Rence ng iisipin niya. Hindi ko nga alam kung nakakatulong ba ako sa kaniya o hindi, eh.



"Oh!" I yawned. "Kinulang yata ako sa tulog, boys. Puwedeng umidlip muna ako? Gisingin n'yo na lang ako kung nariyan na ang Professor natin. Pinuyat ko kasi ang sarili ko sa cellphone, eh," dahilan ko lang para ilayo sila sa napag-usapan.



"At kailan ka pa na-addict sa cellphone mo, Elle?" si Marco na naman.



Nabubuwesit na ako, ha. Bakit ba ang daming alam ng isang 'to? Bakit sa bawat salita ko ay may kumento talaga siya? O siguro, gusto niyang malaman kung ano talagang namamagitan sa amin ni Rence?



I know Marco well. Kahit may kasaltikan 'yan sa utak, seryoso pa rin 'yan sa kahit ano mang bagay. Alam kong seryoso ngayon si Marco at may gusto siyang malaman, iyon ay ang tungkol sa amin ni Rence.



"I didn't say that I am addicted to my phone, Marco. Sadyang naaliw lang talaga ako kagabi kaya napuyat ako," rason ko pa.



Palakihan na lang ng ulo nito. Hindi ako puwedeng magpahalatang may tinatago ako dahil sa oras na magbigay ako ng motibo, siguradong huhungkatin nila kung ano man iyong nililihim ko. I should act normal, I have to.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now