Chapter 35

1.3K 58 2
                                    

"Oo, sinadya ko iyong pagkakatapilok ko pero hindi ko gustong magpabuhat sa 'yo, 'no!" singhal ko sa kaniya. "Sino ba'ng nagsabi sa 'yo niyan, ha? Feel mo pa!"


Tumawa lang siya. "You looked defensive, Rai. Kalma lang, ako lang naman ito."



"Shut up!"



Mabuti na lang, matapos kumain ni Rence ay inihatid ko lang siya sa labas. Tumawag lang ako ng cab at hinintay siyang makasakay bago bumalik sa loob. Nakakalakad naman ako kaso nga lang medyo masakit pa ang bukong-bukong ko. Tamang-tama lang dahil saktong nakaalis na si Rence ay saka na nakauwi sina Daddy, kasama sina Nero at Han.



Sinalubong ko kaagad sila ng yakap. Niyakap ko si Daddy at si Han bago binuhat ang anak at pinag-ulanan ng halik ang mukha nito. He giggled and gave me a sweet kiss on my lips. Habang karga-karga ang anak ay nilapitan ko si Mommy na ngayon ay seryoso na.



Kanina ay kinakausap niya si Clarence at kinukumusta ang buhay nito. Marami pa siyang itinanong sa lalaki at sinasagot naman siya ni Rence. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila at mabuti na lang ay hindi na nagtanong si Mommy ng tungkol sa amin ni Rence pero nakikitang kong sinusuri ni Mommy si Rence habang nakamasid ako sa kanila.



"Ellai, may pag-uusapan tayo," wika ni Mommy sa malamig na tinig.



Hindi ko siya nakausap simula nang umalis si Rence dahil sakto lang ngang dumating sina Daddy. Napalunok ako at hinagkan sa noo ang anak bago binaba ito. Nauna si Mommy na umakyat sa hagdan. Sinulyapan ko sina Daddy at Han. Both of them looks so astonished. I smiled at them and motioned that I'll follow Mommy. Sumunod kaagad ako kay Mommy at umakyat din sa hagdan.



I followed her to my room, she lead me there. Both of us went inside and she closed the door when I stepped inside my room. Dumiretso ako sa aking kama at umupo roon. Sumunod si Mommy at umupo naman sa aking tabi. Diretso ang titig niya sa aking mga mata at hindi ko naman magawang salubungin ang titig niya.



"Tell me, is it him?"



"M-Mommy..."



"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Ellai. Clarence Jayv Evans... Is he Nero's father?" diretsong tanong ni Mommy.



Si Mommy talaga iyong tipo na diretso magsalita o magtanong. Wala siyang pakialam kung magugulat niya ang tao o hindi. Hindi rin ugali ni Mommy na pahabain ang isang usapan, basta ang mahalaga sa kaniya ay malaman niya ang mga sagot ng mga katanungan niya.



"Ellai, malaki ang kutob ko na siya ang ama ni Nero," pahayag ni Mommy. "At alam kong hindi ako nagkakamali dahil sa unang kita ko pa lang sa kaniya, kamukha niya si Nero. I think, you should tell him about your child, Ellai. Mas mabuting sabihin mo sa kaniya ngayon pa lang kaysa malaman niya iyon mula sa iba."



"M-Mommy..." I mumbled.



"Anak, nakikita mo naman, hindi ba? Kamukhang-kamukha niya ang anak mo," usisa pa ni Mommy. "Hindi naman sa pinipilit kita, anak, ang gusto ko lang naman ay ipaalam mo na sa kaniya ang tungkol sa anak ninyo."



Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. "I'm sorry, Mom."



Pumihit ako patalikod sa ina at iniwan siyang mag-isa sa kuwarto. Bumaba kaagad ako ng hagdan at binalikan ang anak ko na ngayon ay nilalaro ni Daddy. Si Han naman ay nakamasid lang sa kanila at nakapamulsa. Naisipan ko na lang na lumapit muna sa kaniya. Tiningnan niya lang ako.



"Han," tawag ko sa kaniya.



"The man," he started and referring to Clarence. "He really looks like Neil Euro."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now