Chapter 40

1.3K 52 2
                                    

"Are you okay, darling?" tanong ni Mommy nang sumalampak ako sa couch.



"Aywan ko," maikli kong sagot. "Hindi yata ako okay..."



Kauuwi ko lang ng mansiyon. I just took a cab. Hindi na 'ko nagpaalam pa kay Rence at sa Shekainah na iyon dahil busy naman silang dalawa. Oh, good for them, they found each other. At 'yang si Rence? May pakulo pa siyang "Don't let go of my hand" at siya pa iyong unang bumitiw? Oh, great! Ang galing niya talaga!



And guess what?! I just remembered that Shekainah was Zani's friend before! Naalala ko iyong sinabi ng ina ni Rence sa akin at nagbanggit siya ng pangalang Shekainah at niligawan daw iyon ni Rence noon. At ngayon ay bumalik na ang babae...



"Bakit? May nangyari ba, anak? Did you already talk to him about Nero? Ano'ng sinabi niya?" sunod-sunod na tanong ni Mommy sa akin.



"No, Mom. And I think, he don't need to know about my son," I said and sighed heavily.



Nilingon ko ang anak ko na naglalaro. Medyo malayo siya sa amin kaya paniguradong hindi niya naririnig ang usapan namin ni Mommy. Naaawa naman ako para sa anak ko. Hindi ko rin alam kung paano ipaliwanag sa kaniya ang tungkol sa kaniyang ama. Hindi pa nagtatanong si Nero ngayon pero alam kong balang araw ay hahanapin niya sa akin kung saan ang ama niya.



"At bakit naman, Ellai?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Mommy. "Baka nakakalimutan mong pareho kayong bumuo kay Nero. Kung hindi ka niyan tinulungan, eh 'di wala kang Nero ngayon."



"Mom, ba't parang ang bastos naman yata pakinggan ng sinabi ninyo?" Napalabi pa ako sa narinig mula kay Mommy. "Mommy, hindi ninyo kasi naintindihan..." mahinahong dugtong ko pa.



"Eh 'di ipaintindi mo sa akin!" singhal niya. "Hindi ko alam kung bakit ayaw mo pa ring sabihin kay CJ ang tungkol sa anak ninyo! Ellai, sinasabi ko sa 'yo, malaki na 'yang anak mo at maghahanap iyan ng tunay niyang ama balang araw. Alangan namang si Sky ang ipakilala mong tunay na ama eh halatang walang minana ang anak mo sa kaniya? Ni kulay nga ng mga mata ni Sky ay hindi katulad sa anak mo, eh. Ellai, may usapan tayo," paalala pa ni Mommy sa akin.



"Mom, may girlfriend na siya..."



Muntikan pa akong mapiyok dahil sa sinabi ko. Napakagat-labi ako nang tiningnan ako ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit biglang may namuong mga luha sa aking mga mata. Bumaba ang aking tingin sa sahig habang si Mommy naman ay nakamasid sa akin.



"M-May girlfriend na po siya, Mommy." Hindi ko na naitago ang pait sa tinig ko. "W-We fetched his girlfriend at the airport earlier," I added.



Bumuntong-hininga si Mommy. "Ellai, may girlfriend man siya o wala, karapatan niya pa ring malaman ang tungkol sa anak ninyo."



"Mommy, hindi n'yo kasi ako naintindihan, eh," giit ko pa. "Kung may karelasyon na siya, ayokong masira sila ng girlfriend niya dahil lang sa malaman niya, Mommy."



"No, Ellai," inis na utas ni Mommy. "Kahit may girlfriend man siya, sasabihin mo pa rin dapat sa kaniya ang lahat dahil karapatan niyang malaman iyon. Hindi naman porque sinabi mo sa kaniya ang tungkol sa anak ninyo, masisira na sila ng girlfriend niya. Susuportahan niya lang naman si Nero at magpakaama siya sa kaniyang anak, iyon lang naman ang gagawin niya, Ellai."



"Mom," I uttered. "B-Baka pag-awayan nila---"



"Bakit ba sila ang inaalala mo?!" Mom cut me out. "Si Nero dapat, Ellai! Ang anak mo ang alalahanin mo! Ano naman kung masira sila?! Kasalanan ba ng anak mo iyon, ha?! No matter what, CJ should take his responsibility for his son! Hindi puwedeng hindi, Ellai!"



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now