Chapter 20

1.5K 48 1
                                    

Puno ng pangungulit ko ang buong biyahe at tumahimik lang ako nang makarating na kami sa condominium niya. Tahimik lamang siya pero namumula ang magkabilang tainga niya.



Nauna na siyang lumabas mula sa driver seat bago umikot sa harapan at pinagbuksan naman ako ng pintuan dito sa passenger seat. Ngumiti ako at bumaba na mula sa kaniyang sasakyan, pagkababa ko ay kumapit kaagad ako sa braso niya.



Sumulyap lang siya sa kamay kong nasa braso niya bago pinatunog ang kaniyang sasakyan, hudyat na ni-lock niya iyon. Matapos iyon ay kaagad na naming tinahak ang kaniyang unit, hindi pa rin ako bumibitiw sa pagkakahawak ko sa braso niya.



Nang matungo na namin ang kaniyang unit ay may isang babaeng nakatayo roon at mukhang kanina pa naghihintay. Tumaas ang kilay ko at pinasadahan ng tingin ang babae. Masasabi kong matanda siya kaysa sa amin, o 'di kaya'y ka-edad niya lang si Daddy. Hindi siya pamilyar sa akin dahil ito ang kauna-unahang beses na nakita ko siya.



"Do you know her? Who is she?" I lifted my head to Clarence and asked that.



"My mother," he simply answered.



Halos kinuryente ako dahil sa kaniyang sagot. Inalis ko ang kamay kong nakakapit sa kaniyang braso 'tsaka inayos ang sarili ko. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil sa kaba at may kaunti akong hiyang nararamdaman ngayon. Aywan ko ba kung para saan ang hiyang nararamdaman ko.



"You visited, Mom," ani Rence sa babae nang makalapit kami roon. "Why you didn't call me? Kanina ka pa ba rito?" marahan niyang tanong sa ina.



"Bumisita lang dahil miss na miss ko na ang panganay kong anak."



His mother smiled at him but she didn't notice that I am also here. Nasa kay Clarence ang buo niyang atensyon at halatang sabik na sabik na siya sa kaniyang anak.



Hindi pa siya nababanggit ni Rence sa akin kaya hindi ko siya kilala. Ina rin siya ni Zani pero hindi pa siya naipapakilala ni Zani sa akin, eh, kaya ngayon ko lang talaga siya nakita.



"Did you also visit Trevon and Aliz, Mom?" tanong ni Rence sa kaniyang ina 'tsaka nilabas ang kaniyang susi mula sa kaniyang bulsa. "I missed you, Mom. I know that Trevon and Aliz also misses you."



Bumuntong-hininga ang kaniyang ina. "Hindi ako dumaan sa kanila. You know the reason, CJ. Kapag ayos na ang lahat ay saka ko na sila bibisitahin, ikaw lang muna ang binisita ko."



"I understand, Mom, and don't think about it." Rence sighed. "Let's get in," sa halip ay anyaya niya lang. "Uhm... anyway, Mom... I am with..."



Hindi niya natapos ang sinasabi nang bumaling sa gawi ko ang kaniyang ina. Ngumiti kaagad iyon sa akin at gumanti rin ako ng ngiti. Mukhang mabait naman ang ina nila, hindi ko nga lang alam kung bakit si Zani ay malayo ang loob dito.



"Nephele Rai Clarkson po, Ma'am," I introduced myself to Clarence's mother and gave her a hand. "You can call me Ellai po."



"Nice to meet you, Ellai." She nodded and accepted my hand. "You are so beautiful. May I know what's your relationship with my oldest?"



Napalunok ako at tumikhim. Clarence step our distance before hooking his arm around my shoulder. Tiningala ko siya, hindi siya nakatingin sa akin dahil ang kaniyang buong atensyon ay nasa kaniyang ina na nasa harapan namin ngayon.



"She's my girlfriend, soon-to-be my fiancèe and will be my wife someday," seryosong aniya bago ngumiti sa kaniyang ina. Napangiwi naman ako sa narinig. "Sige na, pasok na tayo sa loob," anyaya niya 'tsaka tuluyan na akong hinatak.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now