Chapter 24

1.3K 43 0
                                    

Three days had passed after that day. I was on my way to DLSU when I suddenly felt dizzy. Napasapo ako sa aking noo at halos mawalan ng balanse nang may sumalo sa akin at marahan akong pinatayo nang matuwid.



I lifted my head and looked at the guy, he is not familiar to me. He had those hazel eyes, he's taller than me. I could say that he and Rence have the same height. Ngumiti ako sa lalaki 'tsaka inayos ang sarili ko.



"Thank you," I sincerely thanked him.



"No problem," he said and smiled also. "Nakita kitang biglang nahilo na lang, masama ba ang pakiramdam mo?" marahan niyang tanong. "I can take you to the hospital," dugtong niya.



I shook my head, refusing. "No, thank you. I'm okay, nahilo lang ako dahil sa pagiging anemic ko siguro pero okay lang ako. Hindi na uso ang ospital sa akin, malayo naman 'to sa bituka."



Napatitig siya sa akin habang nagsasalita ako kaya natigilan ako. I stared back at him before arching a brow. He avoided my gaze and stood properly before clearing his throat. Inignora ko na lang ang pagtataka na naramdaman ngayon. He's quite weird.



"Uhm..." Huminga siya nang malalim at napakamot-batok pa. "Correct me if I'm wrong... Your name is Nephele Rai Clarkson?"



My eyes widened in shock. Mabilis kong kinalabit ang sarili ko at unti-unting tumango sa lalaki. How did he know my name? Kilala ko ba siya? Was he one of my boys? I don't think so. He's not even familiar to me. Ngayon ko lang kaya siya nakita.



"So... Ellai, right?"



"Yeah?" patanong kong saad. "Paano mo 'ko nakilala?" I scoffed. "Huwag mong sabihin na isa ka sa mga lalaki ko?"



"Oh, I wasn't wrong, you are a play girl," he teased before leaning closer to me. "Don't you know me, Ellai?"



"Hindi kita kilala," madiing sabi ko. "Bakit? Sino ka ba para kilalanin ko pa?"



Humalakhak lang siya at tinapik ang balikat ko. Tumiim-bagang ako dahil parang inaasar niya ako. What's up with him?! Are we close?! I don't even know him! Sino ba talaga siya, ha?!



"Hindi ko naman sinabing kilalanin mo 'ko, Ellai," aniya at tumawa. "Tutal hindi ka interesadong kilalanin ako, hindi ko na kailangan pang banggitin ang pangalan ko."



That's the last thing he said before turning his back to me. Kumuyom ang kamao ko at sinundan siya ng tingin. I glared at his back. Parang wala lang sa kaniya at diretso pa siya, napakawalang-hiyang lalaki!



"Jerk!" sigaw ko at padarag na nagpatuloy sa paglalakad.



Iritadong pumasok ako sa campus at katulad ng nakasanayan, nasa akin na naman ang atensyon ng lahat. I ignored them and just continue walking. Aywan ko ba pero naiinis ako sa lalaking iyon. Kung alam ko lang na aasarin ako niyon, sana hindi na lang ako nagpasalamat sa kaniya!



I would rather let myself fall into the ground than to let him catch me on his arms again! Hindi ko naman masasabing masama siyang lalaki pero naiinis lang talaga ako kasi unang pagkita ko pa lang sa kaniya ay inasar niya kaagad ako. Ugali ba iyon ng matinong lalaki?



He's wearing a business suit, mukhang negosyante pero talaga lang, ha? Baka hindi negosyante iyon kasi kung makaasta, parang nawawalang hayop sa zoo. He's mocking and teasing me. Close ba kami, ha? Feeling close rin ang putang ina.



"Hoy, Ellai! Lumulutang na naman ba sa ere ang utak mo?!"



Halos mapatalon ako nang marinig bigla ang sigaw ni Archie mula sa kung saan. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla at binigyan siya ng iritadong tingin. He just gave me a peace sign and smirked playfully.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now