Chapter 46

1.3K 49 5
                                    

"We're here," Rence announced as he parked his car on the carpark. "Wait for me, pagbubuksan kita ng pinto."



Nauna siyang bumaba mula sa kaniyang sasakyan bago umikot sa harapan para pagbuksan ako ng pinto rito sa shotgun seat. Bumaba kaagad ako at iginala ang aking paningin sa paligid. Kinuha naman sa akin ni Rence ang dala kong bag at sinukbit niya iyon sa kaniyang balikat.



Nandito na kami ngayon sa carpark sa harap ng kaniyang condominium. Kararating lang namin at sinundo niya ako kanina katulad ng aking kagustuhan.



"There are so many stars up there," pansin niya habang nakatingala sa kalangitan. "Let's stay here for a little while."



"Sige," sang-ayon ko rin at tumingala rin sa langit. "Ang ganda ng mga bituwin," puna ko.



Bilyung-bilyong mga bituwin ang makikita sa kalangitan. Maliban sa sinag ng buwan, ang mga bituwin ay nagsisilbi ring liwanag sa paligid. The stars did not refuse to shine, it was sparkling so bright. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kalangitan na pinapaligiran ng mga bituwin.



"Come here, let us trace the stars and write our names together," biglang anyaya ni Rence sa akin.



Napatingin ako sa kaniya. He gently held my elbow and pulled me near him. Nagtaka naman ako sa pag-anyayang ginawa niya. We'll trace the stars together? For what? Ano na naman bang pauso ito?



"Let's write our names through connecting the stars," he said. "Subukan natin baka magkatotoo pa ito."



"Magkatotoo ang ano?" I asked astonishingly.



"Basta," aniya at tumikhim. "You'll write my name on the sky through connecting the stars and I'll do the same on your name," dugtong niya at sumulyap sa langit.



"Bakit ko naman isusulat ang pangalan mo sa mga bituwin?" My forehead creased because of astonishment. "Huwag na," tanggi ko pa. "Malay mo, maaga kang kuhanin ng langit niyan," biro ko pa at tumawa.



He laughed at me also. "No, baby, trust me... Just write my name in the sky and I will write yours. I don't believe in this kind of thing but let us try. Malay ba nating magkatotoo ito."



"Ang alin nga ang magkatotoo?" tanong ko pa.



"Magkatotoo na maging akin ka habang-buhay," he answered and chuckled. "Come on, let me guide you, baby," he presented and positioned behind me. "You'll write my whole name. Clarence Jayv Martinez Evans."



Hindi na ako nakaprotesta nang inangat niya ang aking kamay sa hangin. Hinayaan ko siya nang unti-unti niyang pinag-uugnay ang mga bituwin gamit ang aking hintuturo. Nilingon ko siya at saktong nagtama ang mga labi naming dalawa. Mabilis lang iyon dahil tumuwid kaagad ako ng tayo at muling inangat ang tingin sa kalangitan.



Nang matapos ang kagustuhan niya ay napagpasyahan na namin pareho na pumasok na sa condominium at tinungo na ang kaniyang condo unit nang tahimik lamang. Pinadausdos niya sa aking baywang ang kaniyang braso nang makapasok na kami sa loob ng kaniyang unit. Hinayaan ko lamang siya at iginiya niya naman ako sa may sala.



"May gusto ka bang kainin?" marahan niyang tanong nang paupuin niya ako sa mahabang sofa. "Magluluto ako ng uulamin natin, hindi pa naman ako nakapaghapunan kaya sumabay ka na sa akin."



"A-Ah, sige," sagot ko at tiningala siya, nakatayo siya ngayon sa aking harapan. "Kahit ano lang diyan," I added in a lower voice.



"Okay," he said before bending over to level his face to mine. He gave me a peck on my lips. "Magluluto na 'ko. Feel at home, Rai."



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now