Chapter 37

1.3K 51 6
                                    

Gumising na lang ako na halos lahat ng sakit sa katawan ay iniinda ko na. Iminulat ko ang aking mga mata at biglang napabalikwas nang maalala ang nangyari kagabi.



Napasapo pa ako sa aking noo dahil buo sa ala-ala ko ang lahat-lahat kahit na lasing na lasing ako no'n. Tang ina kasi 'tong hangover na ito! Buwesit ka rin kasi, Nephele Rai! Ang landi-landi mo! Sino ba 'yong naka-sex mo?!



Fuck shit! Naalala ko nga kung paano ako bumigay sa lalaki pero malabo sa alala ko ang kaniyang hitsura! Gosh! Sino ba kasi iyon?!



Nakahinga na lang ako nang maluwag nang makitang may suot na akong oversized t-shirt na damit ng lalaki. Mabuti na lang din ay nag-iisa na lang ako sa kama ngayon at wala nang katabi. Naisipan ko na lang na bumaba mula sa kama 'tsaka humugot ng malalim na hininga.



Okay... tatakbo ako. Tatakbuhan ko kung sino man iyong naka-sex ko kagabi! Ah shit! Ang sakit talaga ng pagkababae ko! Pero 'di bale na nga lang, mas kailangan kong lisanin ang lugar na 'to bago pa ako makita ng lalaki na 'yon!



Dinampot ko ang mga damit ko sa ilalim ng kama na hanggang ngayon ay hindi pa rin naliligpit. Yumuko pa ako at sumilip sa ilalim ng kama para hanapin kung saan ba itinapon ng lalaki ang undies ko.



Putang ina ba naman kasi! Saan na ba 'yon?!



Marahas kong sinabunutan ang buhok ko dahil sa galit sa aking sarili. Fuck, Nephele Rai! Ang landi mo kasi, eh!



Maliligo talaga ako pagkauwi ko! Lilinisan ko nang maayos ang sarili ko! Palalagpasin ko muna 'tong kagagahan ko sa ngayon dahil sa susunod ay sasakalin ko na talaga ang sarili ko!



May anak ka na, Ellai, malandi ka pa rin! Shit! Shit talaga!



Halos mapatalon ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nataranta ako at kaagad na kinapa ang bulsa ng hawak kong maliit na short at nilabas ang cellphone ko mula sa bulsa nito. I took a deep breath when my best friend's name popped on the screen. I immediately answered the call.



"Good thing you called, Zani!" bungad ko sa aking kaibigan.



Tumawa siya sa kabilang linya. "Oh? Kumusta ang gabi ninyo? Ano? Magkakaroon na ba ng kapatid si Nero?" she asked teasingly.



I rolled my eyes even though she can't see me. "Gaga! Hindi mo man lang ako hinatak, ano?! At saka, pinagsasabi mo ba, ha?!"



Naiinis lang ako kasi ba't ako hinayaan na lang ng mga kaibigan ko! Alam ko rin naman na hindi nila ako basta-basta hahayaan sa kung sino lang pero bakit kasi?!



"Nagmamaang-maangan pa, ah!" natatawa niyang untag sa kabilang linya.



"What the hell?!" I hissed furiously. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?! W-Wait... D-Don't tell me... K-Kilala mo ang kasama ko kagabi?!"



"Gaga! Natural, Ellai! Sarili kong kapatid, hindi ko makikilala?!"



Nabunutan ako ng tinik nang marinig iyon galing sa kaibigan. My world stopped because I never expected that. Bigla kong nabitiwan ang hawak kong cellphone at nahulog iyon sa sahig na nagkasanhi ng ingay. Mariin akong napapikit at nangatog ang mga tuhod ko dahil may naramdaman akong presensya sa likuran ko.



Ayokong humarap para alamin kung sino iyon. Ayoko ring alamin na totoo nga ang sinabi ng kaibigan ko na si Rence nga ito. Alangan namang si Trevon ito, hindi ba? Siyempre, alam kong si Rence talaga ang tinutukoy ni Zani pero tang ina lang!



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now