Chapter 39

1.2K 53 2
                                    

Jerk!



Iyan ang salitang masasabi ko sa kaniya. Matapos ng sinabi niya kanina ay tinalikuran ko kaagad siya at padabog na tumungo sa may dinning area kung saan may mga nakahandang pagkain.



Sumunod siya sa akin at ngayon ay pareho na kaming kumakain ng niluto ni Mommy. He's sitting across me and staring at my boobs. Actually, kanina pa 'yang titig niya.



"Stop staring," I coldly told him and straightened on my seat. "Focus on your food, para makaalis ka na kaagad."



"Hmm, ang sarap," aniya matapos sumubo ng pagkain pero ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa dibdib ko. "Masarap talaga..."



"Can you stop staring at my boobs?!" I hissed and throw a table napkin at his face. "Sa pagkain ka nga tumingin! Huwag sa dibdib ko!"



Humalakhak siya at tinapos ang kaniyang pagkain bago tumayo sa kinauupuan niya. Napatayo rin ako bigla nang makitang naglakad siya patungo sa gawi ko. Bumilis ang aking paghinga nang tumigil siya sa aking harapan. Lumunok lang ako at umiwas ng tingin habang siya naman ay titig na titig sa akin.



Napatalon pa ako nang lumapat ang kaniyang mainit na palad sa aking baywang at hinila ako padikit sa kaniya. Lumapat naman ang aking mga palad sa kaniyang dibdib at kasabay niyon ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib. Tiningala ko siya at natagpuan siyang nakatitig pa rin sa akin.



"Bakit ba ang ganda-ganda mo?" he whispered huskily.



Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang aking bibig nang akmang hahalikan niya ako. Mabilis ko siyang itinulak kaya napabitiw siya sa akin.



"N-Nasa loob si Mommy," I said. "Baka makita niya tayo..."



Kaagad akong napaisip sa sinabi ko. Ibig sabihin ay magpapahalik ako sa kaniya kapag hindi kami makikita ni Mommy?! Oh gosh, Ellai! Mabilis ko namang kinalabit ang sarili ko at iniling na lang ang naisip. I looked at Rence and caught him smirking at me. He was about to kiss me again when the phone on his pocket suddenly rang.



"What the..." Hindi niya tinuloy ang sasabihin, sa halip ay nilabas niya ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa at kaagad na sinagot ang tawag sa harapan ko. "Yes? Who is this?" tanong niya sa tawag na nakakunot ang noo. "What? Shekainah?" Napatingin siya sa akin nang bumanggit siya ng isang pamilyar na pangalan. "Sige, susunduin kita riyan."



Shekainah? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?



Binaba ni Rence ang tawag at tiningnan ako. Sinuri niya pa ako ng tingin. I managed to arch a brow at him even though my knees are trembling. Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin at hindi ko mababasa kung ano ang laman ng isipan niya ngayon.



"Do you want to come with me?" he asked.



"Saan?" tanong ko sa mababang boses.



"I'm going to fetch someone," he inquired. "Kung gusto mong sumama, kailangan mong magbihis muna. I won't let you come with me wearing that..." aniya at nginuso ang pananamit ko kaya napatingin ako rito.



I am wearing plain shirt partnered with a dolphin shorts. Wala naman akong nakikitang mali sa suot ko kaya inangat ko ang aking tingin kay Rence at nakitang namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. I immediately avoided his gaze.



"S-Sasama ako," I said finally. "Pero bakit kailangan kong magbihis? I am comfortable with my outfit, Rence. At saka, susuotin ko ang gusto kong susuotin," matigas kong sabi.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now