Kabanata 25

15.6K 828 486
                                    

"Hindi na ba uuwi si Sir?"

Sumubo ako ng kanin, "eh, baka ho talagang tumira na sa bar."

Matapos ang gabing pagpapalayas ko sa kaniya, hindi na siya nakapasok magdamag pa. Mabuti nga dahil baka maginit lalo ng ulo ko. Pahirapan pa akong paltan ang tela ng kama na nabahiran na ng suka at amoy niya.

King sized bed pa iyon, sobrang laki!

"Hala, mam, paano kung hindi na bumalik si Sir?"


Kumunot ang noo ko. Imposibleng hindi bumalik dito ang lalaking iyon. Bahay niya ito na binili ng Ama niya na halos ilang milyon ang presyo. Hinding hindi niya ito basta bastang iiwan sa akin.

Nang makarating ako sa school ay wala muli si Sunshine. Nangangamba na ako dahil baka hindi na niya mahabol ang mga ginagawa namin dito sa school dahil sa nangyari. The Zyno guy must be punished.

"Hara," kinalabit ni Kevin ang likuran ko.

Hinarap ko siya at ngumiti. Sabado na ngayon, oras na para simulan ang project ko.

"Bakit? May ipagagawa ka ba?" tanong ko at inabot sa kaniya ang napack ko nang take out order.

He licked his lower lip and shook his head. Kita sa mga mata nito kung paano siya may taranta sa mukha at animo'y hindi alam ang sasabihin. Matapos niyang ibigay sa customer ang order na iyon ay hinila niya ako sa isang sulok.

Gulat ko siyang tiningnan, "may problema ba, Kevin?"

"Baka kasi hindi na kita matulungan sa school project mo," alanganin niyang sabi.

Kumunot ang noo ko, "b-bakit naman?"

Namamawis ang noo niya at hindi mapakali ang itsura, "kagabi, si Kev." tukoy niya sa kapatid, "natunton niya ang Adarna pero binaril siya, eh. Kailangan kong ibalik sa bundok si Kev para magamot. Ang mga pakpak niya ang napuruhan dahil may kutsilyo ang babae."

"A-ano?" gulat kong bulong sa kaniya. Nilingon ko ang paligid kung may nakikinig ba, "bakit narito ka pa? Kamusta na siya?"

"Narito pa 'ko para magpaalam sa'yo, eh. Nakakahiya naman kasi nag-volunteer pa ako para maging model mo tapos ganito ang mangyayari." nag kamot siya ng batok.

Umiling ako at tiningnan siya. Halatang nagmamadali ito. Hindi ko lubos maisip na ganito kadelikado ang paghahanap sa isang Adarna.


"H-hindi… ayos lang. Aalis ka na ba ngayon?"


Tumango siya, "oo, si Kimora muna ang bahala rito. Magtatagal ako ng ilang araw sa bundok. Kailangan naming padasalan si Kev sa Babaylan."

"Maghahanap na lang ako ng ibang model. Kailangang kailangan ka na ng kapatid mo," sabi ko at tinapik ang balikat niya. "Sana gumaling na siya "

Si Kev pa naman ang nagrekomenda sa akin ng Bakery Shop na ito. Kung wala siya, hindi ko nakilala ang napakabait niyang kapatid na si Kevin kaya naman nakakalungkot pakinggan na ganoon na lamang ang nangyari sa lalaki matapos ang paghahanap sa Adarna.

"Sunday, bukas ay sarado ang shop. Paalis din kasi si Kimora tapos wala ako. Ang balik ng trabaho n'yo ay Lunes na."

Dahan dahan akong tumango. He hugged me tightly while I tapped his back.

"Be strong, he will be fine…." bulong ko.

Ngumiti siya sa akin matapos ang yakapan, "thank you. Magpapaalam muna ako kay Kimora bago umalis."

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon