Kabanata 41

15.9K 981 618
                                    

"May paalis na naman ata,"  bulong sa akin ni Dakila.

I stopped myself from typing on my laptop and turned my gaze to Dakila. Nginuso niya ang bagong tutor ni Orpheus na nagliligpit na ng kagamitan niya habang umiiyak. Agad akong tumayo at nilapitan ito.

"Gena, anong nangyari?" tanong ko at hinawakan ang magkabila niyang braso.


She sobbed and said, "d-demonyo anak mo, mam. Hindi n-normal ugali ng anak mo."


  Gulong gulo ako habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan ang ilang sinasabi niya dahil sa pag iyak iyak niya. Orpheus is now four and he's starting to learn how to write his name and others so he could not get boring here inside the house whenener  I'm at work. Hiniling sa akin ng anak ko ang isang tutor ngunit si Gena ay pang anim na.

"Dito ka lang. Doon ka sa tabi ni Dakila. Kakausapin ko lang si Orpheus para malaman ko kung anong nangyari-"

Umiling si Gena sa akin at pinisil ang kamay ko, "nananakit ang anak mo, mam. Nananakal at nanghahampas siya kapag hindi nasusunod ang gusto n'ya. M-matabil din ang dila at nakakatakot ang mga salita na lumalabas sa bibig."

I shook my head while looking at her with widened eyes. My son would never do that to a 23 year old woman! He's small, innocent and a good kid.  Ano ba talaga ang nangyayar at ganito palagi ang nangyayari?!

"W-what does he n-need? Ano bang gusto? Bakit hindi mo maibigay? Is he asking for a milk, candy, chocolate-"

Humikbi siya at sunodsunod ang iling sa akin, "pinakitaan niya a-ako ng pangil, mam. H-he wants me to cut my p-pulse, he wants to see and taste my blood-"

"That is not true-"

"He wants my blood! Nauuhaw ang anak mo sa dugo ng mga tao! He's craving a fresh blood, ineexpose mo kasi siya sa mga taong katulong!"

"W-what. . ." sinapo ko ang noo at naupo sa sofa na malapit.


Lahat ng kinukuha kong tauhan at may kaalam sa mga bampira. Hindi basta basta at hasa mag alaga ng batang bampira. Gena must have much better knowledge about vampires than me.

"Hindi magtatagal. . .makikita mismo ng dalawa mong mga mata ang pagpatay niya sa mga inosenteng tao," lumuluhang sabi sa akin ni Gena, "hangga't maaga pa at bata pa ang quadbrid, pagtuunan mo na ng pansin at ilayo sa mga tao bago mo pagsisihan pa ang lahat."

Tumayo si Dakila nang marinig iyon. Nagkatinginan kami at sabay na pinasok ang kuwarto ni Orpheus. We just saw him holding a yellow color and writing something on his paper. Binuhat siya ni Dakila at tinanong ng kung ano habang nanatili naman ako sa may pintuan at tintitigan ito.

Kilala ko ba talaga ang anak ko?

Hindi ko na alam kung sino ba ang paniniwalaan ko. Ako naman ang nagpalaki sa anak ko, e, bakit parang ako pa yung walang alam tungkol sa kaniya? Parang hindi ko kayang tanggapin lahat ng paratang na iyon dahil ako ang kasama ni Orpheus araw araw, ako ang katabi niya gabi gabi, kilala ko dapat siya.

Ako dapat ang mas kilala si Orpheus kaso parang lumalabas na ako yung hindi siya kilala. He looks innocent for me. Tila ba hindi ko matatanggap kung totoo mang ginagawa iyon ng anak ko.

Wala pa siya masyadong kaalam alam sa mundo pero nagiging masama ang isipan niya dahil sa uri niya. Nangingibabaw sa apat na lahing dala dala ni Orpheus ay ang pagiging bampira. Hindi rin imposibleng mauhaw siya sa dugo ng nga tao gayong tao ang mga katulong namin.

"Mummy, is there a problem?"

Napabalik ako sa reyalidad nang lumapit sa akin si Orpheus. Nagkatinginan kami muli ni Dakila. Pilit akong nagbigay ng matamis na ngiti sa aking anak at binuhat ito.



Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon