Kabanata 42

16.2K 1K 594
                                    

"May naiwan pa ba kayo? Si Elatasia? Nasaan si Elatasia?"

Binuhat ko pasakay sa kotse si Orpheus at nilingon ang bahay. Natanaw ko roon si Mamita na nakasuot ng simpleng mahabang kulay puting dress at may salamin na itim. Nakalugay ang itim niyang buhok at hinahangin.

"Mamita! Tara na!" Sigaw ko rito.

Tumango siya at inilock ang pintuan. Sumakay na ako sa backseat at sinara iyon. Ito ang kauna-unahang lumabas si Orpheus ng bahay. As is, first time talaga kaya't nakadungaw agad siya sa saradong bintana ng kotse.


Madilim pa at madaling araw pa lamang ngayon. Talagang inagahan namin dahil mahaba pa ang byahe at hindi kayanin ni Orpheus ang mahaba't mainit na byahe.

Mamita opened the passenger seat and checked everything first.


"Wala na ba kayong naiwan? What's my Orpheus doing?"


"I'm here, Mamita!" Tumayo sa upuan si Orpheus dahil akala niya'y hindi siya nakita ni Mamita. "Mamita, saan tayo pupunta?"


Inayos ko ang mga gamit niya. Ang dede, nakahanda na. Minsan na lang siya dumede sa bottle dahil sinanay na namin ito sa baso. Nagbaon na lang kami dahil mahirap uminom ng gatas sa byahe.


"Uuwi na tayo sa Batangas," sabi niya at sinarado na ang pintuan.

Dakila started the engine. Maya't maya ko inaayos ang upo ni Orpheus dahil kung anong makita niya sa labas ay manghang mangha siya. Minsan ay napapatitig na lang ako sa nagiging reaksyon niya dahil talagang wala siyang kaalam alam sa paligid niya dahil takot siya sa araw at hindi lumalabas.


"Hindi ka pa ba antok?" Tanong ko at kinandong ito. "Mahaba pa byahe, anak, sleep muna tayo-"

"Bakit hindi natin kasama si dada?" Putol niya at suminghab. Hinanap niya si Mamita at sumigaw, "Mamita! Iniwan natin si dada!"


Bumagsak ang balikat ko at tiningnan si Mamita. Kinuha niya si Orpheus at kinandong sa kaniyang kandungan doon sa passenger seat. Sinandal ko ang sarili ko sa upuan at napailing.


Kevin got busy on his mission. Hindi ko siya sinagot, pinatigil ko siya dahil habang tumatagal, kinikilala na siya ni Orpheus bilang ama. Wala namang problema sa akin kung tumayo siya bilang ama ni Orpheus pero kay Mamita meron.


Ayaw ni Mamita kay Kevin. Sabihin na lang natin na siyempre, pipiliin at pipiliin niya ang anak niya. Okay lang naman sa akin dahil hindi pa rin ako handa para roon. Masyado rin siyang busy sa misyon at trabaho niya. Magulo ang kondisyon ni Kevin ngayon dahil sa adarna.


Hindi naman ako p'wedeng manghimasok agawin ang oras niya dahil misyon niya iyon at kapag pinilit ko siyang bigyan pa ako ng time, lalo siyang mahihirapan.


Kaya pinatigil ko muna siya. Sabi ko, magfocus muna siya sa trabaho at misyon n'ya. Dagdag isipin pa kaming mag-ina sa kaniya kapag nag tuloy tuloy siya. Hindi rin naman siya tatanggapin ni Mamita.

"Pupunta tayo kay daddy-"


"Si dada nga po. . ." Inalog niya ang balikat ni Mamita.


Nagkatinginan kami ni Mamita mula sa salamin matapos balewalain ni Orpheus ang tungkol sa kaniyang tunay na ama. I bit my lower lip and looked away. Siyempre, ayaw ni Mamita noon.


"Wala si dada, busy siya. Kay daddy tayo pupunta," marahan na sabi ni mamita sa kanya. "Sa house ni daddy at mamita."

Umiling si Orpheus at umirap. "We should have call him , we should call dada! Paano kung hanapin niya tayo?"

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon