Kabanata 34

15.7K 846 585
                                    

"Alam mo, Hara? Pakiramdam ko ay hindi ako papasa sa board exam."

Kumunot ang noo ko habang nagmamasa ng tinapay. Karamihan sa katrabaho namin ay umangal sa sinabi ni August.

"Huwag ka ngang mag isip ng ganiyan," may galit sa boses ko. "Papasa ka, papasa tayong lahat!"

Nagsiayunan ang mga ka-trabaho ko. Puro kasi negative ang lumalabas sa bibig ni August simula kaninang umaga.  Nago-overthink siguro siya para sa darating na exam ngayong buwan para sa lahat.

Pati rin naman ako kinakabahan pero dapat hindi tayo mawalan ng pag asa sa buhay. Paano ka naman aangat kung hindi ka maniniwala sa sarili mo, 'di ba?

"Hay nako," singit ni Jillian. "Ako, kapag hindi ako pumasa, magtuturo na lang ako sa day care roon sa Barangay namin. Ganoon ang ginagawa ni Ate ngayon dahil hindi siya nakapasa sa board exam."

Ako, hindi ko alam. Kung hindi man ako papasa, susubukan ko pa rin magkaroon ng trabaho at magsisikap. Sigurado naman akong magagamit ko ang pinagaralan ko balang araw.

Sabay sabay naming nilingon ang pintuan ng kusina nang marahas iyong bumukas. Pumasok doon ang tarantang si Chef Kimora.

"Everyone, please pay attention!" Sabi niya sa amin, "nasa labas na si Kevin. . . nagpaparking lang. Ayusin ninyo ang sarili n'yo at mga ginagawa niyo. Let's give him a warm welcome back, is that fine?!"

"Yes, Chef!" Sabay sabay naming sabi.

Lumabas na siya at mukhang sasalubungin nga si Kevin. Kunot ang noo ko habang pinagpapatuloy ang pagb-bake. Parang biglaan naman ata ang magiging pagbalik ni Kevin? Kamusta na kaya si Sunshine? Maayos na ba ang pakiramdam niya?

Maya maya pa ay bumukas muli ang pintuan. Lahat kami ay binati si Kevin na nakasuot ng pang-business attire. Hindi kagaya noon na may palagi siyang ngiti sa labi, ngayon ay wala ni-isang emosyon ang mukha niya. Malamig ang asul niyang mga mata at matalim nang tumingin.

I fidget my fingers and waited to speak after we welcomed him. Bago siya magsalita ay may dalawang lalaki ang sumunod sa kaniya na pumasok. I can still remember who is the one guy on Kevin's right side.

It was Uwak.

Ang isa ay hindi ko na kilala.

Nagtama ang tingin namin ni Kevin. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang tingnan ang mga matang iyon sa lamig. He's not the Kevin I knew anymore.

"Good afternoon everyone," miski ang boses niya ay lumamig. "Hindi ako narito para bumalik na muli sa Bake shop na ito para mag-trabaho kung hindi ay ipakilala sainyo ang magiging mga bago ninyong boss."

We are all gasped.

"This is Derick Paul Marasigan and this is Hercules Wdexter Marasigan. They're brothers."

Tumango tango ako. Derrick, ang layo sa uwak. Yung isa, hindi ko talaga kilala. Aaminin kong magkahawig talaga sila ni Derrick ngunit mas matangkad si Hercules at mas madilim ang awra.

I felt my knees weaken when Hercules' gaze landed on me. Pinadaanan niya ng tingin ang buong katawan hanggang sa matuon ang pansin niya sa mga daliri ko na pinipisil pisil ko at ang tuhod ko. A smirk formed on his
lips.

"Sila ang magsisilbi ninyong boss sa mahabang panahon na wala ako. I'm hoping that you will them as how you treat me because they will treat you as how I do."

Muli kaming tumango.

"That's all," sabi ni Kevin. "Hara Guevara, come with me."

Agad akong nag-angat ng tingin kay Kevin. My eyes widen a bit but he finally looked away and walked out with the two new boss. Hinubad ko agad ang gloves ko at kabadong nilingon ang mga kaibigan ko.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon