Kabanata 27

16.5K 898 665
                                    

"Then why are you so mad?"

"Noon pa lang galit na galit na ako sa'yo, Evan. Tinatanong pa ba 'yan? Ikaw lang naman ang nagsimula ng away na 'to, ah? I was just asking why did you threw your medal. Ang ibang players ay wala niyan tapos itatapon mo lang?"

Umiling siya at nag igting ang panga. Hawak hawak ko pa rin ang medal na pilit niyang inaagaw para raw itapon na dahil wala itong saysay.

"You don't get it," sabi niya. "I don't value any prize that I'm not happy to keep."

"Edi, itabi mo lang sa isang tabi! Huwag mong itapon!"

Umiling siya. Muling sinubukan agawin sa akin iyon. Tinago ko iyon sa likuran ko at napasandal sa closet n'ya.

"Maalala ko lang lahat ng sama ng loob ko habang naglalaro kung itatabi ko 'yan," mas kalmado niyang sabi. "Come on, baby, give it to me."

"Bakit ba masama ang timpla mo sa field? Nagseselos ka na naman?" Kunot noo kong tanong, "binati ka naman ng girlfriend mo na congratulation with hug and kiss tapos sa akin ka na naman magbubuntong ng galit?"

He licked his lower lip and held my arm gently. Ang kaninang madilim niyang mga mata ay lumambot at lumamlam. Hindi niya inabot ang medalya na nasa likuran ko, hinawakan niya lamang ang braso ko habang nakatitig sa mga mata ko.

"You're jealous..." sabi niya. "Hindi ka lang galit dahil sa inaasta ko at nag iinom ako. Nagseselos ka kay Donna-"

"Hindi nga ako nagseselos kay Donna!" I frustratedly said to him, "wala naman akong pake kung mag-girlfriend ka! All my concern is just all about the medal!"

Kinagat niya ang ibabang labi niya at halatang pinigil ang sarili upang tumawa. Nainis ako nang makita ang reaksyon na iyon kaya naman ibinigay ko sa kaniya ang medalya at akmang aalis na ngunit pinigilan niya ako.

"So this is how you care about the medal?" He asked and chuckled. "Okay, if you want me to keep this then I'll keep this. Is that all you want? Is that all my baby's concern?"

Pagak akong tumawa at pinanood niyang pasadahan ng kamay ang kaniyang medalya. Tumingin siya sa akin.

"Bahala ka, itapon mo na lang kung gusto mo," umayos ako ng tayo . "Hindi ko naman medal 'yan."

Lumayo ako sa kaniya at lumapit sa closet ko. Pilit kong inilalayo ang sarili ko kay Evan at naghalungkat ng damit na susuotin ko ngayong gabi. Narinig kong binuksan niya ang drawer at doon inilagay ang medalya niya.

Matapos maglabas ng damit ay kinuha ko ang tuwalya ko. He cornered my way. Tiningala ko siya at inis na tiningnan.

"Ano pang problema? Sabibin mo nang maayos na 'to, ano?" tanong niya.

"Ikaw, ikaw ang problema. Umalis ka na, may bisita ka pa sa labas 'di ba?" Nagtaas ako sa kaniya ng kilay.

Naalala ko ang mga kaibigan niyang naroon sa baba. Balak ko pa naman maghapunan doon ngunit naroon pa ang mga kaibigan niya. Bahala na mamaya dahil nasa sala naman sila at wala sa kusina. Malaki ang mansyon.


Nilampasan ko siya at sinubukang buksan ang pintuan ng banyo. Hinawakan niya ang doorknob noon para pigilan ako.

"Galit ka pa? Hindi na ba ako iinom? Gusto mong pauwiin ko sila Lucifer?"

Pinilit kong buksan iyon at hinampas ang braso niya. Pinandilatan ko siya at kinurot ang braso.

"Ano pa bang kasalanan ko? Ano bang gusto mo?" pilit niya, "may dalaw ka ba?"

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoWhere stories live. Discover now