Kabanata 31

16.5K 990 910
                                    

TW: mention of rape

"Come on, Hara."

Isunuot ko nang maayos ang sumbrero ko at sumampa na sa kabayo. I looked at on Evan. Tinanguhan niya ako.

Pare-pareho kaming may hawak na palaso at mga sako. Mangangaso kami sa kagubatan na pangungunahan ni Mamita. It still confuse me why is she covering the half of her face.

Naunang magpatakbo ng kabayo si Mamita. Mabilis at halatang sanay na sanay. Agad ko siyang sinundan na sinundan naman ng mga kalalakihang kasama namin. Pinasok namin ang kagubatan habang nakahanda ang mga palayo.

Hindi ako marunong gumamit ng ganito ngunit pipilitin kong kumuha.

"Dakila! Ang harass mo naman!" reklamo ni Kento na nakaupo sa unahan ni Dakila.

Maliit si Kento at hindi maalam mangabayo. Hindi niya abot ang apakan at hindi rin marunong kumontrol.

Humalakhak si Dakila at lalong dinikit ang katawan nito kay Kento dahilan para muntikan nang mahulog ang bata na kinasigaw nito.

"Mamita!" takot na sigaw ni Kento nang muntikan na siyang mahulog. "Ayoko na, bababa na ako!"

"Huwag ka ngang bading," tawa ni Dakila. "Tingnan ninyo ang gagawin ko."

Umarko si Dakila habang tumatakbo ang kabayo. Inayos niya ang kaniyang malaking palaso at pinatamaan ang isang malaking ibon. Isang halakhak ang ginawa niya at agad na bumaba sa kabayo upang kunin iyon.

Namangha ako roon at sinundan ng tingin ang mga kasamahan ko. Si Lazaro at Lazarus ay humilay sa amin, nagpunta ito sa alam nilang daan ngunit magkahiwalay.

Hinanap ng mga mata ko si Evan na nasa likuran na ni Mamita habang pinatatakbo ang kabayo. Nakahanda rin ang pana nilang dalawa, tila inuunahan niya si Mamita na matamaan ang isang baboy ramo ngunit sinipa ni Mamita ang kabayo ni Evan upang pigilin ito. Evan fell on the ground and groaned.

Natawa ako roon at tinuon ang pansin ko kay Mamita. Walang kahirap hirap niyang pinakawalan ang dalawang bala niya sa kaniyang palaso at tinamaan ang baboy ramo.

"Madaya!" sigaw ni Evan, "magnanakaw!"

Bumaba si Mamita ng kaniyang kabayo hawak hawak ang sako. Tumatawa niyang sinako ang baboy.

"This is how life works, Evan," tawa ni Mamita. "May dayaan, nakawan at lamangan."

Natawa ako ngunit natigilan nang mapagtantong wala pa akong huli. Lumunok ako at nilingon ang paligid. Wala naman akong mahanap na hayop.

"Akin na 'to," Evan whispered and immediately rode back on his horse when he saw a Deer.

Sumunod ako sa kaniya na kinakunot ng noo niya. Agad kong inihanda ang pana ko at tinutukan ang usa na tahimik kumakain ng mga dahon at prutas sa isang halaman.

"Oh, come on!" pagod na sabi ni Evan nang makita ang ginawa kong paghahanda. "Baby, it's mine!"

Ngumisi ako at pinakawalan ang palaso. Tumama iyon sa tiyan ng usa ngunti nakatayo pa ito kaya't muli ko itong hinabol ng pana bago ito tuluyang natumba.

"Just give it to me," tawa ko at bumaba sa kabayo. Hila hila ko ang tali nito habang papunta sa usa na nanghihina na.

Isinako ko iyon at nilingon si Evan na pinalakad ang kabayo papalapit sa akin. Tiningala ko siya bago niya agad hinablot ang panga ko papalapit sa kaniya at binigyan ako ng halik sa labi.

Namula ang pisngi ko sa nangyaring iyon. Mamita is watching from afar! Hindi na nahiya!

Tumawa si Mamita sa naging reaksyon ko. Agad akong sumakay sa kabayo at sinamaan ng tingin si Evan.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon