Kabanata 43

17.9K 1K 937
                                    

"Mamita, paano ba natin sisimulan?"



I started eating my fresh fruit from a tree. Ngayon lang ako nakakita ng puno na may bunga ngayon dito kaya pumitas na ako. Narito kami ngayon sa labas, umaga pa lang at kasisikat pa lamang ng araw. Sumama ako mangabayo kay Mamita at naglibot sa kaharian. Tulog pa naman si Orpheus at tanghali na siyang gumising. M ga 10 pa ang gising niya, minsan ay 11.

 

Maaga pa lang ngunit kay rami nang gising at nagbabantay sa buong palasyo. Unti unti na rin nalalagyan ng mga taong bayan ang dating walang kalaman laman at walang buhay. Siguro, nagbalik muli sila sa bayan nila dahil alam niyang ligtas na muli sila sa ilalim ng pagbabalik ni Mamita sa kaharian. 




"Teka," gulat kong nilingon si Mamita nang pasakay na siya sa kaniyang kabayo. "Saan tayo pupunta, Mamita?"



Sumakay na rin ako sa aking kabayo at pinanood siyang pagmasdan ang bayan niya mula rito sa itaas. Nakatayo kasi ang kaharian sa itaas na bahagi habang ang bayan naman ay sa ibaba kaya mula rito, makikita mo sila.


"Dalhin na natin si Orpheus at dalhin sa kagubatan bago siya magising," sabi niya.



Sinundan ko ang kaniyang kabayo. May tiwala ako kay Mamita kung ano man ang gagawin niya kay Orpheus para mapa-ayos ang lagay nito at matutong kontrolin ang sarili. Sana nga ay gumana ito para  kahit papaano ay hindi mapanganib si Orpheus. Iyuong tipong alam na niya kung paano ba gamitin sa tama at mali ang kan'yang kakayanan.


Binalot ko sa kayumangging kapa si Orpheus habang natutulog pa ito. Buhat buhat ko siya habang mabilis na pinapatakbo ang kabayo papunta sa kagubatan kung saan papunta si Mamita. Nang makarating kami roon ay may mga ibang diwata kaming kasama na naghihintay doon.


"Mamita. . . " mahinang tawag ko at inilibot ang tingin sa paligid. "B-baka may gawin silang kung ano sa anak ko-"

 

"Sila ang bantay sa aking kagubatan, Hara. Sila ang magbabantay sa anak mo habang kumikilos si Orpheus at tinutuklas ang sarili niya sa loob ng dalawang araw at isang gabi. Hindi nila sasaktan si Orpheus," dadahan dahan inilapag ni Mamita ang bata sa ilalim ng puno.

 

Humigpit ang hawak ko sa aking pana at pinantayan si Orpheus. HInalikan ko ang  noo nito at ilang minutong nakaakap dito. Baka hindi ako makatulog dahil wala siya sa tabi ko.



"Kinakabahan ako," sabi ko kay Mamita matapos tumayo at pantayan siya. Pareho lamng ang kasuotan namin. Tanging kulay puting tela na umaabot lamang sa aming ilalim ng tuhod. May mga palamuti rin kami na mga makukulay na hiyas sa noo, kamay, kwintas at sa buhok. We were also wearing a fairy shoe that has flower on it that always smells good. I also have a pearl belly lace that Dakila gave me.



Mamita tapped my shoulders and chuckled, "tara na. Sisisid pa tayo sa Dagat ng Perlas, 'di ba?"



Nag iwas ako ng tingin sa kaniya. Ilang beses ko nang tinanggihan ang pagpunta sa dagat kung saan ako isinilang at kung saan naninirahan ang aking mga kamag-anak sa side ni Mama.

 


Muli kong  sinulyapan ang aking anak sa punong iyon matapos sumakay sa aking kabayo. Mahimbing ang tulog niya at pinagmamasdan pa ng mga engkantada. Nag iwas na ako ng tingin dahil baka magbago pa ang isip ko at kunin ito. Sinundan ko lamang ang kabayo ni Mamita at natigilan nang marating namin ang isang ilog.



"Dito ang daan papunta sa karagatan-"



"Bumalik na tayo sa kaharian," sabi ko. Nilingon niya ako at umirap. Dumaan ang inis sa mukha ko nang magsimula na siyang alisin ang kaniyang pang-paa.


Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon