Kabanata 39

18.3K 1K 860
                                    


"Oh, may bisita na naman tayo?!"

Nahihiya akong naupo sa sofa nang makita si Dakila sa sala ni Mamita na nagkakape habang nanonood ng TV. Gabi pa rin ar kararating lamang namin dito sa bahay niya.

Mamita chuckled and caressed my hair, "siya pala ang naririnig natin na umiiyak sa kagubatan."


Kumunot ang noo ni Dakila at nilapitan ako. He checked my arm and saw a scratch on it. Agad ko iyong binawi at nag iwas ng tingin.


"Babalik ako, kukuha lang ako ng damit at sabaw para sa'yo," sabi sa akin ni Mamita at nagpatak ng halik sa ulo ko.


I don't have underwear anymore. Tanging ang suot suot ko na lamang ay ang dress ko na duguan  at  napunit sa mga kahoy habang tumakbo kanina.


"Buntis ka," sabi ni Dakila matapos i-check ang pulso ko. "Anong nangyari sa'yo? May masakit pa ba? Nahihilo ka ba?"


Ngumiti ako at kinuwento sa kaniya ang lahat ng nangyari habang wala pa si Mamita. Pilit kong pinigil ang sarili ko na umiyak habang nagkukwento sa kan'ya. Dakila listened to me until I finished.


"Paano 'yon? Sa amin kayo ng anak mo magtatago?"


I bit my lower lip and shrugged. Nakakahiya naman kay Mamita kung makikisiksik kami rito sa pamamahay niya. Tinulungan na niya ako ng ilang beses at nabigyan  na ng payo ngunit humantong pa rin ako sa ganito.

"Bahala na. . ." Sagot ko.


Pinaligo muna ako ni Mamita at pinasuot   ng dress na kulay puti. Presko iyon sa pakiramdam at puwedeng puwede sa mga buntis. She made a mushroom soup for me and I ate it on front of them.


"You can hide here. . ." Sabi ni Mamita matapos malaman ang balak ko na paglayo kay Evan. "If you're not yet mentally prepared for him, you can stay here until you gave birth. Siguradong kapag sa mga Manalo ka nagtago ay makikita at makikita ka niya."

I sighed after I realized it. Manalo family won't be able to help me. May sapat din na pera si Evan na milyon milyon na kayang gamitin sa pagpapahanap sa akin kung gugustuhin man niya. At kung sa piling naman ako  ni Mamita na may sapat ding kapangyarihan, mukhang may pag asa pa akong makapagtago kay Evan.



"He got other women  pregnant, Mamita. Nakabuntis si Evan ng ibang babae, 'yong kasali sa cheerleading squad ng team nila sa baseball. She had the evidence in her own hands. May CCTV footage, bracelet, at kung ano ano pa." sabi ko kay Mamita habang nakatingin sa berde niyang mga mata.


Malaki sa parte ko ay agad na  naniwala kay Donna. Aaminin ko,hindi ko pinakinggan si Evan dahil lamang sa mga ebidensyang nasa mga kamay ni Donna. Lumamang ang galit, selos at sakit sa dibdib ko nang  malaman iyon. Wala nang ibang pumasok sa isip ko kung 'di galit sa dalawang iyon. I never let Evan prove that it is wasn't his child.


"Are you sure about that?" she asked carefully.


"S'yempre, may ebidensya yung kabit, e," singit ni  Dakila.


I agreed to him. Pilit akong ngumiti sa kaniya nang tapikin niya ang balikat ko.



"Mabuti pa ay bukas ka na mag isip tungkol d'yan. Gabi na halos mag-mamadaling araw na. Kailangan mo ng pahinga dahil sa nangyari sa'yo ngayong araw."



I nodded. Mamita gave me a room just for myself and for my child. Pinangakuan ako ni Dakila na igagala niya ako sa paligid at sa bahay bukas ng umaga. The room is very clean and simple. Lahat ng mga gamit dito ay animo'y mga kagamitan noong kapanahunan ng mga espanyol.




Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon