Kabanata 37

17.1K 961 753
                                    

"I want karaoke na green, 'yong green peas. Lalagyan ko ng suka."

He nodded his head while eating breakfast. "UTI abot mo."

Nagkibit balikat ako. Umiinom naman ako palagi ng tubig kaya ayos lang.

"Weird ng cravings mo," tumawa siya. "Tumataba ka na tuloy."

Natigilan ako at pasimpleng binalingan si manang na nalingon din ako. I held my tummy and chuckled.  Manang and I are planning to surprise him. Palagi kasi itong tutok sa trabaho at busy, balak naming mag isip kung paano sa kaniya sasabihin.

Tumango ako. "Maganda pa rin naman ako kahit mataba ako."

"Of course," mabilis niyang sagot. "You're always pretty. Hindi ka naman pangit, e. "

I just smiled and finished my food. Sabay kaming pumasok sa trabaho. Kakilala niya rin pala ang dalawa kong boss kaya naman mas naging kampante ako habang nagtatrabaho.  Minsan ay wala rin kaming trabaho dahil wala sila. Madalas sila sa himpapawid dahil sa paghahanap na rin sa adarna.

"Parang tumataba ka, Hara."

I looked at August before I looked at on my body.  May suot naman akong apron kaya hindi na iyon halata. I looked at my arms, ganoon pa rin naman ang taba.

"Halatang halata ba?" Natawa ako.

"Oo, 'te," singit ni Richelle. "Pisngi mo mataba tapos itong tiyan mo." Hinawakan niya ang tiyan ko.


Lumingon ako sa paligid. I trust every one of them so they deserve to know. Ibiniba ko ang pang masa at hinarap silang apat. Natigilan sila sa naging kilos ko dahil hinarap ko sila.

I caressed my belly in front of them. Maya maya pa ay isa isa silang suminghab at impit na umirit. Natawa ako nang magkumpulan kami sa p'westo ko.

"Buntis ka?!" Impit na bulong ni Jillian.

Lumabi ako. "Oo pero hindi pa ako makakapag pacheck-up. Busy kasi ako. . "

"Oh my God," Anne gasped. "Alam na ba 'to ng asawa mo? Bakit hinahayaan ka niyang mabusy kaysa magpacheck up? 'Di pa n'ya alam?"

Tumango ako. Biglaan din kasi nang malaman kong buntis ako. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon ni Evan kapag nalaman niyang ipinagbubuntis ko ang anak niya. Na nagkaroon pala ng bunga ang pekeng kasal na nangyari sa amin.

"Surprise ko sana s'ya," bulong ko. "Hindi ko lang alam kung paano. . ."

Hinawakan ni August ang braso ko at bumulong sa amin. Oras ng trabaho ngunit nag uusap usap kami kaya binibilisan na namin ang pagsasalita dahil baka mahuli kami rito ng mga boss namin.

"P'wede mo s'yang surprise mamayang gabi! Magbihis ka ng magandang bestida tapos iabot mo na lang, sabihin mo, surprise!"

Umismid naman si Jillian. "Boring naman ng surprise na 'yon!"

Humagikgik ako. "P'wede na 'yon. . . hindi ko naman kailangan mag isip ng bongga para malaman niyang buntis ako-"

Pare-pareho kaming napaigtad nang dumating ang boss naming si Hercules sa harapan namin. Tinikom ko ang bibig ko matapos namin mag hiwahiwalay atb bumalik muli sa pagkakapwesto.

"Sinong buntis?" Tanong nito.

Nag iwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagmamasa. Sinamaan ko ng tingin si Richelle nang magsalita siya.

"Eh, Sir, sino ho bang may asawa rito? Baka kayo, buntis?"

Kumunot ang noo ni Hercules. Nagtama ang tingin namin bago niya ibaba ang tingin sa tiyan ko. Sinenyasan niya akong sumunod sa opisina niya matapos n'yang makipagtitigan sa akin ng ilang minuto. Inayos ko ang apron ko at sinulyapan ang mga kaibigan ko. Ngumuso ako matapos nila akong tanguhan.


Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon